Wala na si Zodiac nang magising ako. Obvious na umalis na siya habang tulog pa ako. Siguro natauhan sa mga pinagagagawa niya kagabi. Kahit ako din naman. Ngayon ko lang napagtanto na maling nagpa-ubaya ako lalo na at alam kong may tama siya ng alak. Meaning, wala siya sa katinuan. Hindi ako magtataka kung a-akto 'yon na parang walang nangyari sa amin. Kumbaga, hindi big deal sa kanya kasi nga lasing siya.
Ako na hindi naman ganun ka-lasing ay hinayaan siya. So, may kasalanan din ako. Kaya hindi siguro ako dapat magalit kung kalimutan niya ang nangyari sa amin kagabi.
Gayunpaman, hindi ko maiwasang malungkot. Kahit hindi naman ako babae. Syempre, virginity ko yun. Mas maganda sana kung hindi lasing yung ka-anuhan mo.
Kaso, lasing eh.
Tapos halos hindi nga kami nakapag usap ng maayos tungkol sa problema namin. Basta nalang kami nag anuhan.
Literal na one night stand.
Kahit masakit ang katawan ay pinilit kong bumangon. Mag a-alas onse naman na ng umaga at nagugutom na ako. Nakayuko akong naglakad patungo sa banyo. Mabilis akong naligo tapos nagpalit ng kumportbleng damit.
T-shirt na pinatungan ko ng hoodie na jacket at black pants ang sinuot ko. Ang sapin ko naman sa paa ay crocs lang.
Agad na akong tumungo sa dining room para kumain. Sakto namang may pagkaing naka-hain na sa mesa.
"Sabay na tayo, Maserati." Pag aya ni Ford na ka-kauupo lang doon.
Naglakad naman ako palapit sa kanya. Kinabahan ako nang mapatitig siya sa akin. Mukhang na halata niya yata na may ini-inda ako.
"Ayos ka lang?" Tanong niya nang makaupo ako sa kanyang tapat.
"Ayos lang." Sagot ko at itinuon ang tingin sa lamesa.
Natakam ako nang makitang hindi gulay ang ulam ngayon. Minabuti kong kumain na dahil kumakalam na talaga ang sikmura ko.
Ginutom ako sa ginawa ko kagabi. Medyo masakit nga ang ulo ko ngayon.
"Nag inuman pala kayo kagabi? Nakita ko si Mazda, kagigising lang 'eh." Panimula niya.
Nag angat ako ng tingin sa kanya. Kita ko ang ngisi sa labi niya habang nakatingin sa akin. Akala ko magtatanong pa siya ng kung ano. Buti nalang natahimik ang Gaga kaya payapa akong nakakain ng tanghalian.
Nang matapos ay babalik na sana ako sa kwarto ko. Pero bigla kong nakasalubong si Zero kasama si Cyber at Zodiac.
Agad kong napansin ang iritasyon sa mukha ni Cyber nang huminto sila sa tapat ko. Habang si Zodiac naman ay hindi makatingin sa akin ng diretso.
"Morning, Maserati. May practice ba kayo ni Zodiac ngayon?" Tanong nito sabay sulyap kay Zodiac.
Naningkit ang mga mata ko sa kanya.
"Mag isa lang naman ako nagpapractice."
Napangiti si Zero.
"Gusto mo bang sabayan kita ulit?" Suhestyon nito.
"No." Sabat ni Zodiac kaya napatingin kami sa kanya.
Nanatili namang tahimik si Cyber na nakatingin sa akin.
"Magpapractice na kami ngayon kaya huwag ka ng umepal." Sabi niya kay Zero.
Bahagya akong nagulat sa narinig.
"Okay. Basta sabihan mo lang ako kapag kailangan mo ng kasama." Nakangising sabi ni Zero sabay tapik pa ng balikat ko.
Naglakad na siya palayo kasunod si Cyber. Nanatili naman si Zodiac sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: MASERATI
Teen Fiction"Nonchalant" Yan ang madalas na tingin ni Lotus kay Maserati. Dahil kahit magunaw na ang mundo ay hindi ito magpapakita ng kahit anong ekpresyon. Mananatiling blangko at walang emosyon ang mukha nito. Bukod dun ay napakatahimik nito. Hindi ito magsa...