The Detective walked past Phinex's table. Naupo ito sa mesang nasa likuran niya.
"Did you make any progress?" tanong ni Lauder.
"None," maiksi niyang sagot.
"Ginagawa mo ba talaga ang pinapagawa ko sa 'yo o binibilog mo lang ang ulo ko?"
"Do I look like someone who makes bullshiting people a hobby?"
"Making people dance with no music inside your palm is your hobby."
"Marunong akong tumupad sa usapan," aniya sa lalaki.
"Show me. H'wag puro dada."
She clenched her jaw. Kung wala lang itong hawak na malaking alas laban sa kanya, matagal na rin niyang itinumba ang lalaki.
"Maingat si Klaud. Malinis magtrabaho. Hanggang ngayon, wala pa rin akong nakikitang kakaiba sa bahay niya. Everything looks so normal things are becoming even more suspicious."
"Well, move faster. You do not have all the time in the world and certainly, you do not have forever."
Gustong-gusto na talaga niyang balyahin ang lalaki dahil sa sobrang panggigigil dito.
"P'wedeng h'wag mo akong apurahin? I have to be careful, in case you don't know."
"Nag-iingat ka lang ba talaga o nadadala ka na sa pagiging asawa mo sa kanya? Baka nakakalimutan mong isang malaking pagpapanggap lang ang ginagawa mo ngayon?"
"Wala akong nakakalimutan!" mariing bulong niya sa lalaki.
Pinigilan niya ang sariling lingunin ito at singhalan.
She took a deep breath. She hated being told what to do the most.
Lalo pa kung hindi alam ng ibang tao ang disposisyon niya sa isang bagay pero kung makapagsalita, parang nakikita lahat ng nangyayari sa buhay niya.
"Galaw-galaw. Hindi mo alam ang tumatakbo sa utak niya. Baka hindi mo namamalayan, may niluluto na rin pala siya para sa 'yo. Baka imbes na ikaw ang maka-score, ikaw pa ang mahulog sa sarili mong bitag."
"It's your idea that I marry him, anyway!"
"You agreed with your own free will, by the way," paalala rin sa kanya ng lalaki.
Can she hit him for once?
Paisa lang?
"Sa master's bedroom palang ako nagkaroon ng pagkakataong makapaghalungkat," pag-iiba niya ng usapan para hindi tuluyang mabwiset sa lalaki. "Kailangan ko ulit ng mag-aasikaso sa mga surveillance camera kapag ibang parte na ng bahay ang tatrabahuhin ko."
"Copy. Send me your address. Ipapadala ko lahat ng devices na kakailanganin mo sa pakikipag-usap sa akin at sa mga tao ko."
"I will."
"H'wag mo akong iiputan sa ulo."
"Mukha ba akong ibon?"
"We both know our principles contradict each other's. Who knows how much of your word you will really take into account?"
"Kung may dapat mang pagdudahan sa ating dalawa, ikaw 'yon. Kung may dapat mang magduda sa ating dalawa, ako 'yon. Malay ko ba kung binibilog mo lang ang ulo ko pero hindi mo rin naman pala tutuparin ang ipinangako mo?"
"I am a man of my words."
"And so do I. Kaya kung wala lang din naman tayong tiwala sa isa't isa, ba't 'di na lang natin 'to itigil?"
"Seriously? Alam mong hindi naman ako ang madedehado kapag itinigil natin 'to."
"Sanay akong nadedehado," sagot niya sa lalaki.
"Ikaw. Magdesisyon ka kung itutuloy mo 'to o hindi."
Naikuyom niya ang mga palad.
"Ipapadala ko sa 'yo ang address ko mamaya," aniya't tumayo. "Ipadala mo na lang sa 'kin ang mga kailangan mong ipadala."
Binuklat ng lalaki ang menu book na nasa harapan. "Deal done, then," anang Detective.
BINABASA MO ANG
CUS #5: Into You
Mystery / ThrillerThe downfall of the Chronos Union led Phinex to fall under the hands of Detective Lauder of the Luxirr Investigation Bureau. To save her ass, she bit the deal to use her skills in Psychopath hunting to catch one of the Bureau's persons of interest...