Chapter 4- Part 4

11 2 0
                                    

Malapad ang ngiti ni Teyl habang naglalakad sa mababaw na tubig ng dagat.

Tanghali na kaya unti-unti nang nagsisimula ang low tide.

Nilingon niya ang asawang naglalakad sa likuran niya.

She waited for him, stretching her arm out until he reached her.

Hinawakan ni Klio ang kamay niya't nagsimula na ulit maglakad.

"Star fish!" sigaw niya nang makita ang invertebrate.

Tuwang-tuwang inalog niya ang braso ng asawa nang mapagtantong marami pala talaga ang mga star fish sa kinaroroonan nila.

"Can I touch them?" tanong niya sa asawa.

"I suggest, don't. Delikado sa kanila ang tanggalin sa tubig."

"Gano'n..."

She squatted to have a closer look at the marine creature.

"Aren't they beautiful?"

"They are. Do you want to take a picture with them?"

Malungkot na binalingan niya ang asawa. "I don't have my phone with me..."

"I had mine," anang lalaki't dinukot ang cellphone sa bulsa ng suot na short.

Napangiti siya sa sinabi ng asawa. "Thanks, hubby!" aniya't tumayo at nilapitan ang asawa. She kissed him on the lips.

"You're welcome. Now, pose with them."

"Okay..." sagot niya't naglakad sa bahagi ng dagat kung saan may tubig pa't mas marami ang star fish.

Umupo siya't hinintay na makunan siya ng litrato ng asawa.

Pagkatapos ng unang kuha'y humiga siya't ipinikit ang mga mata. Inilagay niya rin ang mga braso sa taas ng ulo at ipinuwesto ang mga hita.

Magaling na photographer si Klio. Isa iyon sa mga hobby ng lalaki. Kaya alam niyang magagawan siya nito ng magandang kuha.

Nang matapos ang asawa'y lumapit ito sa kanya at ipinakita ang mga litrato.

She's amazed by the photo he's taken. As always.

"Thank you, love..." aniya't hinalikan ang asawa.

Matagal.

"Stop, baka hindi na matuloy ang pamamasyal natin," anito nang pakawalan niya ang mga labi ng lalaki.

Natatawang humawak siya sa braso ng asawa't pumihit na para maipagpatuloy nila ang paglalakad-lakad sa mababaw na parte ng dagat.

Nahigit niya ang hininga nang tumambad sa mata niya ang sandbar.

"It wasn't in there yet a moment ago!" bulalas niya.

"I know. Go and have some photos again."

"Okay!" aniya't tuwang-tuwa tumakbo papunta sa buhanginan.

Nag-pose siya ulit para makunan ng asawa. Pagkatapos ay tumakbo siya pabalik dito.

"Let's have a selfie, Kley..." yaya niya.

"Why?"

"Para may pictures tayo together..."

"Okay."

Inakbayan siya ng asawa't kinuhanan sila ng litrato. She smiled happily on the camera.

She's happy and she knows it reflected on her photos.

More than the beautiful scenery, she knows it's also because she's living the moment with the man she loves.

"I love you..." bulong niya sa asawa't tumingala rito nang kumuha ulit ito ng litrato nila.

"I love you, too..." anito't yumuko at hinalikan siya sa labi.

He captured that moment, as well.

Nang matapos silang mag-selfie ng asawa ay pumunta siya sa harap nito't inilagay ang kamay sa dibdib ng lalaki.

"Kley?"

"Yes?" anito't ibinulsa ang cellphone.

Hinapit siya ng asawa't ipinulupot ang mga braso nito sa baywang niya.

"Thank you for bringing me here..."

Hinalikan siya nito sa noo. "My pleasure."

"And spending some time with me..."

"Of course."

"Mami-miss kita 'pag bumalik ka na sa trabaho..."

"I'll call you regularly. P'wede ka naman kasing tumira kasama ko sa housing, eh. Ayaw mo lang."

"Mas gusto ko pa rin kasing nasa bahay natin, eh... You know I don't want to be around other people that much."

"I understand. Pero nag-aalala lang din ako sa 'yo kapag mag-isa ka na lang sa bahay."

"As long as may pagkain, I'll be okay," biro niya.

"Make sure you'll look after yourself while I'm away."

"Opo," aniya't hinaplos sa braso ang asawa. "Ikaw din, ha? Mag-iingat ka sa trabaho. Baka may mga loko-loko kang makasalubong."

"Sila naman ang magiging kawawa, eh..."

"Kley..." saway niya rito.

"Ikaw ang mag-ingat sa mga nakakausap mo sa mga exhibit mo. Lalo na sa mga lalaki. Hindi lahat mabait porque't mabait na nakikipag-usap sa 'yo."

She wrapped her arms around his nape. "Hindi ka naman nagseselos niyan?"

"Nagseselos. At kung p'wede nga lang na nakabakod ako sa lahat ng Gallery na pupuntahan mo, gagawin ko."

"You have nothing to be jealous about, hubby... I'm only attracted to you..." she said and seductively kissed him.

"Alam ko. Ayaw ko lang na tinitingnan ka ng iba."

"But it's impossible for people to not look at one another, Kley..."

"Ah, basta. I don't like it."

"Kahit naman tingnan nila ako, hindi nila ako makukuha, eh. I'm yours and yours alone," she said and ran her hand on his bare chest.

"Hindi ka talaga nila makukuha sa 'kin dahil hindi ako papayag," anito't hinawakan siya sa pwet.

Iniakyat niya ang kamay sa mukha ng asawa't hinaplos ang pisngi nito.

"I've waited for a long time to be married to you. Hindi mababaling ang pagmamahal ko sa ibang lalaki nang gano'n-gano'n na lang, Kley..."

"Mabuti naman kung gano'n..."

"I vowed to be with you for the rest of my life and that's what I'm planning to do until the end of it. Sasamahan kita hanggang sa pagtanda natin. Mananatili ako sa tabi mo kahit hanggang sa sandaling halos hindi na natin maalala ang isa't-isa dahil sa katandaan."

"And I promise to take care of you, look after you, and love you even until I forgot I do. Aalagaan kita kapag mahina ka na. Kapag hindi na makatayo. Kapag hindi ka na makapaglakad. And if I still could, I'll carry you and bring you to places we always wanted to see."

Parang may pumiga sa puso niya dahil sa mga sinabi ng asawa kaya hindi niya napigilan ang pagtulo ng mga luha.

Mabilis naman iyong pinalis ng lalaki.

"Why are you crying?"

"I'm just happy we're finally together. Because you know, ang tagal kong hinintay ang pagkakataong 'to. Akala ko kasi dati, hindi na talaga tayo magkakatuluyan at mapupunta ka na talaga sa iba..."

"People who are meant for each other always end up together, love," anito't kinintalan siya ng halik sa labi.

"And I am more than happy we ended up together even before we reach the point in our lives where we'll have little to no enough time in life to be with each other."

"Well, I guess, mabait sa atin si Kupido," anang lalaki't ibinaba ang mga labi sa kanya.

She closed her eyes when his lips touched hers.

Kung ang tinutukoy ng asawang kabaitan ni Kupido ay ang paggalaw nito sa mga imposibleng bagay para magkatuluyan sila ng lalaki, sa tingin niya'y naging napakabait nga sa kanya ni Kupido.

CUS #5: Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon