Chapter 13- Part 1

32 1 0
                                    

Eighteen years ago: Chronos Union

Teyl stood still, avoiding unnecessary movement as she listened to their Trainer, blindfolded.

Dahil dinala siya roong nakapiring, hindi niya alam kung nasa loob pa ba siya ng mansiyon o nasa labas na.

Ni hindi rin niya alam kung ilan at kung sinu-sino ang mga kasama.

Dahil nahuli siya kahapon, inikot siyang mag-isa ng Trainer nila sa mansyon.

Pero dahil baguhan siya, sa amenities lang muna siya nito dinala at hindi sa mga bahagi ng bahay na ekslusibo lang sa mga ganap nang Assassin na bahagi ng iba't ibang operasyon ng Union.

"If there's someone here who's having a second thought about joining the Union or has changed his mind, raise your hand," narinig niyang sabi ng babae.

Hindi niya alam kung may nagtaas ng kamay. But one thing she knew, she's not raising hers.

"Isa lang ang batas ng Union. No slot should be left unoccupied. Hindi kayo pipilitin ng Union na umanib sa amin. Pero hindi rin kayo p'wedeng umalis na walang kapalit."

Hindi niya alam kung may nagbago ng isip at iyon ang kinakausap ng babae o lahat sila ang kinakausap nito.

"Now, remove your blindfolds!" utos nito.

She obliged and hastily untied hers with her small hands.

Pero hindi niya natanggal iyon agad-agad dahil nagkandabuhol-buhol ang panyong ipiniring sa kanya.

Kaya imbes na bumilis, mas bumagal ang pagtanggal niya roon.

Then, someone removed her hands and placed it beside her.

Pagkatapos ay tinanggal ang pagkakabuhol sa piring niya.

Tumambad sa kanya ang maganda't matangkad na babae nang matanggal ang takip niya sa mata.

She looked like at her early thirties. Fair-skinned. Brown eyes. Shoulder length straight black hair.

"Paano mo ako makukumbinseng kaya mong maging Assassin kung simpleng pagtanggal ng piring, hindi mo kayang mag-isa, bata?" anang Trainer sa kanya.

The other new recruits laughed.

"May nakakatawa?" anang babae sa mga iyon.

She felt a bit embarrassed.

"Heads up," anito't itinaas ang baba niya. Then the woman placed the handkerchief on her shoulder and walked away from her to stand in front of them again.

Pasimple niyang pinasadahan ng tingin ang mga kasama sa likuran.

But she did it fast so as not to be caught by the Trainer.

Dahil by height, siya ang nasa pinakaunahang hilera ng tigsa-sampung trainee ng limang row.

At ang pinakabata, kung ang pagbabasehan ay ang iba't ibang tangkad at laki nila.

"Don't misplace and lose your handkerchiefs. 'Yan ang magiging unang assignment niyo rito sa Union. Guard and look after those as you would your own lives. Dahil 'yan ang magtatakda kung anong klase ng buhay ang mararanasan n'yo rito sa loob."

The woman started walking around them.

"Kapag nawala n'yo ang panyo, dahil wala kayong magagamit na pampiring sa sarili, hindi na rin kayo maaaring pumunta rito sa indoor training ground dahil bilang Beginner, wala pa kayong pribilehiyong mag-ikot-ikot, tumingin-tingin, at makita ang mga bagay-bagay sa labas ng mansyon."

Palakas nang palakas ang boses ng babae habang palapit ito nang palapit sa kanya.

"And having nowhere else to go means being unable to attend your trainings here. And having no trainings attended would mean incompetence. And incompetent people have no place here in Chronos Union. So, yes, the handkerchief that you have to guard with your lives could really cost your lives."

Tumigil ang babae sa likuran niya.

"Do you understand?!"

"Yes, Trainer!" sabay-sabay nilang sagot.

"Good. At dahil walang umatras sa inyo, I would like to formally welcome you all."

Bumalik sa gitna ng training ground ang babae.

"Welcome to Chronos Union, the home of the greatest, aspiring Assassins!"

Hindi niya alam kung matutuwa dahil walang umatras sa batch nila.

Pero ang sigurado niya, natutuwa siyang masalubong na rin sa wakas sa organisasyon.

CUS #5: Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon