CHAPTER 19

314 15 2
                                    

Mahigit dalawang oras na yata akong umiyak kaya ramdam ko na yung pagod. Namamaga na nga ang mga mata ko. Ang nakakatawa lang, hindi ako nakakaramdam ng gutom. Dala siguro ng pag iisip kung paano ko kakausapin si Zodiac. Kailangan niyang makinig sa paliwanag ko dahil mali siya ng iniisip tungkol sa amin ni Calvin.

"Shin, kain ka na muna." Pag aya ni Riley at naglapag ng mga pagkain sa lamesa na nasa tapat ko.

Umiling ako.

"Wala akong gana."

Nandito ako sa bahay ni Riley. Kasama syempre si Renjie. Matapos ang eksena sa bahay ni Renzo ay dito nila ako dinala para makausap. Ikinuwento ko naman sa kanila ang lahat ng nangyari. Dahil nagtataka sila bakit nga ako umiiyak.

"Hindi talaga yan makaka-kain dahil sa nangyari." Sabi ni Renjie na nasa kanang gilid ko. Nasa tapat naman namin si Riley.

"Sige nga. Isa-isahin natin ang kaganapan kagabi ng maliwanagan tayo." Pag uumpisa ni Riley.

Napabuga ako ng hangin sabay sulyap sa cellphone kong nasa lamesa. Sandmak-mak na sinend kong text kay Zodiac pero ni isang beses ay wala siyang nireplayan. Expected ko naman na ito dahil galit siya. Malamang, talagang iiwasan niya ako.

Pero ang sakit lang isipin na dine-dedma niya na ako ngayon.

"Sabi mo sa kwento mo. Nakaramdam ka ng pagkahilo matapos mong inumin yung juice na ibinigay ni Calvin?"

Tumango ako bilang sagot kay Riley.

"Sure ka bang juice yun? Baka naman kasi alak. Dahil hindi ka mahihilo sa juice lang. Unless kung may inilagay na something dun." Dagdag pa nito.

Napatitig ako sa kanya.

"Sigurado akong juice yun. Kakaiba nga lang ang flavor dahil lasa siyang apple pero mapait." Paliwanag ko.

Napailing naman si Renjie.

"Teka, hindi ko ma-gets yung kinuwento mo na binigay yun sayo ni Calvin. Alam niya kung nasaan ka?" Tanong naman nito.

Naningkit ang mga mata ko nang biglang may maalala.

"Ang sabi niya, nakita ka daw niya. Inutos mo daw na ibigay sa yun sa akin."

Namilog ang mga mata niya sa paliwanag ko.

"Huh? Ako nag utos? Oo nga at nagkita kami dun sa party pero hindi kami nag usap. Dahil hinatak na ako palayo ni Timmy." Paliwanag niya.

Napapikit ako nang mariin sabay himas ng magkabilang sintido ko. Muli kong naramdaman ang pagsakit ng ulo ko.

"Ibig sabihin, nagsinungaling sayo si Calvin." Rinig kong sabi Riley.

Napamulat ako dahil dun.

"At mukhang may gamot yung juice kaya ka nahilo at nakatulog." Segunda naman ni Renijie.

"Anong motibo niya para gawin sa akin yun?" Tanong ko na papalit palit ang tingin sa kanilang dalawa.

Ngumiwi si Riley.

"Wala akong ideya. Pero malinaw na may gamot nga yung juice kaya ka nawala sa ulirat. Ang tanong ngayon, may nangyari ba talaga sa inyo ni Calvin?"

Muling naningkit ang mga mata ko.

"Wala. Dahil kung meron. Mararamdaman kong may kakaiba sa katawan ko. Alam ninyo na, may masakit dapat. Kaso, ulo ko lang ang masakit." Sagot ko.

Simula nang naging kami ni Zodiac. Curious na ako kung paano nag se-sex ang dalawang pareho ng kasarian. So, nag research ako.

Syempre, curious nga ako.

Base sa naramdaman ko, the moment na nagising ako sa kama katabi si Calvin ay normal lang. Walang masakit sa akin.

Expedallion Crusader: MASERATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon