Nagpresenta si Teyl na siya na ang magtapon ng basura dahil ang asawa na ang nagluto at nagligpit ng pinagkainan nila.
Pumayag naman ito pero pinasuot ng lalaki ang t-shirt nito sa kanya dahil naka-nightgown lang siya.
She picked up the big plastic bag of trash and drag it out of the kitchen towards the gate.
Nasa labas pa kasi ang tapunan ng basura ilang dipa ang layo mula sa bahay ng lalaki dahil may kanya-kanyang imbakan ng basura ang bawat kanto ng subdivision.
She tried to walk as properly as she can. Nananakit pa kasi ang mga hita niya mula sa katatapos lang na pakikipagtalik sa asawa.
She must admit that's kinda wild at the kitchen, though.
"Anong nangyari sa 'yo? Ba't gan'yan ka maglakad?"
Ihahampas na sana niya ang plastic bag ng basura sa nagsalita kung hindi lang niya nakilala kaagad ang boses ng kaibigan.
Si Rosella.
"Nothing," sagot niya sa babae.
Hindi na niya ito nilingon.
She knew she's hiding in the dark, away from the sight of anyone that might see her.
May mga halaman kasi sa gilid ng sidewalk na nilalakaran niya. Alam niyang doon nagkukubli ang kaibigan habang sumasabay sa paglalakad niya.
"Anong 'nothing'? Nakikita mo ba ang sarili mo? Parang nabalian ka ng binti kung maglakad."
Kinutingting niya ang tainga. "Friend, dumaan ka ba para sermunan ako?"
"Dumaan ako para tingnan kung buhay ka pa."
"Well, I am alive and happy," she answered and walked normally when a car passed by.
"Kumusta ka?"
"Ito, masaya naman sa buhay may asawa."
"Siguraduhin mo lang na hindi ka sinasaktan ng gago mong asawa."
"Shh... don't swear at my husband. Ahm, yeah, sinasaktan niya ako but, alam mo na..."
"Anong alam ko na?"
"'Yong sakitang mag-asawa."
"Anong sakitang mag-asawa? Binubugbog ka ba niya? Did he break your leg? Papatayin ko talaga ang ungas na 'yon 'pag sinaktan ka!"
Natampal niya ang noo. "Hay naku, ang hirap makipag-usap sa single na bitter..."
"Let's go back. Ba't 'di ka lumaban sa kanya? Ano, hahayaan mo lang siyang saktan-saktan ka when you can easily kill him?"
"H'wag ka ngang OA, frenny. Mag-asawa ka na rin kasi para maintindihan mo kung ano ang ibig kong sabihin sa sakitang mag-asawa."
"All I know is 'pag sinaktan ako ng asawa ko, hindi na siya sisikatan ng araw."
"Si FPJ ka ba?" aniya't pinigilang matawa nang malakas dahil baka mapagkamalan siyang siraulo ng mga tao sa mga bahay-bahay na nadadaanan niya.
"Have you had your legs checked? Kailan pa 'yan?"
Gusto na talaga niyang tumawa nang pagkalakas-lakas dahil sa mga sinasabi ng kaibigan.
Siguradong mumurahin siya nito kapag kin'wento niya kung ano ang ginawa nila ni Klio kaya nananakit ang mga hita niya.
"Just a few hours ago," sagot niya.
"Why didn't you give me a heads up?"
"Ha?"
"Ba't 'di mo ako sinabihan ng ginagawa niya sa 'yo?"
Napatigil na talaga siya sa paglalakad at tawang-tawang napaupo sa sidewalk. Wala naman siyang nakikitang mga taong pagala-gala sa paligid kaya hinayaan na niya ang sariling tumawa sandali sa gilid ng daan.
BINABASA MO ANG
CUS #5: Into You
Mystery / ThrillerThe downfall of the Chronos Union led Phinex to fall under the hands of Detective Lauder of the Luxirr Investigation Bureau. To save her ass, she bit the deal to use her skills in Psychopath hunting to catch one of the Bureau's persons of interest...