Chapter 2- Part 3

29 3 0
                                    

"Xirah."

Nasa dairy section ng grocery store si Teyl nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon.

She turned around.

"Auntie Francia!" bulalas niya nang makita ang matandang kapitbahay ni Klio. "Nice seeing you here po," nakangiting bati niya sa matanda.

"Ikaw rin. Sino ang kasama mo?" anito't nagpalinga-linga sa paligid. "Mag-isa ka lang ba rito?"

"Kasama ko po si Klio," aniya't dumampot ng dalawang bote ng fresh milk. "May kinuha lang po siya sa kabila," aniya't itinuro ang kabilang aisle.

Biglang bumalatay ang pag-aalala sa mukha ng matanda.

"Ano pong problema? Okay lang po ba kayo?" tanong niya rito.

The old woman held onto her arm. "Mag-iingat ka, Xirah..."

"Po? Bakit naman po?"

She looked around before answering. "Alam kong hindi naman lingid sa 'yo ang mga nangyari sa mga naging asawa niya. At hindi ko maintindihan kung bakit nagpakasal ka rin sa kanyang bata ka..." bulong nito.

"Auntie France, wala pong katotohanan ang mga ibinibintang ng iba kay Klio. 'Yong nangyari po sa mga asawa niya, wala naman po siyang kinalaman sa mga 'yon..."

"Hay, naku, basta. Hindi maganda ang kutob ko sa asawa mo. He's changed. Ibang-iba na ang awra niya ngayon kaysa no'ng mga bata pa kayo."

"Auntie..."

"Kumusta ka sa bahay niya? Hindi ka ba niya sinasaktan?"

"Hindi po, he's being a good husband to me po," nakangiting sagot niya sa matanda.

Bumuntong-hininga ito. "Basta, mag-iingat ka, ha? If you need anything, pumunta ka lang sa bahay ko. Or call me if there's an emergency."

"Like what, Auntie France?"

Sabay silang napalingon ng matanda nang marinig ang boses ni Klio.

Napansin niya nang biglang mapahawak ang babae sa tulak-tulak na cart. "Anything," sagot lang nito't naglakad na palayo.

Pero hindi nakaligtas sa mata niya nang tapunan siya nito ng makahulugang tingin bago siya tuluyang malampasan.

Nginitian niya ang asawa. "Have you found what you're looking for?"

May hinahanap kasi itong partikular na brand ng pasta.

"Yeah," sabi lang nito't inilagay na ang mga bitbit sa cart.

Hinaplos niya ang braso ng asawa. "H'wag mo na lang pansinin si Auntie."

Tumuwid ito ng tayo. Napansin agad niyang hindi na maganda ang mood ng asawa.

"Umuwi na tayo," sabi lang nito't naglakad na palayo.

"Kley..." aniya't sumunod sa lalaki na tulak-tulak ang cart nila.

"Leave that there. Let's go home," anito nang lumingon at makita ang ginagawa niya.

"But---."

"I said, leave that there!" mariing ulit nito't binalikan siya.

He held her arm and pulled her away from the cart.

"Kley---."

"Umuwi na tayo. I don't wanna be here anymore!"

"O-okay, just let me pay for them first."

Bumuntong-hininga ito at tinitigan siya.

She smiled at him and caress his arm. "I know you're upset, husband. But we're going to Davao tomorrow and we need these groceries. Ikaw na rin ang may sabing ayaw mong dadaan-daan pa tayo kung saan-saan bukas para mamili kasi hassle 'yon, 'di ba?"

Tumango ito.

Kinintalan niya ito ng halik sa mga labi. "Just get your car and wait for me outside. Ako na lang ang magbabayad para hindi mo na kailangang magtagal dito, okay?"

"Okay," sagot nito't hinila na ang cart nila palapit dito.

He pushed their cart towards the nearest counter.

Humawak naman siya sa braso nito habang naglalakad. "I love you..." bulong niya sa asawa para ibsan kahit papaano ang inis nito.

He sighed. "I love you, too."

Nang makarating sa counter, isa-isang inilagay ng lalaki ang mga item sa harap ng cashier.

Pagkatapos ay dinukot nito ang credit card at iniabot sa kanya. "I'll be back," anito't ginawaran siya ng halik sa labi bago umalis.

She saw the lady cashier giggled when Klio left.

"Ang sweet naman po ng asawa mo, Ma'am..." anang dalaga. Sa tantiya niya ay nasa bente y dos anyos ito.

"Yeah," nakangiting sagot niya sa babae.

Tahimik na nitong in-encode ang mga pinamili nila kaya hindi na rin siya nagsalita.

Hindi rin kasi siya mahilig makipag-small talk sa ibang tao.

Panaka-naka ay sinisilip niya ang asawa sa entrance ng grocery store.

Sakto namang ikinakahon na ang mga pinamili nila nang lumitaw ito.

Pagkatapos ma-swipe ang credit card ay ibinalik na iyon sa kanya ng cashier kasama ang resibo.

"Thank you," nakangiting sabi niya sa babae at hinintay ang paglapit ng asawa. "Here's your card," aniya rito.

Inilagay muna 'yon ng lalaki sa pitaka bago binuhat ang kahon ng mga grocery.

He held her hand and walked towards the exit.

Nang makarating doon ay ipinakita niya sa guwardiya ang resibo bago sila lumabas.

They walked towards his car.

"Wait for me," anang lalaki't tinapik siya sa baywang bago pumunta sa trunk para ilagay ang kahon ng mga pinamili nila.

Nang makabalik ang asawa'y pinagbuksan siya nito ng pinto.

"Thank you, Kley..." aniya rito't hinaplos ito sa braso nang makaupo na siya sa loob ng sasakyan.

"You're welcome," anito't hinalikan siya sa noo. Ikinabit din nito ang seatbelt niya.

He closed the door and walked on the other side.

Sinundan niya ng tingin ang asawa nang lumigid ito papunta sa driver's seat.

There is still a hint of anger on his demeanor.

Nang maupo ito sa tabi niya't makapagsuot ng seatbelt, pinaandar na agad nito ang sasakyan palayo sa grocery store.

He's quiet but she can see the tensed muscles of his jaw.

"Kley?"

"Yeah?" anitong hindi inaalis ang mata sa daan.

"Galit ka pa rin ba?"

Hindi ito sumagot.

Ipinatong niya ang kamay sa hita ng asawa. "Kalimutan mo na lang ang sinabi ni Auntie... Alam mo naman ang matatanda..."

Nakita niya nang gumalaw ang mga kalamnan ng braso nitong nakahawak sa manibela. "H'wag na muna nating pag-usapan. Ayokong pag-usapan," he said in a stern voice.

"Okay... I love you..." aniya sa asawa't hinaplos ang hita nito.

"I love you."

CUS #5: Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon