"Anong nangyari, Maserati? Palagi ka na yatang natatalo?" Bungad na tanong ni Mclaren nang makababa ako ng kotse ko.Katatapos lang ng match ko at sadly, natalo ako. Pero ayos lang. Wala din naman talaga ako sa kondisyon ngayon kaya aminado akong hindi ko binigay ang best ko.
"May sakit ka pa ba? Dapat hindi ka muna pumasok ulit?" Patuloy ni Mclaren.
Napahikab ako sa napakaraming tanong nito.
"Ayos na ako. Sige na. Goodluck sa match mo." Sabi ko at nagmartsa na paalis.
Pero hindi pa ako tuluyang nakakalayo. Tinawag niya ako kaya napahinto ako. Tinatamad na nilingon ko siya.
"Four days nalang bago ang big match natin sa Tiago Rios. Umayos ka. Kailangan nating manalo." Paalala nito.
Alanganin akong tumango sabay talikod na. Dire-diretso na akong naglakad palabas ng underground garage. Tahimik kong binaybay ang napahabang hallway na ito patungo sa elevator.
Speaking of big match namin sa Tiago Rios. Halos apat na araw nalang magaganap na ito. Ewan ko kung anong mangyayari sa amin ni Zodiac sa araw na yun. Wala ako sa kondisyon dahil sa dami ng iniisip ko nitong mga nakalipas na araw.
Bahala na kung matalo o manalo.
Hindi naman siguro magagalit ng sobra si Boss Cosimo kapag natalo kami ni Zodiac. Sure akong may mananalo kahit isa man lang sa pair na lalaban sa linggo.
Pero kaming dalawa ni Zodiac? Malabo kaming manalo. Tulad ko, mukhang lutang din ang isang 'yon ngayon.
Agad kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko. Mabilis akong nagtipa ng message para kay Zodiac.
- Nasaan ka na? Mag usap tayo.
Base sa schedule na nakita ko. Kanina pang alas otso ang oras niya sa Death Race. Meaning, kanina pa siya tapos. Dahil malapit ng mag alas dyes ngayon.
Hindi ko na hinintay pa ang reply niya. Nagpatuloy na ako sa paglakad hanggang sa makauwi ako sa HQ. Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong naligo at nagbihis ng damit pang tulog. Nang matapos ay sumampa na sa kama. Dinampot ko ang cellphone sa gilid ng unan ko. Nadismaya ako nang nakitang wala pang reply si Zodiac sa text ko.
Nasaan na ba ang isang 'yon?
Mukhang wala siyang balak na makipag usap sa akin ngayon. Itutulog ko nalang ito.
Muli kong inilapag sa gilid ng unan ang cellphone ko sabay higa na sa kama. Akmang ipipikit ko na ang mga mata ko nang biglang may kumakatok sa pinto. Napabalikwas tuloy ako ng bangon.
"Sino yan?" Tanong ko sa malakas na boses.
"Boyfriend mo." Sagot nito.
Nakaramdam ako ng inis sa narinig. Umaayos ako ng upo sabay buga ng hangin.
"Pasok ka!" Sigaw ko.
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at iniluwa nun si Zodiac. Muli nitong isinarado ang pinto bago naglakad palapit sa akin.
"Sorry sa istorbo. Matutulog ka na ba?"
Umiling ako.
"Saan ka galing? Kanina pa kita tine-text. Hindi ka nagrereply." Bungad ko.
Ngumiti siya ng tipid sabay upo dito sa gilid ng kama ko. Agad kong na amoy ang pamilyar niyang pabango.
Napatitig ako sa suot niyang polo-shirt at pants na black. Pati sapatos niya, black pa din. Tapos naka-wax ng maayos ang buhok niya.
Mukhang siyang galing sa party.
"Umuwi ako sa amin. Nagkaroon ng problema kaya hindi ako nakareply sayo."
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: MASERATI
Teen Fiction"Nonchalant" Yan ang madalas na tingin ni Lotus kay Maserati. Dahil kahit magunaw na ang mundo ay hindi ito magpapakita ng kahit anong ekpresyon. Mananatiling blangko at walang emosyon ang mukha nito. Bukod dun ay napakatahimik nito. Hindi ito magsa...