Nanginginig ang mga kamay ni Teyl habang hawak ang kutsara't tinidor.
She wanted to stab her food with the fork but she let go of the utensils instead.
Nakatalikod siya sa pinto pero alam niyang lumabas na si Klio sa private room.
She doesn't know where he's going. And she doesn't want to know.
Pero sigurado siyang hindi na lalabas ang asawa dahil nagbihis na iyon ng pambahay.
She looked at her food. Nawalan na siya ng ganang kumain.
Bumalik sa isip niya ang pinag-usapan nila.
Nang mahuli siya ni Detective Lauder, alam na niyang hindi na siya makakagalaw nang malaya kahit kailan.
Pero ngayong nahuli na rin siya ni Klio, pakiramdam niya, ni leeg niya, hindi na niya maigagalaw sa higpit ng hawak ng lalaki sa kanya.
She looked around the room.
Walang bintana o ano mang butas na pup'wede niyang malusutan doon.
And she has nowhere to go, anyway.
Duda rin siyang hindi siya ha-hunting-in ni Klio kapag nakawala siya.
Mawawalan din ng saysay ang mga plano nila ni Lauder kung mauuwi lang sa wala ang ilang buwang pagtatrabaho niya sa asawa dahil hindi niya malalaman ang totoong nangyari sa mga naging asawa nito kung tatakas siya.
She has to think of ways that would turn things on her favor again.
Napalingon siya nang biglang may magliparang gamit sa sahig malapit sa kama.
She found Klio standing behind her, holding her Sniper's rifle.
At ang mga nagkalat na gamit sa lapag, mga paint brush na ginagamit niya sa pagpipintura.
S-in-et up ng lalaki ang tripod ng rifle niya't itinutok sa kanya.
"Lean on the head rest," utos nito sa kanya't tinanggal ang safety pin ng rifle.
She obliged. Dahil wala naman siyang magagawa kung sumuway siya rito.
She hated the idea that he has her weapon captivated, too, though.
Kahit kailan, wala siyang pinayagang humawak sa riple niya.
Kahit pa ang isa sa mga Nightfall Maidens.
Kaya ngayong hawak iyon ni Klio, pakiramdam niya, sobrang inaapak-apakan ang pagiging Sniper niya.
"How clever of you to hide this shit on your painting kit. I never suspect a damn thing," anang asawa't inilapit ang hintuturo sa trigger.
On normal days, he would've looked hot behind a rifle's scope and she would've fallen even harder in love with him.
Pero ngayon, kung tumitibok man nang mabilis ang puso niya, hindi 'yon dahil sa pagka-in love sa lalaki kundi dahil sa isiping baka pumasok sa katawan niya ang isa sa mga bala ng alaga niya.
"How many people have you killed with this?" tanong sa kanya ng asawa.
"Do you mean animals?" She shrugged her shoulders. "Too many to count..." sagot niya.
Kitang-kita niya nang tumiim ang mga bagang ng lalaki.
"Bet you're proud of every kill," anito sa kanya.
"May magbabago ba 'pag sinabi ko sa 'yong masaya ako tuwing nakakapatay ako? Na nabubuhayan ako ng dugo? Na higit pa ang sayang nararamdaman ko kapag nakakapatay ako ng Psychopath kaysa kapag nakikipagtalik ako sa 'yo?" Nginisihan niya ang lalaki. "Napapaisip tuloy ako kung ga'no kaya kasarap sa pakiramdam kapag napatay din kita?"
Nakaramdam siya ng pagdaan ng mabilis na ihip ng hangin sa sentido.
The next thing she felt was a sting on the tip of her left ear.
Hinawakan niya ang dulo ng tainga. May nakapa siyang mamasa-masa roon.
She saw her own blood when she brought her hand before her eyes to see what it was.
"The next bullet will go right into your skull," ani Klio sa kanya.
Alam niya.
Pero wala siyang pakialam.
She let out a loud laugh. "I'd rather die than continue living with you," sagot niya sa asawa.
"Copy. Madali akong kausap," anito't binaril ulit siya.
This time, he hit her left shoulder.
Daplis lang iyon pero naramdaman pa rin niya ang pagpasok ng bala sa balat niya.
She refused to look at her wound and stop the bleeding, though.
She won't give Klio the satisfaction of seeing her in pain.
Marami na siyang pinagdaanan. Ilang beses na rin siyang muntik mamatay.
Pero kailanman, hindi siya nagpakita ng kahinaan sa kalaban.
Kaya gano'n din ang gagawin niya sa asawa.
Kahit sa harap ng lalaking mahal niya.
When Klio saw she's not displaying any sign of pain, he aimed for her right thigh.
"Tingnan natin kung ga'no ka katigas," anang lalaki sa kanya. "Nasa'n ang iba pang miyembro ng Nightfall Maidens?" tanong ulit nito.
She scoffed. "I told you, I don't know!" sagot niya.
He pulled the trigger, not caring if she'll get hurt or what.
Tumama ang bala sa kanang hita niya.
Napasigaw siya sa sakit.
She doesn't want to show any reaction but the pain of the bullet inside her skin is killing her.
Dumukwang siya't diniinan ng mga palad ang sugat para mapigilan ang pagbulwak ng dugo mula roon.
"Where are they?!" pasigaw na tanong ulit sa kanya ni Klio.
"Hindi ko nga alam!" pasigaw din niyang sagot.
Binaril siya ulit ng asawa sa kanang binti. 'Buti na lang at daplis lang iyon at hindi pumasok sa balat niya.
It hurts, still.
Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng mga luha.
Now, she's proven he doesn't really feel anything genuine towards her.
Na wala nga talagang kahit anong nararamdaman si Klio para sa kanya.
At kahit gaano kasakit ang mga tama niya, alam niyang mas masakit pa rin ang katotohanang wala talagang pagmamahal sa kanya ang asawa.
Na palabas lang nito lahat ng ipinakita sa kanya.
"You know I'm more than willing to let every bullet enter your body," anito. "Kaya sabihin mo na kung nasaan sila!"
She looked at him with teary eyes. "I'm telling you the truth... Nang mahuli si Tito Von, ako na lang ang natitira niyang kasama. Nauna nang tumakas ang iba. I haven't heard from them since, then. Kung napatay na rin sila o nakaligtas, I have no idea..." aniya't diniinan ang pagkakahawak sa hita.
Balot na rin ng dugo ang bahagi ng kamang kinapapatungan ng hita niya.
Gayunpaman, alam niyang hindi pa titigil si Klio kaya hinanda niya ang sarili para sa susunod pang balang papasok sa katawan niya.
Several moments of silence passed.
But no bullets hit her again.
Mag-aangat na sana siya ng tingin para tingnan ang asawa nang maramdaman ang paghablot nito sa pulsuhan niya.
Ibinalik siya sa pagkakagapos ni Klio.
Then, he walked out the room carrying her rifle, not carrying if she'll bleed to death.
Napasandal na lang siya sa headrest ng kama't napapikit habang iniinda ang mga sugat.
Kung magigising pa siya pagkatapos ng gabing iyon, hindi niya alam.
Pero ang alam niya, magsisimula nang maging impyerno ang buhay niya sa kamay ng asawa kung oo.

BINABASA MO ANG
CUS #5: Into You
Mystery / ThrillerThe downfall of the Chronos Union led Phinex to fall under the hands of Detective Lauder of the Luxirr Investigation Bureau. To save her ass, she bit the deal to use her skills in Psychopath hunting to catch one of the Bureau's persons of interest...