Chapter 6- Part 2

12 2 0
                                    

Phinex remained lying on the bed for a few moments more.

Binuksan niya ang mga mata't nanatili lang nakatitig sa kisame ng k'warto.

She's been alone there for several hours now. Pero wala pa siyang ganang bumangon.

Sobra siyang napagod nitong mga nakaraang araw. Pakiramdam tuloy niya, mga ilang araw pa bago siya maka-recover.

She laid down on her side. Ngayong mag-isa na siya, makakagalaw na ulit siya nang malaya.

She didn't want to stir any suspicion so she didn't do any move to accomplish something for her assignment.

Isang maling galaw lang kasi, p'wedeng mabulilyaso ang mga plano niya.

So she patiently waited for several days. Mabuti nang matengga siya nang ilang araw masiguro lang niyang hindi siya papalpak.

She lazily got up and stretched her arms. Pagkatapos ay bumaba na siya ng kama.

Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng silid. Tahimik na iyon ngayon. Malayo sa maingay na k'warto noong mga nakaraang araw.

She doesn't mind the silence though. She loves it, by the way.

Naghubad na siya ng pantulog at pumasok sa banyo.

Napatitig siya sa sarili nang mapadaan sa salamin. She turned around to look at her back then turned to face herself in the mirror again.

She didn't know her body would be actually useful in her mission.

Hindi naman niya pinapansin ang katawan noon. Pero ngayon, napagtanto niyang maganda rin pala ang figure niya.

"Still something a man would die for..." aniyang hinawakan pa ang mga dibdib at balakang.

The memories of the past spicy nights flooded her mind.

Pero pilit niya iyong iwinaksi sa isip. What she was then is not the role she has to play now.

Iba ang papel niya kapag kasama ang taong tinatrabaho, iba rin ang papel na dapat niyang gampanan kapag mag-isa na lang siya.

Hindi niya p'wedeng paghaluin ang dalawa. She could get her mission messed up, too...

Tiningnan niya ang tattoo sa likod. Hindi lang sakit ng paglalagay no'n sa katawan niya ang tiniis niya. Tiniis din niya ang mga hirap na dinanas maging ano at sino lang siya ngayon.

Hindi siya naging Head Shooter ng Dosé at naging miyembro ng Nightfall Maidens dahil lang sa ganda.

Kailanman, hindi niya iniasa ang posisyon sa mukha.

She can't take the tattoo off. Marka na iyon ng pagkatao niya.

"But I can hide you..." aniya habang tinitigan ang sarili sa salamin.

Tinanggal niya ang tali ng buhok at naglakad na papunta sa shower room.

She opened the shower and let the water ran down her body.

Ipinikit pa niya ang mga mata para namnamin ang hagod ng maligamgam na tubig sa katawan niya.

Suddenly, the nights with her subject, Klaud, flooded her mind.

"Hindi ka si Teyra... Stop it!" kastigo niya sa sarili gamit ang codename para sa misyong iyon.

But the memories persisted.

Animo'y mga labi ng lalaki ang mga tubig na umaagos sa leeg niya.

Hindi niya napigilan ang pananayo ng mga balahibo. Then, she felt her body searched for him.

"Shit..." mura niyang naikuyom ang mga kamay.

Naramdaman niya ang singsing sa daliri. She removed it from her finger without opening her eyes.

Muntik na siyang makalimot. Hindi nga pala niya p'wedeng isuot iyon habang nasa operasyon siya.

She can't be seen with that ring. Baka iyon pa ang magpahamak sa kanya.

Pansamantala niya iyong inilagay sa patungan ng sabon.

"Maybe that will do..." aniya sa sarili. "There'll be no reminder of him anymore."

She opened her eyes and reached for the shampoo.

Naghuhugas na siya ng buhok nang lumitaw naman sa isip niya ang eksena sa silid kung saan hinawakan ng lalaki ang buhok niya habang nagtatalik sila.

Nasabunutan tuloy niya ang sarili. "Everything? Lahat-lahat na lang magpapaalala sa kanya?" aniya sa sarili.

"Wow, ngayon gan'yan ka mag-react? Samantalang no'ng magkasama pa kayo, kulang na lang gapangin mo siya?" sabi niya rin sa sarili maya-maya.

"Well, we have to admit the asshole is irresistible," sagot niya ulit sa sarili.

Nagbanlaw na siya ng buhok nang mapagtantong parang siraulo siyang nakikipag-away sa sarili.

She took the soap and lather her body.

Pero ang punyemas niyang isip, pinaalala na naman ang mga paghaplos ni Klaud sa katawan niya.

Kung siya si Teyra, matutuwa siyang maalala ang asawa. But she's Phinex now.

And she has a mission to accomplish.

"Tangina ka naman talaga..." aniya sa sarili.

Marami pang alaalang pumasok sa isip niya pero marahas na niyang iwinaksi ang mga iyon.

Kapag bumalik na si Klaud, saka na lang ulit niya gagampanan ang pagiging asawa rito.

For the meantime, she should be nobody else other than Phinex, the Sniper.

Isa pa, tapos na ang honeymoon nila. What's the point of having spicy impulses towards the man?

"Ang lakas mo pang mang-asar sa kaibigan mo, ha..." aniya habang nagbabanlaw ng sarili. "Nawawala ba ako sa sarili no'n? I've been wild in bed with him..."

"Nagtaka ka pa," sagot din niya sa sarili. "Teyra wanted him for long. Malamang magiging bigay na bigay ang babaeng 'yon."

She reached for the towel. "Don't talk like you're two different people, Phinex. Iisa ka lang. Binigyan ka lang ng misyon," aniya sa sarili.

Now with Teyra entering the picture, she became two different women in one body.

"Nahihilo ka na ba sa mga pagkatao mo?" aniya habang nagtutuyo ng buhok. "Ginusto mo 'yan, panindigan mo."

CUS #5: Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon