Bumangon si Teyl bago pa magising ang asawa.
Pinatay niya ang alarm ng cellphone na s-in-et kagabi bago matulog.
Dahan-dahan siyang bumaba ng kama at tinungo ang banyo.
Mabilis siyang naghilamos at nagsepilyo. Pagkatapos ay umalis na rin ng banyo para lumabas sa silid.
Ipaghahanda kasi niya ng almusal ang asawa bago ito magb'yahe pabalik sa trabaho.
Agad niyang inasikaso ang mga kakailanganing sangkap.
Pero nasa kalagitnaan palang siya ng ginagawa, bumaba na ang asawang nasa pantulog pa rin.
"What are you doing up here this early?" tanong nito't niyakap siya sa baywang.
"I want to make breakfast for you," aniya't nagpatuloy sa paghihiwa ng broccoli.
"You don't have to do this. I can make my own food."
Hinarap niya ang asawa. "It's okay. I want to," aniya't hinalikan ito sa labi. "Sit, I'll get your coffee."
He sighed in resignation. "Fine..."
Lumapit naman siya sa counter kung saan nakalagay ang mga kape, creamer, at asukal.
"Magkikita pala kami mamaya ng isang kaibigan, love, ha?" aniya sa asawa habang ginagawa ang kape nito.
"Saan?"
"Sa café lang malapit dito sa atin," sagot niya.
"Sinong kaibigan?"
"Si Sell, one of my college friends."
"Oh, okay. Anong oras?"
"Mamayang alas tres ng hapon pa naman."
Lumapit siya sa asawa at nilagay ang kape sa harap nito.
"Mag-iingat ka sa pagda-drive," paalala nito.
"I will," sagot niya't hinalikan ang lalaki sa labi bago balikan ang naiwang gawain. "Kumusta pala ang trabaho mo kahapon?"
Nagkibit-balikat ang asawa. "The usual stuffs. Wala namang operation, eh. Paper works lang." Humigop ito sa kape. "I like this."
Nginitian niya ang asawa. "I'll take not of that."
"Ikaw? Kumusta ang arrangements para sa next exhibit mo?"
Kumuha siya ng kawali at inilagay sa burner. "Naghahanap pa kami ng venue, eh. Iyong medyo malaki-laki at malapit sa mga tao."
"With?"
"With Jeremiah. 'Yong laging nag-aayos ng exhibit ko?"
"Yeah, I remember him."
"Baka sa mga susunod na araw pa ulit kami magkikita. Kapag hindi na ako masyadong busy sa pagpipinta."
"Don't stress yourself too much."
"I won't," she answered and smiled at him.
Nagsimula na siyang magprito ng mga ulam.
"I want the bacon a little crispy, please," anang asawa.
"Okay," nakangiting sagot niya rito.
Matapos magluto ay tulong-tulong na nilang dinala ang mga pagkain sa dining room.
"Do you want coffee?" tanong ng asawa sa kanya.
"Ako na."
"No, ako naman," ani Klio at pinaghila siya ng upuan.
Hindi na lang siya kumontra at sinunod na ang asawa.
"Thank you, love..." aniya't hinaplos ang braso nito.
"You're welcome," sagot ng lalaki't hinalikan siya sa labi bago ito naglakad pabalik sa kusina.
Nakangiting sinundan niya ng tingin ang asawa.
Ang sarap palang gumising sa umaga na ito ang mabubungaran niya. Na sisimulan nila ang araw sa pamamagitan ng pag-aasikaso sa isa't isa.
Pagkalipas ng ilang sandali, bumalik na si Klio sa dining room bitbit ang kapeng para naman sa kanya.
"Kain na tayo," anito't pinagsandok na siya ng pagkain.
"Ako dapat ang mag-aasikaso sa 'yo ngayon, eh," aniya sa lalaki.
"Hayaan mo na ako. Buong araw namang sarili mo lang ang kasama mo na naman dito mamaya. Wala na namang mag-aasikaso sa 'yo kundi ikaw lang."
"Thank you, Kley."
"I love you..." sagot ng lalaki't hinalikan siya bago kumuha ng sariling pagkain.
"I love you, too," nakangiting sagot niya sa asawa at sinimulan na ang pagkain.
BINABASA MO ANG
CUS #5: Into You
Mystery / ThrillerThe downfall of the Chronos Union led Phinex to fall under the hands of Detective Lauder of the Luxirr Investigation Bureau. To save her ass, she bit the deal to use her skills in Psychopath hunting to catch one of the Bureau's persons of interest...