Hinawi ni Klio ang buhok niya't hinalikan siya sa balikat.
"Good morning, Misis. Time to rise for your exhibit..." bulong nito sa bahagya pang namamaos na tinig.
Pumihit siya paharap sa asawa.
"Oh, you didn't go to work?" aniya rito.
"Nagpaalam akong hindi papasok ngayong araw," anito't kinintalan siya ng halik sa labi. "So, I could come to your exhibit."
"That's so sweet of you..." aniya't hinaplos ang pisngi ng lalaki.
He smiled. "Bumangon ka na at maligo. I'll cook breakfast while you're getting ready."
"Okay."
Hinalikan siya ng asawa bago ito naglakad palabas ng silid.
Bumangon siya at nag-inat.
She stayed on the bed for several moments before finally getting down to take a bath.
Naghubad siya ng pantulog at pumasok sa banyo.
Hindi mapigilang mapangiti ni Teyl habang naliligo.
She felt victorious she was able to take Klio away from his work for a day.
Lagi namang bumibisita ang lalaki sa mga exhibit niyo noong hindi pa sila mag-asawa.
But this one, it's special because he will attend as her husband.
Nagbanlaw na siya at nagtuyo ng katawan. Pagkatapos ay nagtapis para magtuyo ng buhok.
Pagkalabas niya ng banyo, nagsuot lang siya ng roba at bumaba sa kusina.
"I'll make us coffee," anunsiyo niya sa asawa.
"Okay, thanks," he answered behind the stove. "What time will the exhibit start, by the way?"
"Eight a.m., love," sagot niya habang naglalagay ng kape sa dalawang tasa.
"We have an hour and a half, then," anang asawa't sinalin na ang nilutong garlic rice sa plato.
Dinala niya ang kape nila sa dining room at tumulong na rin sa pagdadala ng pagkain para makapag-almusal na sila.
They had a little chat and a quick breakfast. Nagmadali na silang mag-asawa para hindi ma-late sa pagbubukas ng exhibit.
Pagkatapos makapagligpit sa kusina, bumalik na sila sa k'warto para makaligo na si Klio at makapag-ayos na rin siya ng sarili.
She put a little make-up and her white, sleeveless silk dress on. Hanggang kalahati ng binti niya ang haba niyon kaya pinaresan niya ng itim na stiletto.
Pagkalabas ng asawa sa banyo, nagsuot na rin ito ng itim na polo, pantalon, at sapatos.
His usual civilian attire when going out.
"You done?" tanong nito't hinapit siya sa baywang pagkatayo niya mula sa vanity mirror table.
"Yeah," nakangiting sagot niya't hinaplos ang braso ng lalaki.
Kinintalan siya nito ng halik sa labi. "Let's go," he said and picked up her white handbag on the table.
"Let's go," nakangiting tugon niya't humawak sa braso ng asawa.
Lumabas sila ng k'warto at naglakad na pababa sa sala.
Then, they walked outside towards his car.
Pinagbuksan siya ng pinto ng asawa at ito na rin ang nagbukas ng gate.
Then, he drove the car outside and got out again to close the gate.
"Are you excited for today?" tanong nito sa kanya pagkabalik sa likod ng manibela.
BINABASA MO ANG
CUS #5: Into You
Mistero / ThrillerThe downfall of the Chronos Union led Phinex to fall under the hands of Detective Lauder of the Luxirr Investigation Bureau. To save her ass, she bit the deal to use her skills in Psychopath hunting to catch one of the Bureau's persons of interest...