CHAPTER 18

239 12 8
                                    

Ayaw ni Zodiac na sumama ako kay Riley sa party ni Renzo. Kasi nga naman, obviously nandun si Levi. Matapos ang ginawa sa akin ng gagong 'yon malamang galit sa kanya si Zodiac.

Saka, ngayong alam kong may gusto itong si Levi sa kanya. Sure akong galit ito sa akin. Kaya worried nga si Zodiac na baka kung anong gawin nito lalo na at hindi naman kami madalas magkasama.

Nauunawaan ko naman yun. Pero nangako na ako kay Riley na sasama ako sa kanila. Sinabi naman niya sa akin na hindi kami magtatagal sa party kaya wala akong dapat ipag-alala at kung sakaling makita namin si Levi doon ay agad naming iiwasan. Gayunpaman, nag a-alala ako.

Alam kong magagalit sa akin si Zodiac. Pero pag uwi nalang siguro ako magpapaliwanag.

Ang bilis nga ng araw dahil ngayong gabi na ang party ni Renzo.

Ayos nga dahil pang alas dyes ang schedule ni Zodiac. Samantalanga ako, kanina pang alas syete natapos.

Sabi ni Riley ay saktong 8:30 daw kami aalis. Susunduin nila ako dito sa mismong tapat ng Death Race. Kaya habang wala pa sila ay nagpapalipas muna ako ng oras. Nandito nga ako sa waiting room kasama si Bugatti, Ford, Lotus at Mazda.

Magkatabi kami ni Bugatti habang si Lotus, Ford at Mazda naman ay nasa kabilang sofa. Busy sila manuod ng nagaganap na laban ni Zero ng Bastard Devils. Habang naka-antabay naman sa underground garage si Mclaren dahil siya na ang susunod dito.

Nakatuon ang tingin ko sa cellphone kong hawak. Kanina pa kasi text nang text itong si Zodiac. Kahit tinatamad akong replayan ay no choice ako para hindi siya makahalata na lalabas ako ng Death Race mamaya.

Huwag lang sana niya akong hanapin. Dahil kapag nagkataon patay ako.

"Maserati!"

Bahagya akong nagulat sa sigaw na iyon ni Bugatti sa tabi ko. Naningkit ang mga mata ko sa kanya.

"May tinatanong si Lotus." Sagot nito bago kinagatan ang hotdog na nakatusok sa tinidor nitong hawak.

Agad kong ibinaling ang tingin ko kay Lotus na nakakunot noo sa akin. Pansin kong naging si Mazda ay nagtataka sa akin. Si Ford naman ay nanatili ang tingin sa TV.

"Ano ba 'yon?" Tanong ko.

Ngumiwi si Lotus bago maarteng pinag ekis ang dalawang binti. Mula sa kinauupuan ay kitang kita ko ang mapuputi niyang hita.

Gusto kong maduwal dahil dun. Nag ga-ganda-gandahan ang Gaga.

"Sabi ko, anong meron sa inyo ni Zodiac at bakit laman kayo ng tsismisan nila Mcqueen."

Napailing ako sa kanyang sinabi.

"Friends na kami, diba? Siguro nagtataka lang yung mga kasamahan nila bakit bigla kaming naging close." Paliwanag ko.

"Ah, ganun ba. Kala ko may something kayo 'eh," Sabi nito habang natatawa.

Dakilang marites itong si Lotus kaya kung ano man ang usapan o kwentuhan na meron ang mga Bastard Devils ay agad niyang kinukwento sa amin.

Nakikipagclose siya sa mga 'yon para makasagap ng tsismis.

"Kung may something kami. Ano na naman sayo?" Walang preno kong sabi.

Napahagalpak na naman ng tawa si Lotus. Nakita ko namang nakangisi na si Ford sa akin. Habang si Mazda ay tahimik lang.

Ito namang si Bugatti ay papalit palit ang tingin sa aming dalawa ni Lotus.

"Easy, Dude. Ayos lang sa akin kung anong meron sa inyo. Sadyang curious lang ako dahil kayo ang madalas na topic nila Mcqueen." Seryosong paliwanag ni Lotus.

Expedallion Crusader: MASERATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon