CHAPTER 16

418 16 5
                                    


"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Saan ka pa niya hinawakan?" Tanong niya habang tinitigan ang mga braso at binti ko kung may galos ba ako.

Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kanya. Bakas ko sa mukha niya ang iritasyon. Kanina pa nga magkasalubong ang mga kilay niya.

"Gago talaga 'yon. Ulitin niya pa 'to. Talagang mananagot siya sa akin." Sabi pa niya sabay yakap sa akin.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Ramdam ko ang init ng katawan niya.

"Zodiac." Tawag ko.

Kumalas siya ng yakap tapos ay tinitigan ako ng seryoso habang nakahawak pa din sa magkabilang gilid ng baywang ko.

"Bakit? May masakit ba sayo?"

"Si Levi. Tingin ko may gusto siya sayo."

Napasimangot siya sa narinig bago binitiwan ako. Pagod siyang umupo sa sofa na nasa malapit.

"Wala akong gusto sa kanya. Ikaw ang gusto ko." Giit nito.

Napakurap kurap ako sa kanyang sinabi.

"Kung ganun, tama ang hula ko. May gusto nga siya sayo."

Naglakad ako palapit sa sofa tapos umupo ako sa kanyang tabi.

Tumango siya bago sumandal sa kinauupuan.

"Classmate ko siya noong elementary. Kaibigan ng Mom ko ang Mommy niya. Naging friends kami. Ngayong pareho na kaming highschool. Nag confess siya sa akin na gusto niya ako. Pero..."

"Hindi mo nga siya gusto."

Ngumiti siya.

"Yup. Dahil kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Pero sa ginagawa niyang 'to. Kahit kaibigan ay hindi ko na siya ituturing."

"Nagseselos kasi siya sa akin." Komento ko.

Sabi ko na nga ba.

Nang sabihin ni Levi na crush niya daw ako. Nagduda na ako. Halata ko sa mga mata niyang nagsisinungaling siya.

"Magselos siya hanggat gusto niya. Never akong magkakagusto sa kanya. Dahil wala akong ibang gusto kung hindi ikaw."

Pansin kong sumeryoso na naman ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Hanggang sa mapatingin siya sa leeg ko.

"Amoy na amoy ko ang pabango niya sayo." Nakasimangot pang sabi nito.

Napakamot ako sa kanang sintido ko.

"Maliligo nalang ako pag uwi."

Napasulyap ako sa silid na kinaroroonan namin. Naalala kong dito niya ako dinala nung unang beses na magsabay kaming kumain ng tanghalian. Parang sarili yata nilang tambayan ito.

"Thank you pala. Kung hindi ka dumating baka ano ng nagawa niya sa 'kin." Sabi ko pa at muling ibinalik ang tingin sa kanya.

Napanguso siya.

"Wala yun.Lahat naman gagawin ko para sayo." Banat nito.

Kung hindi ko siguro siya gusto ay baka makornihan ako sa mga pinagsasabi niya. Pero ngayon na may relasyon kami. Ramdam kong masaya ako sa mga mabulaklak niyang salita.

Kumbaga, kinikilig ako. Hindi lang halata.

"Thank you ulit." Sabi ko at niyakap siya.

Niyakap din naman niya ako. Naramdaman ko pa nga ang labi niyang hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"Next time na lumapit sayo si Levi. Layuan mo agad o kaya isumbong mo sa akin."

"Yes, Boss." Pagbibiro ko.

Expedallion Crusader: MASERATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon