Chapter 4- Part 1

20 2 0
                                    

Iniligpit ni Teyl ang mga pagkaing inihanda sa mesa habang idina-dial ulit ang numero ni Klio.

Pang-ilang tawag na niya iyon sa asawa.

Kaninang hapon pa ito umalis pero alas nuwebe na ng gabi, hindi pa rin ito nakakabalik.

Magre-report daw kasi muna ito sa military headquarters ng mga ito sa Davao.

Naiinis na pinatay niya ang tawag at binalot ang mga pagkain para ilagay sa ref.

"Hindi man lang naalalang may asawang naiwan dito..." maktol niya.

Pagkatapos mabalot ang mga pagkain ay ipinasok na niya ang mga iyon sa ref. Hindi na rin siya kumain.

Nawalan na siya ng gana dahil sa inis sa asawa.

Pinatay niya ang ilaw at lumabas na ng kusina para pumunta sa kwarto.

Nasa sala na siya nang makarinig siya ng busina ng sasakyan sa labas.

Nag-iisa lang ang rest house ng asawa sa gawing 'yon kaya alam niyang sasakyan iyon ni Klio.

"Akala ko hindi ka pa uuwi, eh..." aniya sa sarili.

Dali-dali siyang lumabas ng bahay para pagbuksan ng gate ang lalaki.

"Hi," anito nang bumaba ng sasakyan at halikan siya sa labi. "I'll close it," anito't ito na ang nagsara ng gate.

"What took you so long? Sabi mo sandali ka lang? I've been alone here for several hours."

Lumapit ito sa kanya't hinapit siya sa baywang. "Pasensya ka na. May inasikaso lang ako ro'n kaya ako natagalan."

"Kley, naman... Akala ko ba magbabakasyon tayo rito? Ba't parang bumabalik ka na sa duty?"

"Hindi naman. Something unexpected just came up."

"Ano?"

"Just duty-related. Huwag na nating pag-usapan, okay? Pasok na muna tayo sa loob."

"Okay..."

He held her hand and led her back inside the house.

Pero nang dumaan sila sa tabi ng sasakyan nito, binuksan ng asawa ang passenger's side at may kinuha ito sa loob.

"Flowers for you..." anitong hinapit pa siya sa baywang at hinalikan sa labi bago iabot ang bulaklak sa kanya.

"Pampalubag-loob mo lang yata 'to, eh..." nakasimangot na sagot niya sa asawa.

"Of course not. I've been really meaning to buy you some flowers when I drive back home," anitong inipit ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng kanyang tainga.

"Sus..."

He pulled her closer to him. "Huwag ka nang magtampo... I'll make it up to you tonight..." he said and flirtatiously kissed her on the lips.

"Sus... Dinadaan-daan mo lang ako sa mga paganyan-ganyan mo, eh... Umuwi ka pa rin po ng late."

He laughed. "Grabe, mas mahigpit ka pa sa naka-duty sa headquarters. Oo na po... I'm sorry I went home late. I didn't mean to keep you waiting."

"I do not mind waiting for you, Kley. Pero pinag-alala mo kasi ako... Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Malay ko ba kung in-ambush ka na pala, 'di ba?"

"Oo na po, I'm sorry about that. Na-dead batt na kasi ang cellphone ko. Eh, bawal din naman akong mag-cellphone habang nasa headquarters kanina kaya nagb'yahe na lang ako pauwi at hindi na kita na-update."

"Can you not do that next time? Mamamatay ako sa pag-aalala sa 'yo, eh..."

"Okay, I promise..." anito't hinalikan siya ulit. "Pasok na tayo?" yaya nito.

"Sige, tara na. Kumain ka na ba?" tanong niya rito.

"Nope, ikaw?"

"Hindi pa rin. Wala akong gana kanina, eh. Naiinis kasi ako kahihintay sa 'yo... Kaliligpit ko nga lang ng mga pagkain, eh. Lumamig na kasi sa mesa."

"Okay, iinitin ko na lang sila para makapag-hapunan na tayo," anito nang makapasok sila sa loob ng bahay.

"Huwag na, ako na. Umakyat ka na lang muna sa kuwarto't maligo. Ako na ang bahala sa pagkain natin."

"Sure ka?"

"Yeah."

"Okay, I'll be back," anito't kinintalan siya ng mabilis na halik sa labi at tinungo na ang hagdan para umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.

Dumiretso naman siya sa kusina at inilapag ang bouquet sa mesa bago binuksan ang ref at kinuha roon ang mga ulam.

Isa-isa niya iyong isinalang sa microwave at naglatag ulit ng mga plato at kubyertos.

She looked for a flower vase while waiting for Klio to go downstairs.

May nakita siya babasaging vase sa cupboard.

Inilagay niya roon ang mga bulaklak habang hinihintay ang asawa.

Abala siya sa ginagawa nang maramdaman niyang may yumakap sa baywang niya.

"Kain na muna tayo?" bulong ni Klio sa kanya. Ipinatong nito ang baba sa balikat niya.

"Tatapusin ko lang 'to," sagot niya.

"Let me," anang lalaki't kinuha na sa kanya ang mga bulaklak.

"How's your trip, though?" tanong niya sa asawa.

"Ayos lang naman... Napatagal lang talaga ang pakikipagdiskusyon sa ibang opisyal."

"Do they know you?"

Tumango ito. "Yeah, mga kasama ko rin sila dati. Nadistino lang dito."

"Ah..."

"What did you do here the whole time?"

"Nothing much. Linis-linis lang kaunti."

"Why?" anito't nilingon siya. "I had the caretaker cleaned the house before we arrived."

"Kaunti lang naman... May mga dahon kasing nahulog sa deck kanina."

"Sana tinawag mo na lang sina Manang..."

"Malayo ang bahay nila. Nakakahiya namang pagbyahehin ko sila papunta rito para lang magwalis..."

"Then, you should have waited till the next morning, Teyl."

"Okay lang 'yon..." aniya't hinaplos ito sa braso.

"I told you I wanted you to take a rest."

"Hindi naman 'yon masyadong nakakapagod."

"Pero hindi mo na 'yon trabaho."

"I am your wife. This house is yours. It's my responsibility to keep it at a good state, as well.

Nilagay ng lalaki ang huling rosas sa vase at humarap sa kanya. "Basta ayokong nagpapakapagod ka rito, okay? Nawala lang ako ng ilang oras, eh..."

"Oo na po..."

Hinila siya ng lalaki palapit dito. "Punishment ka sa 'kin mamaya."

"Talaga ba?" aniya't natatawang lumayo sa asawa't lumapit sa mesa.

CUS #5: Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon