Nagpipinta si Teyl sa gilid ng swimming nang tumunog ang cellphone niya.
Tuwang-tuwang dinampot niya iyon nang makitang si Klio ang tumatawag.
"Hello, love!" masiglang bati niya sa asawa.
"Hi, kumusta ka r'yan?"
"Very fine. I'm painting," sagot niya't inipit ang cellphone sa tainga at balikat.
"Put me on speaker mode. Mahihirapan ka r'yan sa posisyon mo."
Napatingin siya sa CCTV camera sa harap. Pagkatapos ay natatawang kinuha niya ang cellphone.
"You're watching me," aniya sa asawa habang inilalagay sa speaker phone ang tawag.
"I am. Nag-meryenda ka na ba?"
She pouted, then, shook her head. "Hindi pa... Hindi pa kasi ako tapos, eh..."
"H'wag kang masyadong magpapakapagod d'yan, ha? Wala ako r'yan. Mamaya mag-sleepwalk ka na naman at kung saan-saan ka mapadpad."
"Opo, noted, husband."
"Do you want me to have something delivered for you?"
She smiled. "Will you?"
"Yeah."
"Thanks!" she exclaimed and blew kisses on the camera.
"What do you want?"
"Can I have a chocolate cake and a milk tea?" aniya sa asawa.
"Okay, wait, I'll find something for you," anito't sandaling natahimik sa kabilang linya.
Nagpatuloy na rin muna siya sa pagpipinta. She is rather feeling happy he called her at the middle of his duty.
Talagang tinupad ng asawa ang pangakong tatawag-tawagan siya nito.
Nalilibang na ulit siya sa pagpipinta nang marinig niya ulit ang boses ng lalaki.
"Your food will be there in twenty-minutes, love," anito.
She blew kisses on the camera again. "Thank you, love!"
"And I'll be there in six hours," dugtong pa nito.
"Wait? Seryoso?" aniyang hindi napigilang bitawan pansamantala ang paint brush.
"Yeah."
"Totoong uuwi ka?"
"Oo nga," natatawang sagot nito.
"Pero akala ko ba hindi ka pa p'wedeng umuwi?"
"Ayaw mo ba akong umuwi?"
"Gusto. I'm just wondering how it's supposed to happen," sagot niya.
"We made some arrangements. P'wede na akong uwian. P'wede nang hindi na ako sa housing area umuwi."
"That's nice!" tuwang-tuwang sagot niya.
"Yeah, I'm married now, after all. And kaya namang magmaneho pauwi araw-araw," sabi pa ng lalaki.
"Your news made me happy," hindi niya napigilang sabihin sa asawa.
"I am happy about it, too."
"So, pa'no ka nakatawag ngayon? Wala ka na bang trabaho?" aniya't dinampot na ang paintbrush at nagsimula na ulit sa pagpipinta.
"Break time lang. They want to say hi to you."
"Sino?"
"My subordinates," sagot ng asawa.
"Oh... Hi, everyone!" pauna na niyang bati sa mga sundalo.
"Hi, Ma'am! Good afternoon! Congratulations on your wedding!"
BINABASA MO ANG
CUS #5: Into You
Misterio / SuspensoThe downfall of the Chronos Union led Phinex to fall under the hands of Detective Lauder of the Luxirr Investigation Bureau. To save her ass, she bit the deal to use her skills in Psychopath hunting to catch one of the Bureau's persons of interest...