Nakabusangot ang mukha ni Lamborghini nang makalabas siya sa kotse niya. Iritado niyang sinipa-sipa ang gulong nito. Agad naman siyang sinalubong ni Lotus na walang tigil sa pagtawa.
"Oh, ano? Natikman mo ang lupit ni Zodiac the great." Pangangasar nito.
Hindi umimik si Lamborghini. Patuloy nitong ibinubunton sa kotse ang frustration sa pagkatalo.
"Tama na nga yan, Lambo." Pag aawat ni Lotus.
Nakasimangot na bumaling ng tingin si Lamborghini dito.
"Nakakabwisit lang kasi. Natalo ako ng ganun kabilis ni Zodiac. Ni hindi man lang nag init ang pwet ko sa driver seat."
Ngumisi si Lotus bago pinag ekis ang mga braso.
"Ayon sa tsismis ni Mazda sa akin. Professional racer na daw kasi yon kahit mag di-disinwebe palang. Oh, diba? Ang astig?"
Bakas sa mukha ni Lotus ang pagkamangha sa race driver na si Zodiac.
"Kainis. Sana matalo din ang Ungas na yon." Sabi ni Lamborghini bago ibinaling ang tingin sa akin.
Umiwas ako ng tingin. Itinuon ko ang mga mata ko sa gloves na hawak ko.
"Maserati, kung makalaban mo ang isang yon. Dapat manalo ka, 'ah? Nakakahiya kapag may matatalo pa siya sa atin."
Napabuga ako ng hangin sa narinig tapos ay nag angat ng tingin sa kanya.
"Magaling ang taong yon. Kaya 40/40 lamg ang chance na manalo ako if ever na maglaban kami." Sabi ko.
Napairap si Lamborghini sa isinagot ko bago iiling iling na naglakad palayo. Naiwan naman kami ni Lotus dito sa Underground garage.
"Hindi ako magtataka bakit isa si Zodiac sa napili ni Boss Cosimo na mapasama sa bubuuin niyang grupo. Magaling naman kasi talaga ito." Si Lotus na nasa tabi ko na pala.
Last month pa kumalat ang balita na may bagong grupong ihinahanda si Boss Cosimo para makadagdag sa Death Race. At ayon sa hula ng tsismosong si Mazda. Isa si Zodiac sa magiging members nito.
Sino si Zodiac?
Siya lang naman ang baguhang iregular racer dito sa Death Race na sobrang galing. Kung ikukumpara ang bilis ko sa bilis niya sa pangangarera baka halos 8.5 lang ako. Habang siya ay perfect 10.
Isa ako sa magaling sa Death Race pero aminado akong mas magaling pa din talaga siya sa akin.
Hindi ko pa ito nakikilala ng personal. Nakikita ko lang siya sa malayuan. Ayoko din namang lapitan dahil hindi ako interesadong makilala siya. Tama ng alam kong magaling siya.
"Maserati." Tawag ni Lotus na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
Napakurap kurap ako habang nakatingin sa kanya.
"Ikaw na ang susunod." Sabi niya na agad kong naunawaan.
Tinalikuran ko na siya at isinuot na sa mga kamay ang gloves ko. Madalas akong gumamit nito upang maiwasan ang pagpapawis ng mga kamay ko.
"Goodluck!" Rini kong sigaw ni Lotus.
Hindi ko na siya pinansin pa. Naglakad na ako palapit sa Maserati Mc20 ko. Agad kong binuksan ang pinto nito. Tapos pumasok na sa loob. Binuhay ko ang makina bago pina-andar na papunta sa race track ng Death Race.
Mabilis na lumipas ang oras at natapos ang match ko. Ang ending, nanalo ako.
Muli kong ibinalik ang kotse ko sa Undergound garage. Tapos ay naglakad na ako paalis. Tahimik kong binaybay ang daan patungo sa waiting room. Dahil alam kong naroroon ang ibang kasamahan ko ay doon ako pupunta. Madalas kasi pagtapos ng mga karera sa Death Race ay doon kami tumatambay para mag usap usap.
Actually, sila lang yung nag uusap usap. Hindi ako kasali. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Paminsan minsan nagbibigay ako ng komento pero the rest, sila na ang dumadaldal.
Malapit na sana ako sa waiting room namin nang bigla akong matigilan sa pagsulpot ng tatlong matatangkad na lalaki sa harapan ko.
Pamilyar ang mga ito. Sila yung mga iregular racers ni Boss Cosimo. Napatitig ako dun sa nasa gitna na nakasuot ng face mask. Sa mata palang ay nakilala ko na kung sino ito.
Si Zodiac.
"Good eve, Maserati." Bati nung payatot sa akin.
Hindi na ako nagulat na alam nila ang pangalan ko sa Death Race. Lalo na at kahit paano ay popular din naman ako dito.
"Pwede ka ba namin maistorbo." Sabi naman nitong tayo-tayo ang buhok.
Hindi ako umimik. Papalit palit lang ang tingin ko sa kanilang tatlo.
"Dude, nakakahiya 'to." Bulong ni Zodiac sa payatot niyang katabi.
Kahit bulong yun ay dinig na dinig ko naman.
"Okay lang yan. Ngayon ka pa ba mato-torpe?" Sabi nito na ikina-iling ni Zodiac.
Bahagyang namilog ang singkit nitong mga mata nang bigla siyang itulak palapit sa akin ng dalawang kasama niya. Rinig na rinig ko pa ang kanyang pagmumura.
"Sige na, Dude." Pag uudyok ni Payatot.
"Magsalita ka na." Sabi naman nung taas-taas ang buhok.
Dahan-dahang bumaling ng tingin sa akin si Zodiac. Kahit mata lang ang nakikita ko sa mukha niya. Nahuhulaan kong kabado siya.
Parang tanga lang.
"Umm..." Pagsisimula niya na tila nangangapa ng sasabihin.
Napataas ang isang kilay ko.
"Kung wala kang sasabihin. Umalis ka sa harapan ko." Walang pag anlinlangan kong sabi.
Bahagya siyang napayuko bago hinimas ang batok. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang benda niya sa kanang kamay.
Dahil hindi talaga siya nagsasalita ay plano kong lagpasan nalang siya. Kaya lang baho pa ako makahakbang ay lumapit siya sa akin dahilan para magulat ako. Umatras ako palayo sa kanya.
"I just want to meet you." Paos nitong sabi bago yumuko na naman.
Napakunot noo ako nang makita ang pamumula ng magkabilang tainga niya.
"Ay sus. Sa karera ang astig-astig. Tapos torpe pala sa totoong buhay." Rinig kong komento nung payatot.
Mabilis siyang sinulyapan ni Zodiac. May kung ano itong sinesenyas sa mga kaibigan na hindi ko naman maintindihan. Tapos ay muling bumaling ng tingin sa akin bago tumayo ng tuwid.
Pinilit kong hindi mailang sa presensya niya dahil sa laki ng agwat ng height namin.
"I'm Zodiac. Nice to meet you." Pakilala nito at inilahad sa akin ang kanyang kanang kamay.
Hindi naman ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa kamay niyang mas malaki pa sa akin.
"I'm Maserati." Balik kong pakilala.
Imbes na hawakan ang kamay niya. Yung hintuturong daliri niya ang hinawakan ko bago niyugyog ng dahan-dahan senyales ng pagtanggap ko sa pakikipagkilala niya.
Kaya lang, napaisip ako nang marinig ang pagbungis-ngis niya.
Ano kayang nakakatawa dun?
--------------
(ISANG PAALALA. MARAMING SALITA AT EKSENA SA STORYANG ITO NA HINDI KA-AYA-AYA. PAG UNAWA ANG KAILANGAN. SALAMAT)
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: MASERATI
Teen Fiction"Nonchalant" Yan ang madalas na tingin ni Lotus kay Maserati. Dahil kahit magunaw na ang mundo ay hindi ito magpapakita ng kahit anong ekpresyon. Mananatiling blangko at walang emosyon ang mukha nito. Bukod dun ay napakatahimik nito. Hindi ito magsa...