Hindi dininig ni Lord ang dasal ko na huwag sanang si Zodiac ang i-partner sa akin. Dahil sa kamalas-malasan. Kaming dalawa ang pinili ni Boss Cosimo bilang magkapartner.
Ang saya.
Nang malaman ko mula kay Miss Karin na si Zodiac nga ang ipapartner sa akin ay agad akong nagreklamo.
"Hindi po ba pwedeng iba nalang? Huwag lang si Zodiac."
Agad naningkit ang mga mata niya sa akin.
"Bakit ayaw mo ba sa kanya?"
Sandali akong natigilan.
"Gusto ko lang po sana iba. Masyadong magaling si Zodiac para sa akin. Baka pangit ang maging combination kapag kami ang nag tandem." Paliwanag ko.
Sinimangutan ako ni Miss Karin dahilan para kabahan ko. Baka sabihin nito ay marunong na akong magreklamo ngayon.
"Maserati, si Boss Cosimo ang pumili sa mga magiging magkapartner. Ang lahat ng desisyon niya ay nararapat na sundin. Siguro nakita niyang baka may chemistry kayo ni Zodiac as duo sa race. Respetuhin mo nalang yun at huwag ka na magreklamo." Mahabang litanya nito.
May chemistry daw kami as a partner sa race.
Talaga ba?
"Akala mo ba, hindi ko alam na magkaaway daw kayo ni Zodiac. Kaya ba ayaw mo siyang maging partner?" Biglang tanong nito.
Nanatili akong hindi umimik. Ayoko ng magsalita pa. Lalo na at nakasagap na siya ng tsismis mula kay Mazda.
"Sige po, mauna na ako." Paalam ko bago naglakad na palabas ng opisina niya.
Katatapos lang ng match ko kaya dito ako dumiretso sa kanya. Akala ko kapag nagreklamo ako ay baka pagbigyan niya ako.
Pero hindi.
Sabagay, si Boss Cosimo daw ang pumili na pagsamahin kami ni Zodiac as team. So, hindi talaga ako pwedeng mag reklamo dun. Kailangan kong sumunod.
Okay lang naman sana sa akin. Kaya lang, galit sa akin ang Ungas na 'yon. Paano kami makakabuo ng magandang chemistry sa karera kung may issue kami?
Bahala na nga. Siguro naman mapipilitan siyang pakisamahan ako dahil utos yun ng Boss namin. Tulad ko, wala din siyang magagawa.
May two weeks pa naman bago ang laban namin sa Tiago Rios. So, mahaba-habang pagsasanay pa ang magagawa namin.
Sa ngayon, kailangan ko muna siyang kausapin para ipaalam na kami ang magka-partner. Although, mukhang alam na din naman niya ang tungkol dito pero mas magandang mag usap kami.
Agad na akong naglakad patungo sa garage nila. Sa pagkaka-alam ko. Siya ang sumunod sa akin na sumalang sa karera. Kaya doon ko siya a-abangan sa garage nila tulad ng ginawa ko nung araw na kinausap ko siya.
Nang makarating doon ay natanaw ko naman agad si Zodiac. Kaya lang, may kausap siyang babae.
Napahinto tuloy ako. Tinitigan kong mabuti yung babaeng kausap niya. Ngayon ko lang ito nakita. Agad kong nahulaan na baka may mataas na posisyon ito sa Death Race kaya malaya siyang nakakapunta dito sa garage nila Zodiac.
"Maserati." Rinig kong tawag ng kung sino.
Napalingon ako at bumungad sa akin si Four na nakatayo na pala sa tapat ko.
"Napasyal ka dito? May kailangan ka ba kay Zodiac?"
Hindi ako nakasagot. Nagtataka ako bakit tila ang bait niya sa akin. Dapat magalit din siya tulad ni Cyber. Dahil niloko ko nga daw si Zodiac. Imposible namang hindi alam nito ag nangyaring paghihiwalay namin ng kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: MASERATI
Teen Fiction"Nonchalant" Yan ang madalas na tingin ni Lotus kay Maserati. Dahil kahit magunaw na ang mundo ay hindi ito magpapakita ng kahit anong ekpresyon. Mananatiling blangko at walang emosyon ang mukha nito. Bukod dun ay napakatahimik nito. Hindi ito magsa...