"Anong eksena yun?" Tanong ni Calvin habang naglalakad kami.Hindi ako umimik. Huminto lang ako sa paglakad. Ganun din naman siya. Napansin kong nandito na kami sa football field.
Dali-dali ko siyang hinila palayo doon kala Zodiac dahil baka kung ano pang magawa nito sa amin. Feeling ko kasi, any moment ay sasabog na sa galit ang isang iyon.
"Bakit mo sinabi sa kanilang tayo na?" Dagdag na tanong niya pa.
Napakamot ako sa kanang sintido ko.
"Kunwari lang yun para masupalpal ko sila. Ang lagay, magpapa-apekto lang ako? Syempre hindi." Paliwanag ko.
Ngumiwi si Calvin.
"Pero Shin, sa ginawa mo. Lalong magagalit sayo si Daisuke. Pati sa akin. Baka bukas hindi mo na akong makitang buhay."
Oa naman nito.
Napailing ako sabay tapik ng isang braso niya.
"Hindi yan. Akong bahala."
Muli siyang ngumiwi.
"Nakita mo ba mukha niya kanina? Halos paglamayan na ako sa isip, 'eh. Goodluck talaga sa akin."
"Naiinis kasi ako. Pinagkakalat nila na malandi ako, mahilig sa lalaki at cheater. Pwes, tutuparin ko ang pagiging delulu nila."
Kumunot ang noo niya sa akin.
"Anong ibig mong sabihin?" Taka niyang tanong.
"Palabasin kong malandi nga ako. Mahilig sa lalaki at dakilang cheater."
Nagsalubong ang mga kilay niya.
"Don't tell me, yan ang paraan mo para mas galitin sila?"
Napangisi ako sa narinig.
"Exactly." Tipid kong sagot.
Ang nakakatangina lang. Halos lahat ng nakapaligid kay Zodiac ay galit sa akin. Sila pa yung mas apektado na kung todo lait sa akin. Ang titindi pa magsalita. Akala mo mga perfect.
"Pero paano yung Jowa mo?"
"Ex jowa." Pagkaklaro ko.
Bahagya siyang natawa sabay tango.
"So, paano nga siya? Mas lalong titindi ang galit niya sayo."
Napailing ako sabay sulyap sa paligid. Dahil lunch break pa ay kaming dalawa lang ang tao ngayon dito. Medyo mataas nga ang sikat ng araw. Pero dahil may puno na naman dito sa gilid namin kaya hindi kami na aarawan.
"Sinabi ko sayo, diba? Tapos na akong magmakaawa sa kanya. Dalawang araw ko din siyang iniyakan. Tama na yun. Dahil siya naman ang magmamakaawa sa akin kapag napatunayan kong mali sila ng ibinibintang."
Iyon ang goal ko ngayon.
Maklaro ko ang pangalan ko, hindi lang kay Zodiac. Pati na din sa lahat ng alipores niya dito sa school. Pagtapos nun, sure akong magmamakaawa sa akin ang Ungas para magbalikan kami.
Gusto kong makitang bawiin niya lahat ng masasakit na salitang sinabi niya sa akin. Dahil deserved ko ng proper apology. At syempre ng matinding suyuan. Pahihirapan ko talaga siya. Kailangan lumuhod siya sa asin habang nanghihingi ng tawad sa akin.
Lihim akong napailing sa kabaliwang naiisip.
"Kaya ba, pinatitignan mo sa akin yung dalawang tropa ni Renzo? Pinaghihinalaan mo ba sila?"
Tumango ako.
"Hindi lang sila. Pati mismo si Renzo."
Napakurap kurap siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: MASERATI
Teen Fiction"Nonchalant" Yan ang madalas na tingin ni Lotus kay Maserati. Dahil kahit magunaw na ang mundo ay hindi ito magpapakita ng kahit anong ekpresyon. Mananatiling blangko at walang emosyon ang mukha nito. Bukod dun ay napakatahimik nito. Hindi ito magsa...