Chapter 11- Part 1

7 1 0
                                    

Sinundan niya ng tingin ang matanda nang bumalik ito sa likod ng malaking mahogany desk.

Klio is inside the home library with the President.

Binuksan nito ang kinuhang brown envelope sa safe at inilabas ang mga litratong nakatago sa loob.

"Since you'll be a part of my Security Group from now on, you have to familiarize yourself with the the people you have to protect me from," anang matanda at umupo sa swivel chair.

He spread the photos in from of him.

"Last year," pagpapatuloy ng pulitiko, "we've taken down a very big syndicate engaging in a lot of illegal operations like drug production, human trafficking, and assassinations."

Pinasadahan niya ng tingin ang mga litratong nakalatag sa mesa.

Mga kuha iyon sa ginawang raid sa lugar ng sindikatong sinasabi ng Presidente.

"What group are we talking about, Sir?" tanong niya.

"Chronos Union. Founded by a powerful man codenamed Chronos. Sa Brazil ang main Headquarters nila. Pero may branch sila rito sa isang isla sa Pilipinas. We were able to seize the island and some of the assassins but not the elite team."

"Elite team?"

"Yes. Mga Assassin ng Chronos ang isa sa mga dahilan ng malawakang assassination sa bansa. Lalo na ang Nightfall Maidens."

"Female Assassins?"

"Yeah. Sila ang pinakamagagaling na Assassin ng Union according sa intel."

"Ibig sabihin, pakalat-kalat pa sila hanggang ngayon, Sir?"

"They are. At ni isa sa kanila, wala pang nahuhuli kahit nahuli na si Chronos."

The old man rummaged on the photos on the table, searching for the picture of Chronos.

Ilang sandali rin itong naghalungkat bago makita ang hinahanap.

Tinitigan ng Presidente ang litrato. Then, he placed it in front of him.

"This is Chronos."

He leaned forward to take a look at the mug shot.

Natigilan siya nang mamukhaan ang lalaking nasa kuha.

"Kagan Alastor Vonstein. 'Yan ang totoong pangalan ni Chronos. And at the moment, we have him locked up in a maximum security prison."

Nagpanting ang tainga niya sa narinig.

Pinigilan ni Klio na mapakunot-noo sa harap ng Presidente.

Paanong nasangkot sa ganoong mga ilegal na gawain ang taong nasa litrato?

CUS #5: Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon