CHAPTER 15

460 16 0
                                    

Ang weird pala sa pakiramdam kapag nagkaroon ka ng karelasyon. Masaya na nakakatamad, dahil ang ingay niya sa inbox ng cellphone ko. Partida, wala pa kaming isang araw nyan. Pero tinatadtad niya na ako ng text at tawag.

Patay na patay yata sa 'kin.

Dahil ayoko naman siyang magtampo. Sinagot ko lang ang tawag niya. Hayun, tuwang tuwa naman. Kwento lang siya nang kwento. Habang ako nakikinig. Kapag nagtatanong siya ng kung ano sa akin. Syempre, sasagot ako kaya nag enjoy na din ako.

Hindi ko nga alam ang sunod na nangyari basta nakatulog na yata ako. Pag gising ko nga nakita ko nalang na ang dami niya ng chat na puro Goodnight at I love you.

Ang clingy niya talaga.

Pero kahit ganun, nakakatuwa naman. Ganito pala feeling kapag may nagmamahal sayo. Parang mas naging inspired ka pa sa buhay kahit medyo nakakatamad gumising sa umaga.

Tulad nalang ngayon.

Kahit tinatamad ay kailangan kong gumising kaysa naman hindi na ako magising, diba?

Nadatnan ko Zodiac na nakatayo sa tabi ng kanyang motor habang nakangiti nang malapad. Fresh ang itsura niya dahil bagong ligo. Ang bango niya pa. Naligo yata sa pabango 'to. Halatado pang naka-plantsado ng maayos ang uniporme.

Napaatras ako nang lapitan niya ako para yakapin. Agad kong sinenyas sa kanya ang nagkalat na CCTV camera sa buong paligid.

Speaking of CCTV.

Buti nalang ilang araw ng sira ang mga ito sa elevator kung saan nakasama ko si Zodiac. Kung hindi nagkataon, malamang nasa opisina na kami ni Boss Cosimo.

Nalaman ko ang tungkol dun dahil kay Mclaren na nakasabay ko mag almusal kanina. Ayon sa kanya, ngayon palang daw napalitan yung sirang cctv sa isa samga elevator na madalas naming gamitin dito sa HQ.

"Good morning hug lang, 'eh." Reklamo niya.

Umiling ako at inginuso ang motor niyang nasa tabi ng motor ko.

Simula nang magtapat siya ng nararamdaman sa akin. Palagi ng nasa tabi ng motor ko ang motor niya.

Parang tanga lang.

"Tara na. Baka ma-late pa tayo." Pag aya ko. Tapos ay naglakad na palapit sa sarili kong motor.

Lunes ngayon kaya back to school na naman kami.

"Sabi sayo, huwag ka na mag drive. Dito ka nalang sa akin sumakay." Rinig kong sabi niya kaya agad ko siyang binalingan ng tingin.

"Ayoko. Para saan pa 'tong motor ko kung hindi ko din naman gagamitin."

Kagabi niya pa ako kinukulit na dun nalang daw ako sumakay sa motor niya para hindi na ako mapagod.

"Pero, Zeke..."

Naningkit ang mga mata ko sa kakulitin niya.

"Sakay na." Utos ko.

Nakanguso siyang tumango bago sumakay na doon. Napailing nalang ako at isinuot na sa ulo ko ang helmet na kanina ko pa hawak. Agad akong sumampa sa motor.

Binuhay ko ang makina nito at pina-andar palabas ng parking lot ng HQ. Nakasunod naman siya sa akin. Tulad pa din ng nakagawian niya. Nasa likod ko lang siya.

Para siyang bodyguard na nagbabantay sa kanyang amo.

Dahil wala namang traffic ay mabilis kami nakarating sa School. Pagkababa ko ng motor ko ay agad kong inalis ang helmet sa ulo ko. Ipinatong ko ito mismo sa motor ko.

Saktong pagharap ko ay nasa tapat ko na si Zodiac. Sandali akong napapikit nang bigla nitong hawakan ang tuktok ng ulo ko. Marahan niyang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri. Nagulo yata ito dahil sa helmet na suot ko kanina lang.

Expedallion Crusader: MASERATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon