Galit na naman sa akin si Zodiac. Kahit hindi niya sabihin ng direkta ay ramdam ko lalo na at hindi niya ako pinapansin. Kanina ko pa siya kinakausap pero para lang ako hangin dito sa kinauupuan ko.Ano bang problema niya? Dahil ba sa sinabi ni Levi na crush ko daw 'to?
Hindi naman yun totoo.
Pero syempre hindi niya alam dahil bigla nalang siyang naglakad paalis kanina. Hindi niya na hinintay pa ang paliwanag ko.
Ibig sabihin ba nun talagang nagseselos siya? Baka feeling niya ina-agaw ko si Levi.
Wala naman akong crush dun. Ni hindi nga ako na ga-gwapuhan sa kanya. Kung tutuusin, mas pogi pa ako.
Mas pogi ako ng slight.
Pag uwi ko nalang sa Death Race mamaya. Kakausapin ko yang si Zodiac. Hindi siya pwedeng magalit sa akin. Mawawalan ako ng fan. Saka, ayokong may taong galit sa akin. Mahirap na baka mamaya bugbugin ako ng mga tropa nun.
"Shin!"
Napakurap kurap ako sa sigaw na yun ni Renjie. Nakita ko siyang nakatayo sa harapan ko.
"Hindi tayo matatapos dyan kung tatayo ka lang." Sabi nito habang nakasimangot.
Tumango ako bago dinampot ang mop sa sahig. Agad kong ipinagpatuloy ang paglalampaso. Siya naman ay may hawak na basahan. Pinupunasan niya yung pinto ng bawat cubicle na nandito sa comfort room.
Sa labis na pag iisip kay Zodiac ay nawala sa isip ko na kasalukuyan kaming naglilinis dito sa CR ng basketball gym para tuparin yung parusang pinataw ni Miss Roxas. Buti na nga at halos 25 minutes lang kaming maglilinis kaya hindi na ako nagrereklamo.
Pero itong si Renjie kanina pa nagrereklamo dahil bukod sa ayaw niyang maglinis. Nagagalit siya bakit sa dami ng ipapalinis dito pa talaga sa basketball gym. Ayaw niya kasi dito dahil kay Timmy.
"Fuck shit na Riley yan. Ang tagal." Rinig kong sabi ni Renjie.
Lumabas kasi si Riley. Kukunin daw nito yung Slam book kay Renzo.
"Lumandi na yata ang baklang 'yon." Dagdag pa ni Renjie.
Nanatili akong tahimik habang seryosong nakatuon sa sahig na mina-mop ko ngayon.
"Dito ka muna, Shin. Pupuntahan ko lang ang baklang 'yon." Paalam ni Renjie kaya nag angat ako ng tingin sa kanya.
Nakita ko siyang naglakad na palabas kaya naiwan akong mag isa dito. Iiling iling na nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Nakakatuwa lang na madali lang pala maglinis ng sahig.
Noong bata pa kasi ako, never naman akong nakasubok na maglinis ng bahay. Dahil may mga katulong kami na gumagawa nun. Ang kagandahan lang nito, kahit hindi nga ako naglilinis ay marunong naman ako.
Nang marinig kong bumukas ang pinto ay natigilan ako at napatingin doon. Nakita ko si Levi na kapapasok lang. Wala pa siyang damit pang itaas. Ang jersey niya ay naka-sampay sa kanyang kanang balikat. Habang nasa kaliwang balikat naman ang isang puting T-shirt.
"Yo." Bati nito at naglakad palapit sa akin.
Bakas sa mukha niyang galing siya sa practice dahil basa ang kanyang buhok.
"Huwag mo kong kausapin." Pagsusungit ko.
"Nagalit ba si Shin dahil sa sinabi ko kanina?"
Hindi ako umimik kaya natawa siya. Naglakad siya papasok sa isa sa mga cubicle. Mukhang iihi yata.
"Ngayon ko lang na-realized na pareho palang Shin ang tawag ko sa inyo." Sabi nito.
Nanatili akong tahimik at nag mop nalang ulit ng sahig. Nang bumukas ang pinto ng kanyang pinasukan ay nakita ko siyang nagsusuot ng T-shirt palabas doon.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: MASERATI
Teen Fiction"Nonchalant" Yan ang madalas na tingin ni Lotus kay Maserati. Dahil kahit magunaw na ang mundo ay hindi ito magpapakita ng kahit anong ekpresyon. Mananatiling blangko at walang emosyon ang mukha nito. Bukod dun ay napakatahimik nito. Hindi ito magsa...