"Kung ganun, hindi mo talaga birthday sa linggo?" Manghang tanong ni Renjie.Nakangiwi akong tumango sabay kagat ng hamburger na kinakain ko. Dama ko ang mapanuring tingin ni Riley sa akin. Magkatabi silang nakaupo ni Renjie sa tapat ko. Nandito kami ngayon sa cafeteria para magpalipas ng oras wala pang klase.
"Nag jo-joke lang ako na birthday ko. Pero ang totoo, gusto ko lang makipag-bonding sa inyong mga close ko." Paliwanag ko sabay sunod-sunod nang kinagatan ang hamburger.
Feeling ko nagutom ako bigla kahit nag almusal naman ako bago umalis.
"Ah, ganun ba. Kase nagulat kami nang malaman namin January ka pala." Patuloy ni Renjie.
Nang maubos ko ang hamburger ay saka ko naman tinungga ng diretso itong juice na binili ni Renjie sa akin. Halos ubusin ko na nga ito.
"Kasama ba si Daisuke sa linggo?" Biglang tanong ni Riley.
Lihim akong natuwa kanyang tanong.
"Nasabi ko na yan, diba? Kasama nga siya. Ewan ko kung iimbitahan niya si Blake at Deniel." Sagot ko sabay lapag ng bote sa lamesa.
Wala namang nabanggit si Zodiac kung isasama niya ang dalawa. Basta bigla ko silang naalala. Matagal ko na din kasi silang hindi nakikita.
"Pero bakit nagsinungaling ka pa na birthday mo? Pwede mo namang sabihin ang totoo." Panibagong tanong ni Riley.
Nahahalata ko na ang pagtataka sa mukha nitong si Riley. Base na din sa mga tanong niya.
"Baka kasi hindi kayo pumunta kapag sinabi kong gusto ko lang kayo maka-bonding." Pagdadahilan ko.
Natawa si Renjie sabay tapik sa kanang braso ng kanyang pinsan.
"Ano ka ba, pupunta kami. Ikaw pa. Kaibigan ka namin. Saka, para maging close din namin si Daisuke."
Napansin kong siniko ni Renjie si Riley na tila inuutusan siyang magsalita. Ilang segundo lang ay ngumiti naman ito sa akin.
"Oo naman. Pupunta kami. Birthday mo man o hindi. Basta ikaw nag aya." Pagsang ayon nito.
Peke akong ngumiti sa dalawa.
"Thank you."
Nakahinga ako nang maluwag sa naging resulta ng usapan namin ngayon. Although, medyo hindi pa din ako kumbinsido na talagang naniniwala sila sa paliwanag ko. Feeling ko kasi nakakahalata na sila. Lalo na itong si Riley.
"Maiba ako, Shin. January ka pala? So, capricorn ka?" Si Renjie.
Tumango bago isinandal ang likuran sa kinauupuan. Sandali kong pinasadahan ng tingin ang paligid. May ilan-ilan na ding estudyante ang nakatambay dito sa cafeteria.
"Alam mo bang mahilig ako sa mga zodiac sign. Naaaliw kasi ako."
Bigla akong na curious sa kanyang sinabi.
"Sige nga. Anong alam mo sa aming mga Capricorn?" Naisip kong itanong.
Nakita kong napataas ang isang kilay ni Riley habang tahimik na nakatingin kay Renjie.
"Base sa natatandaan ko. Ang Capricon ay kabilang sa Earth sign. Same with Taurus at Virgo. Bukod dun, ang mga Capricorn ay tahimik na tao. Introvert kumbaga, tapos sa usapang pag-ibig. Hindi sila basta-basta nauuto. Once naman na lokohin mo sila. Mahihirapan kang kunin muli ang loob nila. Ayaw din nila sa taong sinungaling. Matindi din sila kapag gumanti. Magsisisi ka talaga." Mahaba niyang pagsasalaysay.
Hindi ko mapigilang matawa dahil sa narinig.
Ngumiti lang si Renjie habang si Riley nanatiling tahimik na ngayon ay busy na sa kanyang cellphone. May kung sino itong kachat.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: MASERATI
Teen Fiction"Nonchalant" Yan ang madalas na tingin ni Lotus kay Maserati. Dahil kahit magunaw na ang mundo ay hindi ito magpapakita ng kahit anong ekpresyon. Mananatiling blangko at walang emosyon ang mukha nito. Bukod dun ay napakatahimik nito. Hindi ito magsa...