SIXTEEN YEARS AGO: Summer, Cenfino Resident...
Nakasimangot si Teyl habang nakaupo sa sofa.
Kasama niya si Klio at ang girlfriend nitong si Jenikka. Katatapos lang ng graduation ng dalawa't tuwang-tuwa ang mga ito sa natanggap na mga award habang nag-uusap sa harap niya.
Nagdadabog na inilapag niya sa center table ang report card. "Mas mataas pa nga ang grades ko sa kanya, eh! Why aren't you congratulating me?!" aniya kay Klio.
Napatingin sa kanya ang magkasintahan.
Inilapag din ni Klio ang cap ng toga nito sa mesa. "You don't have to shout, Teyl," anang binatilyo sa kanya't inabot ang card niya.
He beamed and looked at her.
Mas mataas na kasi ang grado niya sa Math dahil tinuturuan siya ng advance ng lalaki.
"Date me," she demanded. "Take me out. Now."
Nagpalipat-lipat ang tingin ng binatilyo sa kanya't sa girlfriend nito.
At habang humahaba ang sandaling hindi nagdedesisyon ang lalaki, lalong nalulukot ang mukha niya.
Nang magtinginan ito at si Jenikka, naiinis na hinablot niya ang report card sa kamay ni Klio.
Alam na niya kung ano ang mangyayari; ang girlfriend ang pipiliin nito.
She ran towards the stairs, crying.
"Teyl!" tawag sa kanya ni Klio pero hindi niya pinansin ang lalaki.
Nagpatuloy lang siya sa pagtakbo't dumiretso sa hagdan para umakyat sa k'warto nito kung saan siya natutulog.
She slammed the door when she got inside his room.
Pagkatapos ay tinapon niya sa sahig ang report card at tumakbo papunta sa kama.
Padapa siyang humiga't humagulgol.
She's mad at him. Naiinis siyang may ibang babae na iyong inuuna maliban sa kanya.
Ikinuyom niya ang mga kamay.
For all she knew, nilalapitan lang naman iyon ni Jennika dahil matalino at sikat sa paaralan ang lalaki.
Ayaw niyang may nakakapansing iba kay Klio.
Ayaw niyang may ibang kahati rito.
She felt someone sat on the bed beside her.
Hindi na siya nag-angat ng tingin para tingnan kung sino 'yon.
It's probably Klio or Tito Ciolo. Malamang kasi, narinig na naman ng matanda ang atungal niya.
Someone unclenched her fists.
By the feel of it, she knew it's Klio.
Lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakakuyom sa mga kamay.
"I won't take you out if you continue being like that," sabi sa kanya ng binatilyo.
Her sobbing gradually subsided.
Pero hindi pa rin niya binuksan ang mga kamay.
Klio tried opening them up again.
She tried her best to keep her fists close, too.
"Teyl..." saway na sa kanya ng lalaki.
Pero hindi siya nagpatinag. More than the scene earlier, she's angry at him for having a relationship with someone without telling her about it first.
Nalaman lang niyang may girlfriend na ito pagkauwi niya sa bahay ng mga ito kahapon.
Kagabi pa siya nagpipigil. And today, she wants Klio to know how upset she is.
Natigilan siya nang maramdamang may malambot na dumampi sa kamao niya.
Napabalikwas tuloy siya ng bangon at napatingin kay Klio.
Hinalikan din nito ang isa pa niyang kamay.
Nagpalipat-lipat ang tingin niya roon at sa lalaki.
"Bakit ka ba nagagalit?" anito't hinaplos ang likod ng mga kamay niya. "Ngayon na nga lang tayo nagkita, eh..."
"Why is she here?!" sigaw niya't umiyak ulit.
Gusto niyang magwala sa harap ng lalaki dahil sa sobrang sama ng loob pero gustong-gusto niya ang paghawak nito sa kamay niya't ayaw niyang bitawan siya nito kaya kinontrol niya ang galit.
"Gusto ko lang siyang ipakilala kay Papa bilang girlfriend ko. At para mag-celebrate na rin para sa graduation namin," sagot nito.
"Bakit dito siya magce-celebrate?! Wala ba silang bahay?!"
"Teyl-."
"Send her home!" maktol niya kay Klio.
"Why?"
"Pa'no mo ako maide-date kung nandito siya?!"
"I'll take you two out."
"Ayokong maging third wheel!" sigaw niya't umiyak ulit.
"Hindi ka naman-."
"Ayoko!" aniyang hinila ang mga kamay at sumubsob ulit sa kama.
"Teyl, can you stop this? Don't be selfish."
Parang tinusok ang dibdib niya dahil sa narinig. Inilagay niya ang mga kamay sa ilalim ng katawan at dinaganan.
Nagpatuloy siya sa pag-iyak.
She heard Klio sigh beside her.
Mayamaya'y naramdaman niya ang pag-alis nito sa kama.
The next thing she heard was the opening and the closing of his bedroom door.
Ilang sandali pa siyang umiyak bago nagdesisyong tumagilid sa kama.
So, he has made up his mind. And he's choosing Jenikka over her.
Angry, she sat up on the bed and wiped her tears dry.
Nakita niya ang report card sa paanan ng kama.
"You didn't even congratulate me..." masama ang loob na sabi niya kahit wala na roon ang lalaki.
Her lowest grade is ninety-seven. Pero wala na iyong kwenta ngayon kung hindi na rin naman siya pinapansin ni Klio.
She reached out for the piece of paper and was about to tear it apart when the door opened.
"Halika na. Lalabas tayo," ani Klio.
She pouted and looked at her report card. "Tayo lang?"
"Tayo lang," sagot ng lalaki.
She shifted her eyes onto him. "Talaga?"
"Yeah," anito't nilakihan ang pagkakabukas ng pinto.
Ngayon lang niya napansing hindi na suot ng lalaki ang puting toga nito.
Her face lit up.
Inilapag niya ulit ang report card sa higaan at bumaba ng kama.
Naglakad siya palapit kay Klio.
"Is Tito coming with us?" tanong niya rito.
"No. Tayong dalawa lang."
Lalo siyang natuwa kaya hindi na niya napigilang mapangiti. "Okay..." aniya't humawak sa kamay ng lalaki.
"Ikaw talaga..." anito pagkatapos isara ang pinto't makitang tapos na ang pagta-tantrums niya.
Pero umatungal siya ulit dahil sa narinig.
"Jenikka's gone. Tama na," anang binatilyo't nagsimula nang maglakad papunta sa hagdan.
She pouted.
Pinunasan naman ni Klio ng kamay nito ang mukha niya.
Good thing his girlfriend already went home.
Or else, magseselos lang din iyon sa kanilang dalawa.
Because she won't let any other girl have her Klio!

BINABASA MO ANG
CUS #5: Into You
Mystery / ThrillerThe downfall of the Chronos Union led Phinex to fall under the hands of Detective Lauder of the Luxirr Investigation Bureau. To save her ass, she bit the deal to use her skills in Psychopath hunting to catch one of the Bureau's persons of interest...