Teyl glanced at the entrance of the Gallery again.
Tinitingnan niya kung nakabalik na ang asawa.
Nagpaalam kasi itong may kikitaing kaibigan kanina pero mag-a-alas nuwebe na ng gabi, wala pa rin ito.
She dialed his number again.
Unattended.
"Teyl, I'll go ahead. Congratulations again," ani Jeremiah at nakipag-beso sa kanya.
"Thank you very much again, Je. I owe you the success of my exhibit."
"Ano ka ba. It's because of your talent. I'm just the one who organized to let the world see it."
She walked him towards the door.
"Still, malaking tulong sa 'kin ang ginagawa mo."
"Just don't lose your passion towards your talent and we'll all be good."
"I won't."
"Teka," anang lalaki nang makarating sila sa bungad ng Gallery. "Hindi ka pa ba uuwi? Ano pala ang sasakyan mo? Gusto mong ihatid na kita sa bahay niyo?"
"No, no, h'wag na. I'm actually waiting for Klio. May pinuntahan lang siyang kaibigan. Babalikan daw niya ako rito, eh. Baka magalit 'yon mamaya kapag bumalik siya tapos umalis na ako. Sayang naman ang effort niyang sunduin ako."
"Gano'n ba? Stay here, then. Ligtas ka naman dito at nandito naman si Kuya," anang organizer at ininguso ang guwardiyang nasa likuran niya.
"Yeah, I will. Ingat ka sa b'yahe."
"Do not wander around alone," bilin ulit ng lalaki bago ito bumaba ng hagdan.
"I won't."
She watched the guy walk towards his car.
Nang makaalis na ang sasakyan ni Jeremiah ay bumalik na siya sa loob ng Gallery.
She cannot help but smile while looking at the empty walls.
Pagdating nila kaninang umaga, punong-puno pa iyon ng mga painting na ginawa niya sa loob ng isang taon.
Pero ngayon, blangkong mga espasyo ng pader na lang ang natira.
Yeah, her paintings were all sold out for this year's exhibit.
As an artist, she's happy, of course, that a lot of people resonated with her art.
Umiikot-ikot siya sa Gallery habang naghihintay sa asawa.
Mayroon din kasing mga painting na naka-display doon na for decoration purposes lang.
Abala siya sa pagtingin sa isang abstract painting nang may humawak sa baywang niya.
Then, a bouquet of red roses appeared before her eyes.
"Congratulations, my dear wife," ani Klio at hinalikan siya sa pisngi.
Kinuha niya ang bulaklak at hinarap ang asawa.
"Ang tagal mo..." aniya't lumabi.
"Sorry, na-traffic kasi ako, eh. Hinatid ko pa si Camilo sa Alabang."
"Gano'n ba?"
"Yeah," he said and planted a kiss on her lips. Kinuha ni Klio ang kamay niya at pinaikot siya ng dalawang beses. "Are you happy with how successful your exhibit turned out?" anito't hinapit ang baywang niya.
"Yes. So much..." aniya't ipinatong ang kamay sa balikat ng asawa.
He started gently swaying their bodies left and right.
![](https://img.wattpad.com/cover/366169073-288-k911741.jpg)
BINABASA MO ANG
CUS #5: Into You
Mystery / ThrillerThe downfall of the Chronos Union led Phinex to fall under the hands of Detective Lauder of the Luxirr Investigation Bureau. To save her ass, she bit the deal to use her skills in Psychopath hunting to catch one of the Bureau's persons of interest...