Seloso, clingy at may pagka-possessive. Iyan ang mga napansin ko sa ugali ni Zodiac. Na medyo hindi ko gustong ipinakikita niya ngayon lalo na at wala naman kaming relasyon para maka-asta siya ng ganun.
Pero nang kumprontahin ko naman siya tungkol dun. Na guilty naman ako dahil mukhang nasaktan siya.
Ngayon ay napasubo pa ako. Dahil nagawa ko siyang imbitahan para makipag-date. At ang gago, pumayag agad. Tuwang tuwa pa.
Napaisip tuloy kung anong mangyayari sa linggo. Wala nga akong ideya kung paano makipag-date dahil never ko pa naman yung ginawa.
Kainis. Bahala na nga.
Napatigil ako sa pag iisip kay Zodiac nang saktong pagbaba ko ng motor ko ay natanaw ko si Riley at Renjie na palapit sa akin.
"Tara sa Cefeteria, Shin. Sagot ko na." Pag aalok ni Renjie na agad ko namang tinanguan.
Walang imik akong sumunod sa kanila ni Riley. Hanggang sa nakarating kami sa Cafeteria at as usual, walang ibang gaanong customer dito ngayon dahil nga maaga pa. Kaming tatlo lang talaga yung madalas tumambay dito kapag ganitong oras.
Agad bumili si Renjie ng kakainin namin. Kami naman ni Riley ay magkatabing hinihintay siya.
"Ayos ka lang ba Shin?" Tanong nito.
"Oo. Sinabi ko na, diba? Hindi ako pumasok dahil tinamad lang ako."
Hindi kasi sila naniniwala ni Renjie sa simpleng dahilan ko. Baka daw may sakit ako o may emergency na nangyari kaya hindi ako nakapasok kahapon.
"Naninigurado lang." Sabi niya at ibinalik ang tingin sa hawak na cellphone.
Nang makabalik si Renjie ay may dala na itong isang tray na may tatlong bote ng juice at tatlong mangkok na may lamang sopas yata 'to.
Dali-dali na akong kumain dahil hindi ako nag agahan sa HQ. Buti na nga lang at hindi sumabay sa akin si Zodiac ngayon kaya matiwasay sa pakiramdam akong naka-byahe.
Nakatanggap ako ng chat dito na male-late daw siya ng pasok kaya nga mag isa ako ngayon.
Kung anong dahilan niya. Iyon ang hindi ko alam.
"Insan, kumain ka muna. Ibaba mo muna yang cellphone mo." Utos ni Renjie kay Riley.
Ngumiwi si Riley.
"Nag cha-chat kasi si Jolo na nasa school na daw siya."
Sumimangot si Renjie.
"Jolo na naman? Sabi sayo, tigil-tigilan mo yan. Masasaktan ka lang dyan."
Tumaas ang isang kilay ni Riley dito.
"Inggit ka lang." Pangangasar nito habang nakangisi.
"Inggit? Hindi din, 'no. Lalo na poser naman yan."
Napailing iling ako habang nakatingin sa kanila. Ang aga-aga, pinag aawayan na naman nila ang kachat-mate ni Riley.
"Wala pa ba siyang planong makipagkita sayo?" Naisip kong itanong kaya napatingin silang dalawa sa akin.
"Busy pa siya, 'eh." Sagot ni Riley.
"Paano makikipagkita. Poser nga." Si Renjie na pilit ipinagduduldulan na poser ang kachat mate ni Riley.
Ito na naman si Renjie. Kahapon pa sa gc naming tatlo ay pilit niyang sinasabi kay Riley na poser lang ang kachat nito kaya huwag daw itong masyadong mainlab dun sa tao. Dahil sa bandang huli, masasaktan lang si Riley.
Ang tanong, hindi ko alam bakit na sabi ni Renjie na poser ang kachat ni Riley sa fb.
"Hindi nga siya poser. Ikaw, 'ah. Nakakainis ka na. Parang hindi ka naniniwalang may magkaka-crush sa akin na pogi."
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: MASERATI
Teen Fiction"Nonchalant" Yan ang madalas na tingin ni Lotus kay Maserati. Dahil kahit magunaw na ang mundo ay hindi ito magpapakita ng kahit anong ekpresyon. Mananatiling blangko at walang emosyon ang mukha nito. Bukod dun ay napakatahimik nito. Hindi ito magsa...