CHAPTER 2

746 31 2
                                    


"Bakit gusto mong magpapalit ng perfume?"

Iyan ang tanong ni Mazda sa akin habang seryoso siyang nakatitig sa kotse niyang nasa tapat namin.

"Wala lang." Sagot ko bago bumuga ng hangin.

Bahagya siyang umiling.

"Mag search ka sa internet ng mga ba-bagay na perfume para sayo. Wala akong mairerekomenda dahil bihira naman ako magpabango. Alam mo na. Natural kasi itong amoy ko."

Napailing ako sa narinig kaya tinalikuran ko na siya.

Balak ko kasi bumili ng bagong pabango kaya naisipan kong tanungin itong si Mazda baka mayroon siyang marerekomenda sa akin na brand. Kaya lang, nga-nga dahil wala naman akong napala sa kanya.

Dumiretso na ako sa waiting room para dun muna saglit tumambay dahil tapos naman na ang trabaho ko sa gabing ito at of course, ako ang nanalo.

Pagdating ko sa waiting room namin ay nadatnan ko ang magpinsan na busy sa mag tsismisan. Prente pa ngang nakataas ang isang paa ni Lambo sa lamesa habang si Chevrolet ay nasa tabi niya habang nakatutok ang tingin sa cellphone na hawak.

"Ibaba mo kaya ang paa mo. Mahiya ka sa pagkain." Sabi ko nang makaupo sa sofang nasa tapat nila.

Tila nahiya naman si Lambo dahil agad niyang ibinaba ang paa. Nadako naman ang tingin ko sa mga pagkain nasa lamesa.

Usually kapag ganitong tumatambay kami pagtapos ng kani-kaniyang match namin sa Death Race ay may pagkaing dinadala ang mga staff dito. Yun nga lang, karamihan puro junk foods.

"Hindi ka ba naiinis, Insan? Natalo ka ni Zodiac?" Tanong ni Lambo sa pinsan niya.

Kanina lang ay naglaban si Chevrolet at Zodiac. At sinong nanalo?

Of course, si Zodiac.

"Hindi. Bakit naman ako maiinis. Natural lang naman sa laro na may matalo." Sagot ni Chevrolet.

Napailing si Lambo bago bumuga ng hangin. Ibinaling niya ang tingin sa TV monitor na nasa tapat namin.

"Nakakayamot na kasi. Ini-isa-isa niya tayo. Parang pinamumukha niya sa ating hindi tayo magaling."

Napahikab ako sa pagdadrama ni Lambo. Sa aming siyam na miyembro ng Expedallion. Siya na yata ang pinaka-madrama. Siya din ang pinaka-reklamador. At higit sa lahat, siya ang pinaka-maingay. Kapag nagkukwento yan palagi pang galit. Naniniwala na tuloy ako sa komento ni Jaguar noon na ipinaglihi siya sa sama ng loob.

"Ginagawa lang ni Zodiac ang trabaho niya lalo na at isa siya sa pinaka-magaling na iregular racer ngayon. Sabi ni Mazda, baka daw next week ay pormal ng ipakilala ni Boss Cosimo ang pangalawang grupo na idadagdag niya dito sa Death Race at walang duda na isa si Zodiac doon. Kaya nga excited ako." Mahabang pagsasalaysay ni Chevrolet.

Mas lalo yata akong inantok sa narinig mula sa kanya kaya napahikab ako. Napakurap kurap ako nang mapansing nakatingin na sila sa akin.

"Bumalik ka na sa HQ kung ina-antok ka na." Sabi ni Chevrolet.

Hindi naman ako nagsalita. Napataas lang ang isang kilay ko nang makita si Lambo na titig na titig sa akin.

"Itong si Maserati ang hinihintay kong makalaban ni Zodiac, 'eh."

Bahagyang natawa si Chevrolet.

"Tingin mo ba, kaya niyang talunin si Zodiac?"

Hindi umimik si Lambo. Nanatili itong nakatingin sa akin dahilan para maisip kong umalis na sa silid na ito. Bigla akong na bored kaya tumayo na ako sa sofa bago walang paalam na naglakad palabas ng silid.

Expedallion Crusader: MASERATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon