Ito na ang araw na pinaka-hihintay ng lahat. Ngayon na magaganap ang laban namin sa Tiago Rios. Dahil mahalagang event ito para sa Death Race. Pinagsama ni Boss Cosimo ang Expedallion Crusader at Bastard Devils. Ito ang unang pagkakataon na magiging mag partner ang tig-isang members ng bawat grupo para sa isang match. Medyo nakaka-excite na nakaka-kaba dahil na nananatili akong lutang.As in, wala ako sa kondisyon. Hindi ko magawang ituon ang isip ko sa match mamaya. Bahala na si Lord sa akin.
Dahil tanghali naman na. Dumiretso na ako sa Dining room para kumain. Nakakagulat nga na wala ibang miyembro ng Expedallion akong nakita. Ako lang talaga nag iisa ngayon. Mukhang busy pa sila.
Napapadalas nga ang pag iisa ko dito. Madalas wala akong kasabay. Buti nga kaninang umaga ay nagkasabay kami ni Bugatti para sa agahan. Pero ngayon, mag isa na naman ako.
Okay lang. Sanay naman na.
Agad na akong inasikaso ng mga staff para ipaghanda ng makakain. Kasabay ng panananghalin ko ay panay ang sulyap ko sa cellphone kong nasa tabi ng plato ko. Hinihintay ko kung magrereply si Zodiac sa chat ko.
Kagabi ko pa siya chinachat at tine-text pero hindi niya ako nirereplayan. Galit nga yata talaga.
Nang makauwi ako dito sa HQ kagabi ay hindi ko na namataan si Zodiac. Nitong mga nakaraan, sumasaglit yan sa kwarto ko para icheck kung matutulog na ako. Pero kagabi walang Zodiac na nagpakita. At hindi nga niya ako nirereplayan.
Shit na yan.
Mababaliktad pa yata ang sitwasyon. Dapat siya ang sumusuyo sa akin dahil sa dami ng kasalanan niya. Ngayon ay mukhang ako pa ang susuyo. Bakit nga ba siya galit? Dahil narinig niyang kasama ko si Levi? Dahil hindi ako nagpaalam na aalis ako at pupunta ako kay Calvin?
Kainis naman. Ang arte niya.
Napatigil ako sa pagnguya nang maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko. Pagbaling ko ng tingin dito ay nakita ko sa screen na tumatawag ang hindi pamilyar na numero.
"Sino 'to?" Tanong ko sa sarili.
Agad kong dinampot sa lamesa ang cellphone ko tapos ay sinagot na ang tawag. Dahil wala akong ideya kung sinong tumatawag ay hinintay ko munang magsalita kung sino man ang nasa kabilang linya. Pero lumipas na yata ang ilang minuto. Wala namang nagsasalita.
"Hello? Sino ba 'to?"
Walang sumagot sa kabilang linya kaya balak ko na sanang patayan ng tawag pero natigilan ako nang marinig ang malutong na tawa nito.
"U-uncle?" Nauutal kong sabi.
Mas lalo itong natawa dahilan para mas humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko.
"Namiss mo yata ako. Kabisado mo pa din ang boses ko."
"Fuck you ka. Sinong hindi makakalimot sa boses mong hayop ka."
Naramdaman ko agad ang iritasyon sa kausap. Dagdag pa dyan ang pagkabalisa ko dahil alam ng Gagong ito ang cellphone number ko.
"Paano mo nalaman ang number ko? At bakit mo ko tinawagan? Kapal din talaga ng mukha mo." Sabi ko pa.
Patuloy siyang natawa kaya mas lalo akong naiirita.
"Lahat kaya kong gawin makausap ka lang. Dahil namimiss kita. Hindi mo ba ako namiss? Lalo na yung paglalarong ginagawa natin noon?"
Halos masuka ako sa narinig.
"Gago! Sinong makakamiss sayo? Huwag kang umasa na magpapauto pa ako sayo."
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: MASERATI
Teen Fiction"Nonchalant" Yan ang madalas na tingin ni Lotus kay Maserati. Dahil kahit magunaw na ang mundo ay hindi ito magpapakita ng kahit anong ekpresyon. Mananatiling blangko at walang emosyon ang mukha nito. Bukod dun ay napakatahimik nito. Hindi ito magsa...