CHAPTER 14

478 18 0
                                    


"Good Morning." Bati ni Zodiac nang makalapit ako sa kanya.

Nakangiti nitong pinasadahan ng tingin ang suot ko. Napahikab naman ako.

Nakaka-antok.

"Morning." Bati ko pabalik.

Ngumiwi siya bago binuksan ang pinto ng kanyang kotse.

"Hindi tayo mag mo-motor?"

Mabilis siyang umiling sa tanong ko. Inilalayan niya akong makapasok sa kotse na tila isa akong babae. Nang maisarado niya ang pinto ay naglakad siya patungo sa driver seat tapos pumasok na din sa loob.

Nagulat ako ng siya na mismo ang nagsuot ng seat belt sa katawan ko. Tila nawala tuloy ang antok ko dahil sa paglapit niya.

"Masyado bang maaga ang alas dyes para sayo? Kaya ina-antok ka pa?" Tanong niya.

Umayos siya ng upo bago ikinabit na din ang sarili niyang seat belt.

"Hindi naman. Kapag walang pasok sa school, talagang tanghali na ako gumising."

Linggo ngayon at kung wala kaming lakad nitong si Zodiac ay malamang tulog pa ako ngayon.

"Okay." Tipid nitong sabi bago binuhay ang makina ng kotse niya.

Tahimik naman akong nakatitig lang sa kanya.

Ang aliwalas niyang tignan ngayon. Nakaputing polo siya dahilan para makita kp ang magandang pangangatawan niya. Sa pang ibaba naman ay naka-pants siyang black na tinernuhan ng white rubber shoes.

Ang buhok niya ay bahagyang nakababa. Mukhang kapag wala siya sa school. Hindi siya naglalagay ng wax.

In fairness, talaga. Mas gwapo siya sa akin.

Ang layo ng suot niya sa suot ko. Paano ba naman, nakasuot ako ng Oversized T-shirt na pink with shorts na peach. Ang sapatos ko pa ay highcut converse na peach pa din.

Ang aesthetic ko tignan.

"Huwag mo kong tignan masyado." Saway nito.

Nakaramdam ako ng hiya. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Kahit nasa pagmamaneho ang kanyang atensyon ay ramdam niyang nakatingin ako.

"By the way, ang cute mo ngayon." Papuri naman niya.

Naningkit ang mga mata ko. Napakamot ako sa kanang sintido ko.

"Ikaw din naman."

Narinig ko ang paghalak-hak niya kaya muli akong napatingin sa kanya.

"Saan mo ba gustong pumunta?" Pag iiba niya ng tanong.

"Sinabi ko na, diba? Kung saan mo gusto. Okay na ako dun. Basta akong bahala sa gastos. Huwag lang mahal, 'ah." Sagot ko.

Noong nakaraang araw pa namin pinag uusapan ang tungkol dito. Pinapipili ko siya kung saan niya gustong pumunta. Pero wala naman siyang maibigay na malinaw na sagot sa akin.

"Okay. Sa simbahan muna tayo."

Literal na natigilan ako.

"Ha? Simbahan?"

Nakangiti siyang tumango.

Sa mabilis niyang pagmamaneho ay nakarating kami sa pinaka-makalapit na simbahan.

"Tara." Pag a-aya niya at hinigit na ang isang kamay ko.

Nataranta ako nang magsimula na siyang maglakad.

"Teka, Zodiac."

Kunot noo siyang napatingin sa akin.

"Hmm? Bakit?"

Expedallion Crusader: MASERATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon