Chapter 9- Part 2

8 1 0
                                    

"Magandang umaga, Mrs. Cenfino. P'wede ba namin kayong maimbitahan sa presinto?"

"P-po? Bakit po?" tanong niya sa Pulis na lumabas mula sa police mobile na pumarada sa tapat ng bahay nila.

Kaaalis lang ng sasakyan ni Klio at sakto namang hindi pa niya naisasara ang gate nang dumating ang lalaki.

"Nakita kasi sa loob ng isang hotel ang painting na nakapangalan sa inyo. Iimbitahin lang namin kayo sa istasyon para sa ilang katanungan."

"G-gano'n po ba? I'll... I'll just get my things," paalam niya't mabilis na pumasok sa loob ng bahay.

Dinampot niya ang handbag na hinanda na rin niya kanina dahil may pupuntahan din siya pagkaalis ng asawa.

Sinigurado niyang sarado lahat ng mga bintana at pinto bago balikan ang pulis.

Binuksan ng lalaki ang pinto sa likuran ng sasakyan.

She obligedly went inside.

"Good morning, Mrs. Cenfino. I am Detective Lauder and this is Officer Revas," anang isa pang imbestigador na nakaupo sa passenger's seat. "We won't be long. We just need your statement about yesterday's event."

Tango lang ang naging tugon niya sa lalaki nang lingunin siya nito.

Then, he returned his attention to the front of the car.

Tahimik lang sila habang nasa b'yahe.

She presumed the men won't ask her any question until they arrived to where their station is.

"We still have forty-five minutes before we arrived at the Luxirr Investigation Bureau Headquarters, Mrs. Cenfino. I hope you don't mind," ani Lauder pagkalipas ng tatlumpong minuto.

"It's okay, I don't," sagot niya.

Natahimik na ulit ang loob ng sasakyan pagkatapos niyang sumagot.

Kinuha niya ang cellphone sa bag at nagpadala ng message kay Klio.

"I was invited by a detective to come over for some interrogation. I don't know about what yet, love. Will tell you about it later when we're done. I love you!" she typed.

Hinintay niyang mai-send iyon sa asawa bago ibinalik ang gadget sa loob ng bag.

Tumanaw siya sa labas ng sasakyan. Mahaba-haba pa ang magiging b'yahe nila kaya lilibangin na lang muna niya ang sarili sa panonood sa mga nadaraan nila.

She's curious what the Luxirr's invitation is all about, though.

Sigurado naman siyang hindi siya suspek sa kahit ano dahil wala naman siyang ginawang kung anong masama kagabi.

Magdamag silang magkasama ng asawa. Nagse-celebrate ng tagumpay ng exhibit niya.

Sa kama.

Pagkatapos ng halos isang oras, pumasok na sila sa basement parking lot ng Luxirr.

Sumabay siya sa dalawang lalaki sa pagbaba ng sasakyan.

Itinuro ni Lauder ang direksyon ng elevator at nagpatiuna na siya sa pagpunta roon.

Even inside the elevator, the two men remained silent.

They stopped at the first floor.

This time, Lauder stepped out first, followed by the other officer.

Tahimik siyang sumunod sa likod ng dalawa.

May booth ng security personnel na nakap'westo 'di kalayuan sa labas ng elevator.

Before it is a body scanner.

Kinuha ng isang personnel ang bag niya.

"You'll have it later when you get back here, Ma'am," anito

"Okay," sagot niya't pumasok na sa scanner dahil nasa kabilang bahagi na niyon ang mga imbestigador.

Nang ma-clear na siya, dinala siya ng dalawang lalaki sa silid na nasa pinakadulo ng hallway.

Lauder used his fingerprint to open the door. Awtomatiko naman iyong nagsara nang makapasok na silang tatlo.

May kalakihan ang silid para sa isang interrogation room.

Lalo pa sa isang silid na isang babasaging mesang pahaba at dalawang silya lang ang laman.

The table is positioned horizontally in front of a glass wall.

Kung para saan ang salaming pader na iyon, hindi niya alam.

"Please, have a seat, Mrs. Cenfino," ani Lauder at lumapit sa silyang nasa kabilang bahagi ng mesa.

Si Revas kasi ang naupo sa isang malapit sa pinto.

"Thank you, Detective," aniya rito't naupo na rin.

Tumango lang ang lalaki bilang tugon sa kanya.

Tumayo si Lauder sa gilid ng mesa, sa pagitan nila ng isa pang opisyal at paharap sa salaming pader.

Sinenyasan nito si Revas at binuksan ang brown envelope na kanina pa nito bitbit at inabot sa Detective.

"Do you know this, Man, Mrs. Cenfino?" anito at inilapag ang litrato sa harap niya.

She nodded. "Yeah, Clement. He was in my exhibit yesterday," sagot niya.

"What time did he get there?"

"I don't know. Pagdating ko kahapon bago mag-opening ng alas otso, nando'n na siya."

"And what time did he leave?"

"Somewhere around four in the afternoon? Hindi ako sigurado, eh. Nag-entertain din kasi ako ng iba pang tao and hindi na kami nakapag-usap pa nang mas matagal."

"How did he get there? How did he learn about your exhibit?" tanong pa ni Lauder.

"Through my organizer, Jeremiah. And according to him, he was on my exhibit last year, too. Hindi nga lang kami nagkita no'n kasi masama ang pakiramdam ko at hindi na ako pumunta sa Gallery."

"So, you didn't know each other on a very personal level?"

She shook her head. "No. And we haven't seen each other yet until yesterday. Why, is Clement in some sort of trouble that involves my artwork?"

Dinampot ng Detective ang litrato ni Clement at binalik kay Revas.

"He's not in trouble and will never be."

"What do you mean?"

"Nag-suicide siya sa hotel room niya kagabi. At wala kaming nakitang ibang pangalan sa silid niya kundi ang pangalan mong nakasulat sa likod ng painting."

Natutop niya ang bibig sa sobrang gulat dahil sa narinig.

"I-is that true?"

"Yeah. And since you've mentioned your organizer, we'll try to reach him out, too. Baka kasi may alam siya sa mga contact details ng pamilya ni Clement Colimn. We're ruling out homicide in this case. Walang foul play at base sa ayos ng silid niya, it was suicide."

She fixed her gaze on the table in front of her. Pakiramdam niya, nanlamig ang buong katawan niya sa nalaman.

How did it happen?

Clement looks so happy and alive yesterday...

CUS #5: Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon