"Anyare sa ilong mo?" Nakangiwing tanong ni Mclaren nang makababa ako sa kotse ko.
Katatapos lang ng match ko at siya ang susunod sa akin kaya nga naghihintay siya dito sa underground garage.
"Nakipag-away ka ba?" Dagdag niyang tanong.
"Hindi, 'ah. Na disgrasya lang." Sagot ko at marahang kinapa ang bandage sa bandang taas ng ilong ko.
Buti nga at tumigil na sa pagdurugo yung mismong butas ng ilong ko. Ngayon ay yung pamamaga nalang ang ini-inda ko.
"Sige na. Magpahinga ka na. Mukha kang ina-antok." Sabi niya at nilagpasan na ako.
Mukha daw akong ina-antok? Eh ganto naman talaga ang mga mata ko.
Iiling iling na naglakad ako palabas ng underground garage. Hindi pa ako tuluyang nakakalayo ay bigla kong nakasalubong si Cyber. Akala ko lalagpasan ako nito pero hindi. Humarang ito mismo sa daraanan ko kaya napahinto ako.
"Pwede ba tayong mag usap?"
Kahit walang ideya sa kung anong sasabihin niya ay tumango lang ako bilang pagpayag.
Nagtungo kami sa silid kung saan una ko silang nakita. Ito yung tambayan nila. Nakaramdam ako ng pagkailang ngayong walang ibang tao dito maliban sa amin. Tapos grabe pa siya makatitig. Para niya akong inu-usig.
Nakaupo siya sa kabilang sofa na nasa tapat ko lang.
"Tatapatin na kita. Hindi ko alam kung anong nakita ni Shin sayo. Pero dahil magkaibigan kami ay susuportahan ko siya. Gayunpaman ay gusto kitang balaan."
Mayabang itong dumekwatro ng upo.
"Balaan saan?" Inosente kong tanong.
Ngumisi siya.
"Maserati, kapag nagmamahal yang si Zodiac. All out yan. Lahat ibibigay niya. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Kaya sana lang, kung may iba ka ng nagugustuhan. Sabihin mo agad sa kanya. Huwag mo siyang paasahin. Ayoko siyang masaktan."
Hindi ko gusto ang tono ng pananalita niya.
"Wala akong nagugustuhan. Hindi ko nga alam kung paano magkagusto. Ni wala nga akong crush."
Napatango tango siya bago ngumiti ng tipid.
"Good. Dahil kung meron man. Kailangan niyang magtago."
Napalunok ako bigla. Napansin ko ang pagseryoso ng mukha niya.
"At bakit?" Naisip kong itanong.
Nanatili ang ngisi sa kanyang labi.
"Kaya niyang manakit ng ibang tao. Huwag lang maagaw sa kanya ang taong mahal niya."
Kumabog ng mabilis ang puso ko dahil dun. Naalala ko ang sinabi ni Mazda sa akin nung isang araw.
"Bakit mo sinasabi sa akin 'to?" Taka kong tanong.
"Of course, para aware ka kung gaano siya ka possessive at ka-teritorial pagdating sayo. So, be careful sa mga taong makakasalamuha mo."
Halata mong nanakot siya.
Pero ngayong nalaman ko ang tungkol sa ganitong ugali ni Zodiac ay hindi ko maiwasang mag alala.
"Wala ka na bang sasabihin?" Panibago kong tanong.
Umiling siya habang nakangiti.
"Kung ganun, alis na ako." Paalam ko at tumayo na sa sofa.
Naglakad na palabas ng silid na yun. Agad na akong sumakay ng elevator para tumungo sa kwarto ko. Gusto kong matulog ng maaga.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: MASERATI
Teen Fiction"Nonchalant" Yan ang madalas na tingin ni Lotus kay Maserati. Dahil kahit magunaw na ang mundo ay hindi ito magpapakita ng kahit anong ekpresyon. Mananatiling blangko at walang emosyon ang mukha nito. Bukod dun ay napakatahimik nito. Hindi ito magsa...