Chapter 8- Part 4

7 2 0
                                    

He let the warm water travel down his body.

Nagbabad pa siya nang kaunti para ma-relax ang mga kalamnan sa katawan.

Hinilot-hilot niya ang nangalay na balikat dahil sa ilang oras na pagb'yahe.

Hindi siya sanay sa mahabang pagmamaneho kaya naman umalma talaga ang katawan niya.

When he was satisfied, he turned the shower off and reached for the towel.

Nagtuyo siya ng katawan at nagsuot ng roba.

Then, he dried his hair and went out the bathroom.

Nagsalin siya ng wine na inihatid ng Room Attendant.

He sipped on his drink and looked at the new painting in his possession through the rim of the wine glass.

Ipinatong niya iyon sa sahig sa gilid ng bedside table kanina nang makabalik sa silid.

Nothing else captivated him than this particular artwork earlier.

Magaganda naman lahat ng masterpiece kanina. Iba lang talaga ang naging dating sa kanya ng Le Phénix.

Nagsalin siya ulit ng maiinom.

He was about to take a sip when his room went dark.

Kinapa niya ang bedside table at pinatong ang hawak na baso.

Then he moved towards his bed where he left his phone.

Nagtataka man kung bakit nawalan ng kuryente ang hotel, nagkibit-balikat na lang siya't kinapa ang cellphone sa kama.

But before he could find where it is, something caught his neck.

He tried to immediately remove the rope but it drew tighter.

Napaubo na siya nang lalo pang humigpit ang pagkakabuhol niyon sa leeg niya.

He reached behind him to know if there's someone in there.

Pero wala siyang makapa sa likuran.

Then he felt the rope being pulled upward.

Sinubukan niya ulit tanggalin iyon sa leeg pero para bang nakabuhol na iyon sa batok niya.

He tried to run away but the rope tied to his neck being pulled higher restricts how far he could go.

At wari bang napakalakas ng humihila niyon dahil nakakaya siya nitong makaladkad pabalik sa gilid ng kamang kinatatayuan kanina.

He struggled as he was drag on his feet.

Kailangan niyang makawala at maharap ang may gawa niyon sa kanya para makalaban siya.

Even though he doesn't know what the secret individual's agenda could be in doing that to him.

But what he do know, someone is planning on killing him.

Ayaw niyang tumayo dahil mapapadali lang ang pag-angat sa kanya nang kung sinumang nagbabanta sa buhay niya para ilambitin siya sa loob ng k'warto.

But despite his effort to stay on the floor, the rope is still able to pull him up higher and higher.

Naramdaman na lang niya ang unti-unting pag-angat ng katawan na kahit anong gawin niya, hindi na talaga niya mapigilang mahila pataas.

Umangat siya nang umangat hanggang sa hindi na maabot ng paa niya ang sahig.

Dahil doon, naiipit na rin ng lubid ang daluyan ng hangin niya kaya nahihirapan na siyang huminga.

Sinubukan niyang abutin ng paa ang kama sa pagbabakasakaling kaya pa niyang makapatong doon.

But his feet could reach nothing he could held onto.

He felt his body's demand for more oxygen. But the strangulation starts to starve his body from what it needs.

Halos pumutok na ang ulo niya sa nararamdamang hirap sa paghinga.

But someone who's torturing him seemed to have no mercy at all.

Suddenly, the last moments of his life started to roll before his eyes.

Parang kani-kanina lang, masaya pa siya't nag-eenjoy sa mga nakahiligang gawin sa buhay.

Ngayon, nakalutang siya pero literal na nakalutang dahil may nagpaplanong magwakas sa buhay niya at hindi dahil sa labis na tuwa.

Then, his body seemed to have lost all the strength it has.

Tumigil sa kapipiglas ang mga binti niya't napabitaw siya mula sa pagkakahawak sa tali sa leeg.

He suddenly hung motionless.

Bukas pa rin ang mga mata niya pero wala nang nakarehistro sa utak niya sa mga nakikita niya sa dilim.

A silhouette suddenly moved around the room.

Binalik niyon ang keycard sa holder kaya bumalik ang liwanag sa silid.

He knew him.

Kilala niya ang killer.

They have met and known each other.

At kung makakagalaw pa ang mga mata niya, siguradong lalaki pa ang mga iyon kapag tumama sa mga mata ng pumatay sa kanya.

CUS #5: Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon