CHAPTER 17

424 14 0
                                    

Dalawang araw buhat nang mangyari yung kagaguhang ginawa ni August sa akin. Pinakiusapan ako ni Cyber na huwag ko na daw sabihin kay Boss Cosimo ang tungkol dun. Siya na daw bahala kay August. Sisiguraduhin niyang hindi na ito makalalapit sa akin kahit pa magkasama kami sa trabaho.

Dahil ayoko ng ma-stress pa. Pumayag nalang ako. Tutal, kahit paano ay naawa ako kay August. Malamang, matanggal siya sa trabaho. Bukod dun, sure akong babasagin ng mga kasamahan ko ang mukha niya sa oras malamanng ng mga ito ang nangyari sa akin.

Sa ngayon ay back to normal ako. Maayos ang relasyon namin ni Zodiac kahit hindi pa kami legal sa marami. Ang mahalaga ngayon, nagkakaunawaan kami.

"Binugbog ni Zodiac si August?" May pagkagulat na bulalas ni Ford.

Agad na tumango si Lotus.

"Iyon ang narinig kong kwento ni Yohan kay Mclaren kanina lang."

Hindi naman ako umimik. Patuloy ko lang inuubos ang mainit na cereal sa mangkok ko.

Kasalukuyan akong nandito sa dining room namin sa HQ para mag almusal. Wala sana akong balak kumain dahil manglilibre naman si Riley sa Cafeteria kapag pumasko na ako. Kaya lang, nagising ako na kumalam ang sikmura ko.

Paano ba naman. Hindi na kami kumain ng dinner ni Zodiac. Basta natulog nalang kami.

Hindi ko mapigilang matuwa kapag naiisip na natulog siya kagabi sa kwarto ko at magkatabi kami. Take note, magkayakap pa. Ang sarap niyang kayakap. Although, ang tigas ng mga braso niya. Pero masaya ako kasi feel ko na safe ako basta kasama ko siya. Tapos ang bango pa niya.

Amoy na amoy ko yung sabon at shampoo ko sa kanya. Doon kasi siya naligo. Suot niya nga yung pink na pajama ko.

Awa naman ng diyos. Wala namang nangyari sa amin. Hanggang kiss lang kami. Peroang lakas ng impact ng kiss na yun. Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan.

Tangina kasi. Ang ekspert niya humalik. Nadadala ako kaya heto nasasanay na ako.

Sa tindi niyang humalik. May sugat nga yung labi ko ngayon. Ang gago. Kinagat ako ng dalawang beses. Nang tanungin ko kung anong dahilan.

Sagot ba naman sa akin "Sorry, nakakagigil ka kasi."

Shit na yan.

"Buti nga sa kanya. Remember, yung ginawa niya kay Lambo?" Sabi Ford na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"Ang kwento ni Yohan. May ginawa daw si August na labis na ikinagalit ni Zodiac kaya yun, na sampulan." Patuloy na paglalahad ng tsismis ni Lotus.

Napatingin ako sa kanilang dalawa. Magkatabi silang nakaupo sa tapat ko.

Kapag ganito talagang magkasama sila ay hindi pwedeng hindi sila magtsi-tsismisan.

"Ano kayang ginawa ni August, 'no? Kasi diba, magka-grupo sila. Tapos mag aaway ng ganun." Si Lotus pa din na dakilang marites na.

"Maloko kasi yang si August. Napikon siguro si Zodiac." Sabat ko kaya napatingin sila sa akin.

Ngumiwi si Lotus.

"Mahirap pala pikunin si Zodiac. Magaling sa suntukan." Natatawang komento niya.

Nakita kong napangisi si Ford bago sumandal sa kinauupuan. Ipinagsaklop pa nito ang dalawang kamay na nakapatong sa lamesa.

"Hamunin ko kaya ng away ang isang 'yon. Titignan ko kung sino mas magaling sa amin." Sabi nito.

Mabilis na umiling si Lotus.

"Huwag na. Gaga ka ba? Black belter yata sa taekwando 'yon. Tapos mahilig pa sa boxing at muay thai. The best 'yon si Zodiac." Pagsasalaysay nito.

Naningkit naman ang mga mata ko. Sa mukha ni Lotus na manghang mangha kay Zodiac ay tila may pagtingin siya dito.

Expedallion Crusader: MASERATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon