Chapter 8- Part 2

19 3 0
                                    

Twenty-six years ago: Cenfino Residence...

Binuhat ni Von ang pamangking kagigising lang sa crib.

Alam niyang gutom na ito at iiyak mayamaya kaya uunahan na niya.

"Gising na ang baby Teyl?" anang kaibigang si Ciolo nang lumapit sa kanila.

Bitbit nito ang dalawang taong gulang na anak na si Klio na kagigising lang din.

Klio reached out for Teyl's hand and pulled her towards him.

Umiyak ang pamangkin niya.

"Shh... shh... Kuya Klio just wants to play with you," aniya't hinele ang sanggol. Inilagay na rin niya ang milk bottle sa bibig nito.

Dahil abot nang abot si Klio kay Teyl, ibinaba na lang nila ang dalawang bata sa crib ng pamangkin niya.

Humiga rin si Klio nang ihiga niya ang sanggol na babae.

"May update na ba sa nangyari sa bahay nina Ameli?" bulong sa kanya ng kaibigan.

Anger immediately flooded his chest. "Wala pa. The bastard left no trace. Posible raw na matagal na niyang pinag-aaralan kung paano papatayin ang mag-asawa. Buti na lang daw, hindi idinamay si Teyl."

"Kawawa naman siya kung sakali..."

Pinagmasdan niya ang pamangking nakabalik na sa tulog dahil tinatapik-tapik ni Klio ang hita nito.

Napatingin na rin si Ciolo sa mga paslit.

"They seemed to go along well," anang kaibigan.

Dahil sa hotel lang siya nakatira habang bumibisita sa Pilipinas, inalok siya ng kaibigang doon na lang muna mamalagi sa bahay nito habang hindi pa tapos ang imbestigasyon sa nangyaring pagpatay sa kapatid niya.

Hindi man magkatabi, malapit-lapit pa rin ang bahay ni Ciolo kina Ameli kaya mas magiging madali sa kanya ang pagpunta-punta roon para makibalita.

"Ikaw?" baling niya sa kaibigan. "Anong balita kay Shera? Hindi mo na ba siya hahanapin?"

Ilang sandali ring hindi nakasagot si Ciolo. "Am I supposed to?" balik-tanong nito.

"Ano ba sa tingin mo? Lalaki rin ang anak mo. Anong sasabihin mo kapag nagtanong siya kung nasaan ang Mama niya?"

"I'll tell him she run away with another man."

"Are you out of your mind? Why don't you just go find her and fix your marriage?"

"Madali lang para sa 'yo ang sabihin 'yan kasi hindi naman ikaw ang nasa posisyon ko, eh... Masakit ang ipagpalit sa ibang lalaki, Man. Pero mas masakit ang ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ayaw na sa 'yo..."

He can clearly feel the pain in his voice.

First love ni Ciolo si Shera. Kaya naman wala nang ibang ginusto ang kaibigan niya kundi ang babae.

"What are you planning to do, then?" tanong niya.

"Raise my son all by myself. Kaya ko rin naman siyang buhaying mag-isa at bigyan ng magandang buhay."

"Hindi naman 'yan ang issue, eh. The issue is his search for his mother when he grew up. 'Pag nagkaisip siya, hahanapin niya ang Mama niya."

"Saka ko na 'yan iisipin kapag dumating na kami sa puntong 'yan."

Napailing siya. "Bless our souls in raising these little angels..."

"By the way, dadalhin mo ba si Teyl sa Brazil?" tanong ng kaibigan.

He nodded. "Kailangan, eh. Wala akong mapag-iiwanan sa kanya rito."

Tinapik ni Ciolo ang balikat niya. "Pabakasyunin mo naman siya rito paminsan-minsan para may kalaro si Klio ko. Tingnan mo naman, hindi na niya mabitaw-bitawan si Teyl," anito patungkol sa anak na nakatulog na rin ulit at nakapatong pa ang isang hita sa pamangkin niya.

Marahan niyang tinanggal ang hita ni Klio sa tiyan ni Teyl dahil baka hindi ito makahinga.

Nakaramdam siya ng habag para sa dalawang paslit.

Isang iniwan sa mundo nang tuluyan ng mga magulang, isang literal na iniwan dahil sumama sa ibang lalaki ang ina.

What kind of life could he and Ciolo give to the two of them?

CUS #5: Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon