CHAPTER 42

369 20 1
                                    


"Okay ka lang?" Tanong ni Zodiac na nakaupo sa tabi ko.

Tumango ako sabay buga ng hangin. Tahimik kong ibinaling ang tingin sa dalawang lalaking nakaupo naman sa tapat namin.

Si Mcqueen at Zero.

Kasalukuyan kaming nasa Dining room dito sa Death Race building. Matapos kung makausap si Mazda kanina. Nakasalubong ko si Zodiac at inaya ako nitong kumain dito. May kailangan daw kaming pag usapan. Sakto namang na abutan namin dito yang dalawa.

"Na shock yata siya dahil sa pag-alis ni Mazda." Si Mcqueen na nakangiwi sa akin.

"Sinong hindi magugulat dun? Bigla-biglang nag anunsyo si Mazda na magre-resign." Sabat naman ni Zero.

Nanatili akong tahimik habang iniisip ang mga nangyari kanina lang. Medyo hindi pa nagsi-sink in sa akin.

Nagresign na si Mazda sa Death Race at ganun kadali yun tinanggap ni Boss Cosimo. Hindi ko maintindihan kung bakit. Dahil may kontrata si Mazda at hindi yun basta-basta mawawalan ng bisa. Mukhang may ginawa si Mazda para agad na makumbinsi ang Boss namin na payagan siyang maka-alis.

Kung ano yun? Hindi ko alam. Wala akong ideya.

Basta nalulungkot ako na umalis si Mazda dito matapos ang ilang taon na pagseserbisyo. Halos dito na siya nagbinata. Ngayong adult na siya saka niya naisipang umalis. Tapos ang dahilan pa dahil lang sa pagkasawi sa pag-ibig.

Kainis.

Ang tanga kasi. Maiinlab lang kay Mclaren pa na walang pakialam sa mundo.

"Bakit ganun kabilis tinanggap ni Boss yung resignation niya? Parang may something na nagaganap." Rinig kong tanong ni Mcqueen.

"Ang tungkol sa bagay na yan. Si Boss at si Mazda nalang ang nakaka-alam. Hindi na tayo pwedeng makisali." Sabi ni Zodiac.

Napatango si Zero sabay akbay sa katabing si Mcqueen. Pareho silang seryosong nakatingin sa akin.

"Sure akong halos lahat kayo nasaktan sa pag alis niya."

Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi nito.

"Hindi din. May isa dyan sa tabi-tabi na natutuwa."

Biglang pumasok sa isip ko si Mclaren.

Humanda sa akin ang Ungas na 'yon. Kahit siya ang leader namin. Tatalakan ko talaga siya.

"Malamang si Lotus na baliw yan. Tatawa pa yun." Umiiling iling na komento ni Zero.

Natawa si Mcqueen.

"Speaking of Lotus, may pagkaisip bata ang isang 'yon. Sobrang hyper at napaka-ingay."

"Tama. Super." Pagsang ayon ni Zero.

Nagsalubong ang mga kilay ko habang papalit palit ang tingin sa dalawang impaktong kasamahan ni Zodiac.

"May ADHD si Lotus kaya sana intindihin nyo nalang." Si Zodiac.

Napatingin ako sa kanya dahil dun.

"Paano mo nalaman yan?" Gulat kong tanong.

Unang taon ko dito sa Death Race nang ikwento sa akin ni Mazda ang tungkol sa pagkakaroon ni Lotus ng ADHD. Syempre wala akong ideya kung ano yun. Ang ginawa ko, niresearch ko. Nang malaman ko kung ano yun. Unti-unti kong sinanay ang sarili ko sa mga kakaibang ugali ni Lotus. Lalo na yung pagiging hyper niya.

"Siya mismo nagkwento sa akin. Nalaman niya kasi na may ADHD din si Cyber. So, parang nakakarelate siya." Sagot ni Zodiac.

Oh.

Expedallion Crusader: MASERATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon