CHAPTER 5

672 29 26
                                    

Tanghali na akong gumising ngayong araw dahil sabado naman at walang pasok. Tulad ng nakagawian ay plano kong mag practice. Matapos kong maligo at makapagpalit ng damit ay lumabas na ako ng kwarto ko.

Black sweatshirt at cargo pants lang ang sinuot ko. Na tinernuhan ko ng sneakers. Mas kumportable ako sa mga ganitong suotan kahit pa hindi naman malamig.

Ang nakangiting pagmumukha ni Lotus ang na datnan ko nang dumating ako sa Dining room namin. Prente itong naka-pwesto sa bandang gitna ng lamesa na akala mo isang prinsesa.

"Good morning, Senyorito." Bati nito na halata mong na ngangasar.

Hindi ako umimik. Humihikab na umupo ako sa bakanteng upuan na nasa tapat niya. Agad naman akong nilapitan ng isa sa staff namin dito sa HQ. Binigyan ako nito ng plato na may kasamang kutsara at tinidor kaya nagsimula na akong kumain.

Kapag ganitong araw, ang usual na agahan namin ay yung madaling lutuin tulad ng hotdog, itlog, tocino, at etc. Mayroon pang gulay na kasama.

"Nga pala, Maserati. May nagpapabigay sayo." Rinig kong sabi ni Lotus kaya nag angat ako ng tingin sa kanya.

Inginuso niya ang isang box ng french fries sa lamesa. Inusog niya ito sa tapat ko.

"Kanino galing yan?" Tanong ko.

Ngumiwi siya bago umi-iling. Tahimik na ibinaling niyang muli ng tingin sa kinakain.

Napatitig naman ako sa french fries na nakalagay sa box. Napansin kong may maliit na papel na nakadikit sa gilid nito. Naningkit ang mga mata ko nang makitang may nakasulat dito.

- Bati na tayo. Please?

Agad kong nakutuban kung kanino ang galing ang pagkain. Sa sulat palang. Alam kong si Zodiac ito.

"Tsk. Bati-bati. Eme ka." Mahina kong bulong bago inusog palayo yung box ng french fries.

Narinig ko ang malutong na tawa ni Lotus kaya muling akong napatingin dito.

"Ayaw mo nyan? Akin nalang?"

Hindi ako nagsalita. Tumango lang ako kaya agad niyang dinampot yung box sa lamesa.

Bigla akong nawalan ng gana kaya walang paalam na naglakad na ako palabas ng silid. Narinig ko pang tinawag ako ni Lotus pero hindi ko na siya pinansin pa.

Tumungo nalang ako papunta sa underground garage. Habang naglalakad papunta doon ay hindi inaasahang nakasalubong ko si Zodiac kaya napahinto ako.

"Galit ka pa din?" Agad nitong tanong.

Imbes na sumagot ay inirapan ko sya bago umiwas ng tingin.

"Sorry na nga." Paghingi niya pa ng paumanhin.

Bakit siya nanghihingi ng sorry sa akin?

Hindi ko lang naman kasi siya pinapansin matapos niya akong inominate bilang Muse. Lakas ba naman ng trip. Ginawa akong muse? Yung mga kaklase naman namin, tuwang tuwa.

"Sorry na, Zeke. Bati na tayo." Rinig kong sabi pa niya.

Napabuga ako ng hangin bago ibinalik ang tingin sa kanya. Nakanguso siyang nakayuko habang hinihimas ang kanyang batok. Sa itsura niya, dama kong nahihiya na naman siya.

Pero natural na mag sorry siya sa akin dahil may kasalanan siya.

Nang mag angat siya ng tingin ay nakita kong nagpapa-awa effect na ang mukha niya.

"Ako kasi ang pinili nilang Escort. Ayoko namang iba ang maging partner ko. Gusto ko, ikaw."

Napakamot ako sa kanang sintido ko.

Expedallion Crusader: MASERATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon