Natagpuan niya ang asawang nagpipinta sa gilid ng swimming pool.
Nakapusod ang mahaba nitong buhok kaya kitang-kita niya kung gaano ito kaseryoso sa ginagawa.
Sumandal siya sa poste ng bahay at pinagmasdan ang asawa.
She's wearing his shirt that looks so big on her but she's looking hot, nonetheless.
Napahalukipkip siya nang maramdaman ang unti-unting pag-iinit ng katawan. Alam kasi niyang 'yon lang ang suot ng asawa.
But he doesn't want to disturb her.
Gusto nitong hinahayaan at iniiwan lang mag-isa kapag nagpipinta.
Pinagkasya na lang muna niya ang sarili sa panunood dito. Mamaya na lang 'pag hindi na talaga siya makapagpigil.
She's always loved painting. Bata palang sila, iyon na ang hilig ng babae.
And he knew her enough to know when to flirt with her and when not to.
Pero naramdaman yata ni Teyl na may nakatingin dito kaya lumingon ito sa direksyon niya.
"Hi!" anito nang makita siya't iwinagayway pa ang hawak na paint brush.
"Hi," aniya't naglakad palapit sa asawa. "Why did you stop? Tapos na ba?"
"Ahm, hindi pa..." anito't ibinalik ang tingin sa canvas.
She tilted her head to inspect her craft.
"Magpinta ka lang. Don't mind me," aniya't tumayo sa likuran nito.
"I've been painting since kanina pa. Pagod na ako..." anito't hinilot-hilot ang likod ng balikat.
"Take a rest for a while, then," aniya't ipinatong ang mga kamay sa mga balikat ng babae.
He started massaging her.
"Are you going to swim?" tanong nito.
"Yeah. Will just do some lapses. Do you wanna join me?"
Tumango ito. "I'll just change into my bikinis."
"Hindi naman na kailangan. You can swim naked," aniya't bahagyang diniinan ang pagkakamasahe rito.
Tumawa ang babae. "Ikaw talaga," anito't tumayo at humarap sa kanya. "I'll be fast."
"I'm serious," aniya't hinapit ang asawa palapit sa katawan niya nang magtangka na itong maglakad palayo. "You can swim naked."
"Kley..."
"What? Nandito tayo sa bahay ko. Walang ibang tao rito kundi tayong dalawa lang. Who would see you naked in the pool?" aniya rito. "It will be removed later, anyway."
"Kley..." anito't hinampas siya sa dibdib.
"Bakit? Totoo naman."
Itinaas niya ang laylayan ng damit. Then, he brought it over her head.
Tama nga siya, wala ngang suot na panloob ang asawa.
He doesn't mind, though.
Ipinatong niya ang t-shirt sa silyang kinauupuan ng babae kanina.
Then, he took her hand, stepped back, and admire her body.
"I think I could never get enough of you..." aniya habang sinusuyod ito ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Stop..." natatawang saway nito sa kanya.
He raised her hand and spin her around.
Pero natigilan siya nang may mapansin sa likod ng asawa. "What's this?" aniya habang idinadaan ang kamay sa bulaklak na tattoo sa likod nito.
"Oh, just a pact of friendship with my college friends."
"I didn't know you had this."
Nilingon siya nito. "It's just a friendship pact."
"Kahit na. I don't like it."
"Kley..."
"I don't want this on your skin."
"Maliit lang naman 'yan. It occupies just a little portion of my back."
"Kahit na. Let's have it removed."
Nag-iwas ito ng tingin at ibinalik ang tingin sa canvas. "It has a sentimental value on me..."
"Mas mahalaga pa ba 'yon kaysa sa kung ano ang gusto kong asawa mo?"
"Kley, it's on my body even before we got married."
"Which I wouldn't have permitted if it came to my knowledge then, by the way."
Kinuha ng babae ang damit at isinuot ulit. "Hindi na ako magsu-swimming. I'm tired. Magpapahinga na lang ako sa loob," anito't nagsimula nang magligpit ng mga gamit.
"Don't tell me we'll fight over this petty thing?" aniya sa nakatalikod na asawa.
"I just didn't expect you'll mind this 'petty' thing," sagot nito.
"Of course, I would," aniya't kinuha ang canvas sa kamay nito. "How could I not? You know I don't like tattoos. Tapos malalaman ko, nagpa-tattoo ka?"
"I told you, it's a friendship pact."
"Na wala kang planong sabihin sa 'kin kung hindi ko nakita? At marami namang paraan para mabuo ang friendship pact niyo. Bakit tattoo pa?"
Bumuntong-hininga ito at dinampot ang mga paint brush. "Papasok na ako."
She attempted to take the canvas from him but he held it away from his wife.
"Don't walk out on me," aniya rito.
Alam niya kung gaano katigas ang ulo ng asawa at hindi ito magpapatalo sa kanya.
"Pagod na ako..."
"Let's settle it here and now."
"Mamaya na lang, p'wede?"
"No."
"Kley..."
"I don't want this little disagreement to last longer than it should."
Umupo siya sa silya at ibinalik ang canvas sa stand nito. Pagkatapos ay hinila niya ang asawa paupo sa kandungan niya.
Then, he removed the brushes from her hand and put it on the floor.
"Give me one good reason why we shouldn't have it removed," aniya rito't ipinulupot ang braso sa baywang nito.
"I told you it's a friendship pact but you won't accept it..." naiinis na sabi nito't lumabi.
"Mas matimbang pa ba ang mga kaibigan mo kaysa sa akin?" aniya rito. "At ni hindi ko nga sila kilala. Pa'no naman ako makasisigurong mabuti nga silang kaibigan sa 'yo para hayaan ko 'yang friendship pact niyo sa katawan mo?"
"Can we just ignore it?"
"How could I? I'll remember it everytime I see and touch your body."
She sighed.
Then, her brows furrowed.
Hinalikan niya sa noo ang asawa. "Ayokong nakasimangot ka..."
"Kasi naman, Kley, eh..."
"Basta ako, sinabi ko na sa 'yong ayoko 'yan..."
Nag-iwas ito ng tingin at saglit na natahimik. Waring nag-iisip.
Then, she put an arm over his shoulders. "Okay," anito, "I'll have it removed. Pero p'wede bang pagkabalik na lang natin galing sa Davao? Maghahanap pa ako ng nantatanggal nito, eh."
Nag-isip din muna siya saglit bago sumagot sa asawa.
Maybe it won't hurt that much to wait a bit.
He sighed. "Okay, pumapayag ako. But you have to promise me you'll do it. Because by then, I've to go back to the base."
Tumango ito. "I promise, hubby," anito't kinintalan siya ng halik sa labi.
"Okay, we're good, then."
She nodded in agreement.
"Good. Ligo na tayo," aniya't itinaas ulit ang damit ng asawa.
He undressed her again.
![](https://img.wattpad.com/cover/366169073-288-k911741.jpg)
BINABASA MO ANG
CUS #5: Into You
Mystery / ThrillerThe downfall of the Chronos Union led Phinex to fall under the hands of Detective Lauder of the Luxirr Investigation Bureau. To save her ass, she bit the deal to use her skills in Psychopath hunting to catch one of the Bureau's persons of interest...