Twenty-Six years ago...
Binuksan niya ang pinto ng nursery. Ang pumapalahaw sa iyak na sanggol agad ang sumalubong sa kanya.
He walked inside and left the door open.
Pagkatapos ay lumapit siya sa crib kung saan iniwan ang bata.
Binuhat niya iyon.
He held the newborn baby close to his chest.
"Shh... Stop crying... Nandito na si Tito Von. You're not alone anymore," aniya't hinele-hele ito.
Still, the baby didn't stop crying.
Nang mapagtanto ang haba ng oras na maaaring naiwang mag-isa roon ang pamangkin, naisip niyang baka nagugutom na ito kaya umiiyak.
Ibinaba niya ulit ang bata sa crib at lumapit sa mga lagayan ng gamit nito sa loob ng nursery.
Dali-dali niya itong ipinagtimpla ng gatas pagkatapos ay muling binuhat.
She held the small human in his arms and fed her.
He hoped the only reason she's crying is because of hunger and not because of what happened to her parents.
"I'm sorry, little one... But your Mommy and Daddy left you a few hours ago..." aniya sa paslit habang pinapadede ito.
Natagpuan ang bangkay ng nakababata niyang kapatid na si Ameli at ng asawa nitong si Deiv na magkatabi sa sala ng bahay ng mga ito at wala nang buhay.
Ayon sa mga pulis, posibleng madaling-araw daw nangyari ang pagpatay sa mga ito.
Wala naman daw nakitang pruweba na pilit pinasok ang bahay kaya malaki raw ang posibilidad na kakilala ng mga biktima ang suspek o hindi kaya ay isa iyon sa mga taong malapit sa mag-asawa at laging bumibisita sa bahay ng mga ito.
Dalawang tama ng bala ng baril ang nakita sa ulo ni Deiv samantalang tig-iisa namang tama sa dibdib at ulo ni Ameli.
Bumangon ang matinding galit sa dibdib niya dahil sa sinapit ng kapatid pero pilit niyang pinakalma ang sarili dahil hawak-hawak niya ang pamangkin.
He don't know what to do with her. Neither does he have an idea how to raise her.
Wala siyang pamilya. Wala siyang alam sa pag-aalaga at pagpapalaki ng isang anak.
"Yes, Tito Von won't leave you," aniya nang pumalahaw na naman ng iyak ang sanggol. "I'll bring you with me, okay?"
Sa Brazil na siya namamalagi. Umuwi lang siya noong isang araw dahil gusto niyang kumustahin ang kapapanganak lang na kapatid.
Nag-iisa lang niyang kapatid si Ameli kaya gusto niyang masigurong maayos ang takbo ng buhay nito.
Iyon nga lang, kinuha na hindi pa nakikilalang hudas ang kapatid niya.
"Malaman ko lang talaga kung sino ang pumatay sa mommy at daddy mo..." nakangiting sabi niya sa pamangkin para hindi ito matakot sa kanya kahit alam niyang hindi pa naman ito nakakaintindi.
Kung hindi dahil sa walang tigil na iyak ng bata na umabot na sa kapitbahay, hindi pa nila malamang pinatay ang mga magulang nito.
Wala naman daw narinig na kahit anong kahina-hinala sa loob ng bahay ng kapatid niya kagabi.
Maliban daw sa pag-iyak ni Teyl nang madaling-araw, wala nang anumang ingay na naulinigan sa loob ng bahay ng mga ito.
He watched as her little mouth hungrily sucked at the nipple of the milk bottle.
Bumalik bigla sa alaala niya ang panahong maliit pa ang kapatid at karga-karga niya iyon.
Ngayon, anak na nito ang kinakarga niya pero wala na si Ameli.
Hinele-hele niya ang pamangkin para makatulog ulit ito.
Hindi niya mapigilang makaramdam ng habag sa paslit. Ilang araw palang ito pero naulila na agad ito sa mga magulang.
Kailangan pa siyang hintayin kanina para kunin ang sanggol para masiguro ang seguridad nito.
"So it will be just the two of us from now on. Be good to Tito Von, okay?" aniya sa pamangkin nang mukhang antukin na ito at magpikit na ng mga mata.
He don't know how to raise her, giving her a good life sure he can, but he will try...
![](https://img.wattpad.com/cover/366169073-288-k911741.jpg)
BINABASA MO ANG
CUS #5: Into You
Mystery / ThrillerThe downfall of the Chronos Union led Phinex to fall under the hands of Detective Lauder of the Luxirr Investigation Bureau. To save her ass, she bit the deal to use her skills in Psychopath hunting to catch one of the Bureau's persons of interest...