CHAPTER 44

205 11 1
                                    


Hindi ko mapigilang mapangiwi habang nakatingin kay Lambo na ngayon ay tawa nang tawa. Nakaupo pa siya sa mismong tapat ko kaya rinig na rinig ko ang boses niyang nakakairita.

Wala akong ideya kung bakit siya ganyan. Basta hawak niya ang cellphone niya. Tapos may kung ano siyang tinitignan dito. Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa pananghalian ko dahil sa kanya. Ang malas kasi bakit siya pa ang nakasabay ko kumain ngayon.

Hindi ko alam kung saang lupalop naroon ang ibang kasamahan namin o kahit yung mga miyembro ng Bastard Devils. Busy siguro magpractice lalo na at sabado ngayon at pare-pareho kaming walang pasok. Ewan ko nalang dun sa mga college na. Minsan kahit sabado may pasok sila.

Nang muling lumakas ang tawa ni Lambo ay napailing nalang ako. Tapos itinuon ang tingin sa plato kong mauubos na ang laman. Kaya nagpatuloy na ako sa panananghalian.

Nang tuluyan kong maubos ang kinakain ko ay agad kong kinuha sa bulsa ng pants ang cellphone ko. Chineck ko kung may reply na si Zodiac sa mga chat ko.

Pero wala pa din. As in, nganga.

Inis na inilapag ko ang cellphone sa lamesa dahilan para mapatingin sa akin si Lambo.

"Inis ka na, 'no? Mukhang hindi pa nagreply si Zodiac sayo. Tama ba?"

Hindi ako umimik. Tumango lang akl dito.

Lintik na Zodiac kasi 'to. Hindi nagrereply sa mga chat ko. Kanina pa yan. Nang subukan ko naman siyang tawagan. Hindi din sinasagot. Mukhang busy.

Kaninang umaga pagkagising ko. Nakatanggap ako ng chat sa kanya na aalis daw siya. Nang replayan ko para itanong kung saan siya pupunta. Sagot ba naman, kay Riley daw. Syempre, ako na curious. Tinanong ko ulit kung bakit niya pupuntahan ang demonyitang bading na iyon. At hayun, hanggang ngayon wala pa din siyang reply.

Dun palang sa chat nyang pupuntahan niya si Riley. Nayayamot na ako agad sa sarili ko. Dahil nakukutuban kong para sa akin ang ginagawa niya ngayon. Hula ko, may hininging pabor sa kanya si Riley kaya sila magkikita.

Kainis.

"Sabi sayo may date yata si Zodiac. Kasi nagmamadali, 'eh." Sige pang daldal ni Lambo.

Inis na napairap ako dahilan para matawa siya. Pagdating ko palang dito sa dining room kanina. Agad niyang kinuwento na nakita niya nga si Zodiac na umalis kanina. Hula niya makikipag-date daw ito.

"Selos ka, 'no? So, tama ang hula ko na may feelings ka sa kanya?"

Bahagyang namilog ang mga mata ko kaya muli siyang natawa.

"Sus, Maserati. Mukha lang akong walang pakialam sa mga taong nasa paligid ko. Pero alam na alam ko ang mga nangyayari sa inyo."

"Malamang, tsismoso ka 'eh." Diretsahang sabi ko.

Napailing siya sabay titig ulit sa cellphone na hawak.

"Aminado akong mahilig ako sa tsismis. Pero mabilis ko kasi kayong mabasa."

Napabuga nalang ako ng hangin.

"Oh tapos?"

"Wala naman. Nakakatawa lang na nagkagusto ka sa kanya. I mean, wala akong pakialam kung bading ka din. Pero bakit si Zodiac?"

Peke akong natawa sa nakakalokong tanong niya.

"Malay ko. Hindi ko alam. Basta ko nalang naramdaman. Diba? Ganun naman talaga kapag unexpected?" Paliwanag ko.

Tama. Wala naman sa plano kong mainlab sa Ungas na 'yon. Lalo na may pagka-red flag ang ugali nung time na nagka-issue kami. Hindi ko talaga alam. Basta napagtanto ko nalang na gusto ko siya. Actually hindi na nga gusto lang.

Expedallion Crusader: MASERATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon