Chapter 3- Part 2

24 2 0
                                    

Pagkatapos niyang maisara ang maletang naglalaman ng mga gamit ng asawa, kinuha niya ang mga photo album na inilapag sa kama.

Nakuha niya iyon sa drawer sa baba ng closet nito.

"What are you doing?" tanong ni Klio nang tumabi sa kanya.

Nakatapis lang ito dahil kalalabas lang ng banyo pagkatapos maligo.

"Just looking at our baby pics..." aniya habang nagbubuklat.

Pinaupo siya ng asawa sa kandungan nito.

"I didn't know you kept these albums even after you got married."

Ginawa kasi niya iyon no'ng teenager siya't iniregalo rito nang mag-debut ang lalaki.

"Of course. Galing 'yang mga 'yan sa 'yo, eh."

Ipinatong nito ang baba sa kanang balikat niya't nakisip.

"Ang cute mo pala talaga no'ng baby ka palang, 'no? Parang ang sarap mong kidnapin at iuwi sa 'min."

"Lagi mo po kaya akong inuuwi sa bahay niyo noon," natatawang sagot niya sa lalaki.

Kinukuha kasi siya dati ng mag-ama kapag bakasyon niya't inaalagaan sa bahay ng mga ito.

"Gusto kasi ni Papa na nando'n ka sa bahay para may kalaro naman daw ako. But I always end up being your babysitter and not your playmate. Ang likot mo kasing bata."

"Masaya lang talaga ako kapag kasama kita no'n," natatawang sagot niya.

Sinundot ng asawa ang tagiliran niya. "Bata pa lang siguro tayo may gusto ka na sa 'kin, 'no?"

"Kley, ano ba..." aniya't natatawang umusog palayo sa lalaki.

He pulled her back. "Aminin..." panunukso nito.

"Hindi ko naman itinatanggi, ah..." aniya't natatawang binuklat ang kasunod na page. "Ngayon pa ba ako mahihiyang umamin na ikaw lang yata ang naging crush ko buong ko, eh, mag-asawa na tayo?"

"Kaya pala inaaway mo dati ang mga nagiging girlfriend ko, eh."

"Hoy, excuse me, husband. Hindi ko sila inaaway. Sila ang nang-aaway sa 'kin. Hindi ko sila inaano, 'no? Naiinggit lang talaga sila sa akin no'n kasi mas nauna ako sa buhay mo," pagmamayabang niya.

"Eh, bakit hindi mo rin kasundo ang ex-wives ko?"

She rolled her eyes. "Do we really have to talk about them? Kasi maaarte sila," naiinis na sagot niya sa asawa. "All the women you had a relationship with hated me. I tried to befriend them, you know that. Sila 'tong insecure sa 'kin!"

"Okay, you don't have to be mad. Nagku-kwentuhan lang tayo," anito't hinalikan siya sa balikat.

"Ikaw kasi, eh..."

"Okay, I'm sorry..." anang lalaki't inakyat ang labi sa batok niya't kinintalan siya ng halik doon.

"By the way, hindi ba nagalit ang mga asawa mo no'ng makita 'tong mga picture natin?"

"Ex-wives," pagtatama ng lalaki.

"Okay, ex-wives."

"They did. Pero wala naman silang magagawa kasi ayaw kong itapon ang mga 'yan."

"Aba, dapat lang 'no. Mas nauna pang dumating ang mga 'to sa buhay mo kaysa sa kanila."

"O, high blood ka na naman..."

Natawa na lang siya sa sariling reaksyon. She honestly hated all the women he had, then.

Maybe because she can't have him because they had him.

"Sino sa tingin mo ang magiging kamukha ng mga anak natin?" tanong ni Klio at ipinatong ulit ang baba sa balikat niya.

"Baka ako," biro niya.

"Malakas ba ang dugo mo?"

"Lalakas 'to 'pag kailangan."

Natawa ang lalaki sa sinabi niya. "I don't mind if our children would look like you, though..." bulong nito sa tainga niya.

Then, his hand travelled inside her night gown and caress her tummy.

"Children? Bakit, ilan ba ang gusto mo?" aniyang ibinaba ang album at humarap sa asawa.

"Kung ilan ang kaya mo," sagot nito.

Ipinulupot niya ang braso sa batok ng asawa.

Who would've thought that her childhood dream of building a family with him would really come true.

"Grabe naman 'yang sagot na 'yan, husband. Parang mang-uubos talaga ng lakas."

Tumawa ang lalaki at inilipat nito ang kamay na nasa t'yan niya sa likod niya.

"Ayaw ko lang kasing mahirapan ka. And I know how stressful raising little kids are. Ikaw pa nga lang ang binabantayan ko dati pakiramdam ko ayaw ko nang magkaanak, eh."

"Grabe ka!" aniya sa asawa't natatawang hinampas ito sa balikat.

"Totoo naman. But I won't mind having kids with you," anito't kinintalan siya ng halik sa labi.

"Talaga ba..."

"Oo naman."

"Sige, may tanong ako."

"Ano 'yon?" anang lalaki't mas inilapit pa siya sa katawan nito.

"Why didn't you had kids with them?"

"With whom?"

"Your ex-wives."

"Would you prefer becoming a step mother?"

"Hindi naman... Curious lang ako kung bakit hindi kayo nagkaanak."

"They don't want to."

"Why?"

"Well, they're prioritizing their careers over building a family with me."

"Oh... 'Buti na lang pala I'm not that successful of a career woman..." bulong niya.

"Kaya nga ikaw na ang pinakasalan ko, eh."

Hinampas niya ito sa hita.

"Joke lang," anang lalaki't niyakap siya. "You're successful in your own way, Teyl. You're a well-sought artist that people are dying to see everytime you held an exhibit. You're perfume business is doing fine in exportation. Marunong ka lang talagang magbalanse ng mga bagay-bagay 'di tulad ng iba."

"Because you're always there to guide me every step of the way all my life, too," aniya't idinikit ang noo sa noo ng asawa.

If it's not because of him, she don't know where she'll be in life.

Kaya rin siguro mas lumalim ang simpleng paghanga niya sa asawa noong bata pa sila dahil dito niya natagpuan ang pagkalingang hindi na naramdaman sa mga namayapang magulang.

"Oo nga, na-stress nga ako sa 'yo. Dati anak kita, ngayon asawa na."

They bursted into laughters with what he said.

"Parang sinasabi mo naman na sakit lang ng ulo ang ambag ko sa buhay mo!"

"Hindi parang. Sinasabi ko talaga!"

She pinched him on his side. Tumawa lang ang lalaki't inilapit ang mukha sa kanya.

"Pinigilan ko lang na magkagusto sa 'yo no'n kasi parang kapatid na kita," pag-amin nito.

She gently slapped him. "Ikaw din pala, eh! Bata palang tayo may pagnanasa na sa 'kin!"

"Talagang pagnanasa. Tumatabi ka pa naman sa 'kin no'ng nagdadalaga ka na."

"Kley!" hindi makapaniwalang bulalas niya sa asawa.

He didn't know how much she wished he'll kiss her too like what she did to his girlfriends.

But there he was then secretly desiring for her, as well, without her knowing about it.

Tumawa lang ang lalaki't humiga. Hinila siya nito para sumama rito.

"Ngayon natin buhayin lahat ng mga pagnanasang 'yon..." he said and started kissing her.

CUS #5: Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon