Chapter 10- Part 1

13 1 0
                                    

"Hello?" bungad ni Phinex nang sagutin ang tawag ni Rosella.


"Where's your damn husband?!" sigaw nito sa kanya.

Napangiwi siya sa lakas ng boses ng kaibigan. Inilayo niya ang cellphone sa tainga.

"He's not here. Bakit mo hinahanap?"

"That asshole went here last night and tried to kill my brother!"

Nagsalubong ang mga kilay niya.

"That's impossible. Magkasama kami buong magdamag."

"Are you sure?!"

"I am."

"Well, let me tell you, my dear friend, and it may hurt your ego, pero natakasan ka ng asawa mo kagabi!"

"Can you take him out of the picture? He has nothing to do with it."

"At talagang pinagtatakpan mo pa!"

"I don't. Pero sa dami ng humahabol at nagkaka-interest na masilo ka, hindi lang dapat asawa ko ang paghinalaan mo."

"I know it's him!"

"Okay, okay, calm down-."

"Paano naman ako kakalma?!" sigaw ulit sa kanya ng kaibigan. "Muntik nang mamatay ang kapatid ko kung hindi lang dahil sa life alert necklace na suot niya! At kung hindi lang din dahil sa 'yo, hinanap ko na 'yang putang ina mong asawa't pinatay!"

"Rosella, I understand where you're coming from. But you have no proof. Isa pa, I am keeping an eye on him, myself. And I am damn sure he was home the whole time last night. Magkasama kami buong magdamag sa kama. Making love from time to time, if you may know."

Inilayo niya ulit ang cellphone sa tainga nang marinig ang malakas na sigaw ng babae sa kabilang linya.

She knows how much Rosella love her brother so she understands where her anger is coming from.

Pero magsasayang lang ito ng oras at panahon kung si Klaud ang pagbibintangan nito.

Worse, she could let the real attacker run away if she focused her attention on the wrong person.

"What time did it happen last night, by the way?" tanong niya sa kaibigan.

"Around midnight! Natutulog na no'n si Kuya kaya lumabas muna ako para kumain sana. Pero hindi pa ako nakakasubo sa cafeteria, tumunog na ang necklace niya!"

"Then, it's not really Klaud because I'm in his arms the whole time. Imposibleng hindi ko maramdaman kapag umalis siya ng kama."

"You just really make sure, Phinex!"

"I am very sure," tatag din niyang sagot. "Hindi ba namukhaan ni Kuya ang nagtangka sa buhay niya?"

"It was dark! At nakaayos doktor daw. Without the coat, that is. Just pants and rolled-up long sleeve polo shirt!"

"Then, that's not my husband. He's not a doktor, is he?"

"We both know kung gaano katuso 'yang asawa mo! And who knows what he's willing to do to get things done! Pero ang hindi ko maintindihan, ano ang kasalanan ni Kuya para patayin niya!"

"Exactly! Exactly, my friend," aniya sa kaibigan. "Wala siyang motibo para gawin ang ibinibintang mo..."

"Pero sigurado akong siya 'yon!"

"Rosella..." aniya sa mas mahinahon pang boses para makumbinsi ang kaibigang makinig sa kanya. That tone of her voice always work with her. "Ako na ang nagsasabi sa 'yo. Remove Klaud from your persons of interest. Mas dapat mong ituon ang pansin mo sa ibang humahabol sa 'yo. I'm sure, they have stronger motives to harm the people close to you than Klaud does."

"Siguraduhin lang talaga ng gago mong asawang hindi siya 'yon kagabi at magkakamatayan kami!"

She sighed. "Okay, para sa ikapapanatag ng loob mo, I'll check the surveillance cameras in here. Titingnan ko kung lumabas nga siya o hindi kagabi. Then, I'll get back to you, okay?"

"Hindi mo pa rin ako mapapaniwala sa ganyan."

"It's our best shot since you don't have the clear identity of the attacker."

Narinig niya ang malalim na buntong-hininga ng kaibigan. "Whatever. Do whatever you want to do," sabi lang nito at pinatay na ang tawag.

Napatitig na lang siya sa cellphone. The news alarmed her, too. Pero hindi naman niya p'wedeng hayaang ituon ng kaibigan ang atensyon nito sa maling direksyon.

Bumangon siya at bumaba ng kama. Wala na ang mga damit nilang nagkalat sa sahig kagabi.

Dinampot na siguro ng asawa nang magising ito kanina.

Lumapit siya sa closet at kumuha ng pambahay. Pagkatapos niyang magbihis ay lumabas siya ng kwarto para pumunta sa library.

Alam niyang nakakonekta sa laptop ni Klaud ang mga surveillance camera sa bahay nito.

She'll see if she can access it herself. That is, kung walang passcode ang laptop ng lalaki.

Pagkarating niya sa harap ng library, pinihit niya ang seradura para tingnan kung naka-lock ba iyon o hindi.

Bukas.

She pushed the door open and walked inside the room.

Hindi na siya nagbukas ng ilaw at maliwanag naman dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa glass wall sa kaliwang bahagi ng library kung saan nakap'westo ang desk ng asawa.

She walked towards the table and sat on his swivel chair.

Agad niyang binuksan ang laptop at pinindot ang power button niyon. She waited for several seconds for the home screen to appear.

Wala naman iyong passcode kaya hinanap niya ang monitor app ng mga CCTV camera.

She found it on the bottom right corner of the screen.

She opened the app and review last night's footages.

Ni-replay niya lahat ng kuha ng mga camera mula sa iba't ibang sulok ng bahay.

And she arrived to a single conclusion. Pagkatapos nilang pumasok sa k'warto ng asawa bandang alas onse ng gabi, hindi na ito lumabas hanggang mag-alas singko ng umaga para magluto ng almusal nito bago pumasok sa trabaho.

Sumandal siya sa upuan. She don't know why she felt relieved. She knows damn well she's not supposed to feel that towards him.

Pero nakahinga siya nang maluwag nang makumpirmang walang kinalaman si Klaud sa nangyari sa kapatid ng kaibigan kagabi.

"I just don't want our businesses tangled together, that's all," she justified towards herself. "It's just comforting to know that no new and unexpected event will mess with my own mission..." bulong niya sa sarili.

She leaned forward and turned the laptop off. Pagkatapos ay lumabas na siya ng library para tawagan si Rosella at ibalita ang resulta ng ginawang pagre-review sa mga CCTV camera dito.

CUS #5: Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon