Seventeen years ago: Chronos Union Sniper Guild Selection Process...
Teyl's little finger stood idle near the trigger.
Ngayon ang selection process nila sa Chronos Union.
Earlier that day, they were given a chance to think about what part of the Union they would want to join in.
She decided to join the Snipers’ Guild. Kaya ngayon, nando'n siya sa taas ng puno, pinapakiramdaman ang galaw ng hangin sa paligid niya.
Habang pinapanood niya ang mga kunehong tumatalon-talon sa malayo, tumatalon-talon din sa loob ng dibdib ang puso niya.
Her young mind thinks that sniping is the best way if she wanted to take her parents’ perpetrators down.
Napag-aralan niya kasi ang tamang pagsu-surveillance at pagbaril doon.
Two in one.
And she loves that.
Dahil beginner palang sila, isang kuneho lang ang kailangan nilang mahuli.
The problem is, her rifle has only one bullet. And if she missed the rabbit and wasted her bullet, she'll missed and waste the opportunity of being in the Sniper's Guild, too.
Their Instructor doesn't care if she's the youngest aspiring Sniper. Walang ibinigay na pabor sa kanya ang lalaki.
She took a deep breath and chose a target.
Sa kabila ng kaba at tensyong nararamdaman, pinili niya ang pinakamakulit na kunehong nakita niya.
She wants to challenge herself.
At gusto niyang ipakita sa mga kasamang nangmamaliit sa kanya na kaya niyang makipagsabayan sa mga iyon kahit bata lang siya.
Her target tirelessly jumped from one place to another so she has to follow it through her rifle's scope.
The more the rabbit jumps, the more are the adrenaline that rushes through her veins.
Nang maramdaman niyang kumalma ang hangin sa paligid niya, binigyan niya ang kuneho ng huling pagkakataong makatalon bago niya pinigilan ang paghinga't pinitik ang gatilyo.
She waited, her heart racing as the bullet travel towards the animal.
When it landed, she waited if it will lay down on its side, an indication that it died.
Pero hindi natumba ang kuneho.
Disappointment enveloped her heart.
Pakiramdam niya, hindi na niya mabibigyan pa ng hustisya ang mga magulang kahit kailan.
Teary eyes, she decided to take her eyes off the scope and put her rifle down the tree's branch.
Pero bago pa niya magawa iyon, napansin niyang hindi na naglililikot ang kuneho.
It stood steady on the ground.
Mayamaya'y dahan-dahan iyong umupo sa lupa hanggang tuluyang mangudngod.
Natigilan siya.
Did she hit it?
Didn't she miss it?
She's in a state of confusion when her ear bud crackled.
"Phinex," anang boses ng Instructor nila.
Tumikhim siya bago sumagot. "I hear you."
"Welcome to the Snipers Guild."
Tumigil ang paligid niya dahil sa narinig. Pakiramdam niya, kahit ang hangin, nakinig.
Napatili siya sa sobrang tuwa dahil sa sinabi ng Instructor.
She even got up and stood on the branch of the tree she's been leaning on and danced in celebration.
Pero dahil sa kalikutan niya, nadulas ang paa niya sa sanga't nawalan siya ng balanse.
Kaya ang sumunod niyang tili, hindi na tili ng galak kundi ng napahamak.
Napapikit na lang siya habang bumab'yahe ang katawan niya pababa sa hangin papunta sa lupa.
She braced herself from the impact of the ground below.
She chastised herself.
Nakaligtas nga siya sa Sniper selection pero sa pagkakahulog, hindi.
Inaasahan na niyang magkakandalasug-lasog ang katawan kapag bumagsak niya sa lupa nang may biglang matitipunong brasong sumalo sa kanya.
Hindi siya agad dumilat. Hindi kasi niya alam kung totoong braso iyon ng tao o nasabit lang siya sa sanga.
Ilang sandali rin ang lumipas bago may magsalita sa harap niya.
"Congratulations, Phinex."
Napadilat siya nang marinig ang boses na iyon.
"Tito Von..." aniya nang bumungad sa kanya si Chronos. "I made it, Tito Von!" impit na bulong niya sa tiyuhin.
Nasa likuran ang Instructor at iba pang mga kasama niyang sasalang kaya hindi maririnig ng mga iyon ang pag-uusap nila ni Chronos.
"I know," nakangiting sagot ng tiyuhin bago mabilis na ibinalik sa pagiging seryoso ang mukha't ibinaba siya. "Be careful next time."
"Opo," bulong niya't naglakad na pabalik sa p'westo niya nang hindi na nililingon ang lalaki.
She kept a straight face while walking.
But deep inside, she's in a celebration of her sniping achievement.
At alam niyang proud sa kanya ang Tito Von niya.
Mommy, Daddy... aniya sa isip, malapit ko na pong ma-catch ang bad guy...

BINABASA MO ANG
CUS #5: Into You
Mystery / ThrillerThe downfall of the Chronos Union led Phinex to fall under the hands of Detective Lauder of the Luxirr Investigation Bureau. To save her ass, she bit the deal to use her skills in Psychopath hunting to catch one of the Bureau's persons of interest...