CHAPTER 39

389 13 1
                                    

Nakasimangot na pagmumukha ni Zodiac ang nadatnan ko nang makarating ako sa kwarto ko. Nakatayo pa siya mismo sa tapat ng pinto. Nahuhulaan kong kanina niya pa ako hinihintay.

"Saan kayo galing ni Levi?" Bungad nitong tanong.

Heto na naman siya.

"Sa hospital. Dinalaw ang Ungas na si Malvar. Chineck ko kung buhay pa."

Ngayong nabanggit ko sa kanya ang tungkol dito. Bigla kong naalala ang dapat kong itanong sa kanya.

"Paano mo nga pala nalaman na kasama ko si Levi?"

Napahimas siya sa kanyang batok.

"Chinat niya ako mismo na sasamahan daw niya kayo."

Inis na napairap ako sa narinig. Alam naman niya pala kung saan ako galing bakit kailangan pa niyang magtanong. Baliw din talaga ang isang ito.

Si Levi naman, pa-epal din talaga. Bakit kailangang ichat niya pa itong si Zodiac? Anong gusto niyang mangyari? Nang aasar din ang isang yun.

"So, ano nangyari? Buhay pa si Malvar?"

Malalim akong napabuntong hininga.

"50/50 daw. Ewan ko kung mabuhay pa yun." Sagot ko.

Halos alas sais na ng gabi kami nakarating sa hospital kung nasaan si Malvar. Kasama ko syempre si Emman, Calvin at Levi. Buti nga walang ibang tao sa kwarto niya ng oras na yun kaya malaya kaming nakapasok. Kitang kita namin siyang nakahiga sa kama habang may mga aparatus na nakakabit sa kanyang katawan. Imbes na maawa ay nakangisi ko itong tinitigan. Wala akong pakialam kung mamatay siya o mabuhay pa. Bahala na si Lord sa kanya. Basta, tuloy ang plano kong isa-isahin sila.

Oo nga at gusto kong makulong sila dahil sa mga nagawa nila, hindi lang sa akin pati na din kay Emman. Pero kung ma-mamatay man siya tulad ni Renzo. Eh, di go. Hindi ako tu-tutol. Si Lord na ang may gustong tapusin ang buhay nila. So, dedma na ako dun. Ang mahalaga, mawala sila sa landas ko nang makapagpatuloy ako sa buhay na walang ina-alala.

"Zeke?" Rinig kong tawag ni Zodiac kaya napabalik ako sa kasalukuyan.

"Anong nakain mo at tila mabait ka na naman sa akin ngayon? Samantalang, ilang araw ka ngang hindi nagrereply sa mga chat ko. Malamang, ako ang sinisisi mo sa pagkatalo natin kahapon."

Isa yan sa inalala ko kagabi pa. Pagtapos ng laban namin sa Tiago Rios. Hindi na nga siya nagpakita sa akin.

"Hindi, 'ah. Bakit naman kita sisihin. Wala ako sa konsentrasyon nun kaya natalo tayo."

Kumunot ang noo ko.

"Bakit naman?"

"Dahil sayo."

Naningkit ang mga mata ko.

"At bakit ako?" Sagot ko habang nakaturo pa sa sarili ko.

Kung ganun, kasalanan ko nga bakit kami natalo.

"Gusto kitang tulungan na makapaghiganti kay Renzo at Malvar. Alam kong hindi tayo babalik sa dati hangga't nandyan sila."

Tama siya. Hindi nga kami babalik sa dati hangga't hindi ko pa na sisiguradong nagbabayad si Renzo at Malvar sa ginawa nila sa akin.

Halos hindi ko na nga magawang isipin sa ngayon ang mga magagandang memories namin ni Zodiac nung kami pa. Dahil sa stress na nangyari sa akin kama-kailan.

"Umamin ka nga. Ikaw ba ang dahilan bakit namatay si Renzo?" Diretsahan kong tanong.

Napakurap kurap siya.

"Ikaw din ba ang dahilan bakit comatose si Malvar ngayon?" Dagdag ko pa.

Hindi siya sumasagot kaya bahagya akong nainis. Agad kong hinampas ang kanang braso niya na ikinangiwi lang niya.

Expedallion Crusader: MASERATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon