Naghapunan muna sila bago pumunta sa ospital kaya alas nuwebe na rin sila nakarating doon ni Klio.
Pumarada ang asawa sa parking lot sa harap ng pagamutan. Pagkatapos ay pinagbuksan siya nito ng pinto at magkahawak-kamay na naglakad sila papunta sa entrance.
Tinanong niya ang guwardiya kung saan makikita ang kuwarto ng kapatid ng kaibigan.
Nakalabas na kasi ito sa operating room pagkatapos maoperahan.
"Kaliwa po, Ma'am," anang lalaki't itinuro ang hallway sa kaliwa ng pintong binabantayan nito. "Tapos, liko po kayo sa dulo ng hallway. Makikita niyo na po ang Room A-8 mula ro'n."
"Salamat po," ani Klio sa guwardiya.
"Sige po, Sir."
They followed his instruction and when they reached the end of the hallway, they turned on the corner.
Nasa ikatlong k'warto sa kaliwa ang hospital room ni Kuya Franko, ang nakatatandang kapatid ni Sell.
Matagal na silang hindi nagkikita dahil sa Bicol ito namamalagi kaya nang mapag-alaman niya mula sa kaibigan kaninang umagang dinala nito sa Maynila ang kapatid para sa operasyon nito ngayong araw, agad siyang nagdesisyong puntahan ang magkapatid.
Kumatok si Klio bago binuksan ang pinto. Pero bago pa mapihit ng asawa ang seradura, bumukas na iyon.
A man appeared in front of them.
"Hi, is Sell there?" tanong niya sa lalaki.
Sumilip ito sa loob bago sumagot. "Yeah," anang lalaki't nilakihan ang siwang ng pinto.
"I'll just wait for you here," anang asawa't hinalikan siya.
"Are you sure? You can come in, love," aniya kay Klio.
"No, I'll be fine here. You come spend some time with them," sagot ng asawa.
"Okay," sagot niya't hinaplos ito sa braso bago pumasok sa silid.
Lumabas na rin ang lalaking kasama ng magkapatid sa loob at ito na ang nagsara ng pinto.
Sell turned to look at her from fixing her brother's blanket.
Tulog pa ang Kuya nito.
"Akala ko hindi ka na pupunta."
"Of course, I would," pabulong niyang sagot para hindi magising ang kapatid ng kaibigan.
Pumunta sila sa isang sulok ng silid kung saan nakap'westo ang couch at doon naupo.
"Bakit pala ginabi ka? Akala ko sabi mo kaninang umaga ka pupunta?" tanong ng kaibigan.
"Papunta na nga sana ako rito kanina pagkatapos umalis ni Klio. Kaya lang, pag-alis ng sasakyan niya, sakto namang dumating ang mga pulis."
"Pulis? Anong pulis?"
"'Yong mga taga-Luxirr," sagot niya.
Worry crossed her friend's face. "Luxirr? As in Luxirr Investigation Bureau?"
Tumango siya.
"Bakit daw? Bakit ka nila pinuntahan? Okay ka lang ba?" sunod-sunod na tanong nito.
Puno ng pag-aalala pati ang boses ng kaibigan.
She waved her hand dismissively. "Oo, okay lang ako. May tinanong lang sila sa 'kin kaya inimbitahan ako sa Headquarters nila."
"What about?"
"I met someone in my exhibit yesterday. He bought one of my paintings before going home. Then, he was found dead in his hotel room..."
Nalungkot na naman siya nang maalala ang nangyari kay Clement.
"And are they accusing you of having something to do with his death?" tanong ni Sell.
"No, no. It's not like that," sagot niya sa kaibigan. "They just want to ask around and find Clement's family's contact number. Pero sinabi kong hindi naman talaga kami magkakilala at 'yong organizer ko talaga ang nakakakilala sa kanya."
"Thank God..." anang babae't sumandal sa kinauupuan. "Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo..."
"Maiba ako," aniya't pumihit paharap sa kaibigan.
"Don't tell me magkukwento ka na naman ng mga kahalayan niyong mag-asawa. Palalayasin kita!"
She cover her mouth to muffle her laugh. "Gaga, hindi," aniya sa kaibigan. "Actually, ikaw ang pag-uusapan natin."
"Anong ako? Bakit ako?"
"Bakit magkasama kayo ng lalaking 'yon?" tanong niya't bumungisngis.
"Ano naman?"
"Anong 'ano naman'? I bet you won't get this close to him if there's nothing going on between you two."
"Nagkasama lang kami dito close na agad?"
"Well, aside sa 'kin, wala ka nang ibang isinama para makilala ni Kuya. So, it's kinda fishy for me."
"Malisyosa ka lang talaga."
She giggled. "Baka naman may something na sa inyo, hindi mo lang sinasabi sa 'kin. Ayaw mo lang malaman ko..."
"Wala," tanggi pa rin ng kaibigan.
"In denial..."
"Tigilan mo ako."
Kukulitin pa sana niya ang babae tungkol sa lovelife nito nang makita nilang nagising si Kuya Franko.
She instantly jumped from her sit and hurriedly walked towards him.
"Kuya!" tuwang-tuwang bati niya sa lalaki at marahan itong niyakap. "Kumusta ka na po?"
"O-okay naman. 'Buti napadalaw ka..."
"Malapit lang po ang bahay dito ng asawa ko, eh," sagot niya't umupo sa silyang nasa gilid ng hospital bed at hinawakan ang kamay ng lalaki.
He's like a big brother to her, too. Mula nang maging magkaibigan sila ni Sell, parang nakababatang kapatid na rin ang naging turing sa kanya ni Franko.
"Kumusta ang buhay mag-asawa?"
"Ayos naman po, Kuya."
"Mabait ba ang asawa mo sa 'yo?"
"Opo," sagot niya't nakangiting tumango.
"Mabuti naman kung gano'n. Kasama mo ba siya?"
"Opo. Pero maghihintay na lang daw po siya sa labas, eh."
"Gano'n ba? Bakit hindi mo na lang tawagin at papasukin dito?"
"Sige po," sagot niya't tatayo na sana para tawagin si Klio nang malingunan itong nakatayo na sa pinto at nagmamasid sa kanila. "Kley!" nakangiting tawag niya sa asawang sinenyasan pa itong lumapit.
But he didn't make any move.
Then, she noticed the grim expression on his face.

BINABASA MO ANG
CUS #5: Into You
Mystery / ThrillerThe downfall of the Chronos Union led Phinex to fall under the hands of Detective Lauder of the Luxirr Investigation Bureau. To save her ass, she bit the deal to use her skills in Psychopath hunting to catch one of the Bureau's persons of interest...