CHAPTER 24

368 14 1
                                    


(Warning: 18+)

Mabilis na lumipas ang mga araw at sabado na ngayon. Pagkagising ko palang ay nag text na ako Zodiac na magkita kami ng alas onse ng umaga sa Death Race para nga mag practice. Pero tulad ng inaasahan ay wala akong reply na natanggap hanggang sa mag alas dyes nalang ng umaga.

Pagkatapos kong maligo at makapagpalit ng damit ay agad na akong lumabas ng kwarto ko. Bitbit ang cellphone ay sumakay na ako ng elevator pababa. Nang biglang makatanggap ako ng chat galing na naman kay Renzo.

Ilang araw akong pine-peste ng Gagong 'to. Panay ang chat niya sa akin na hindi ko nirereplayan. Hintayin ko lang matapos ang ginagawa kong pag isa-isa sa account ng mga tropa niya. Talagang ba-block ko na ito.

Sa ngayon kailangan ko munang magtiis sa mga weird na pinagsasabi niya.

Halimbawa nalang dyan, itong chat niyang bago.

- Alam mo ba kung ilan ang size ng akin?

Kahit hindi ko tanungin, alam ko kung anong tinutukoy niya. Hindi ko alam bakit na sabi ni Riley na mabait ito. Saan banda ang kabaitan nito?

Nitong mga nakalipas na araw ay napapadalas ang pagpunta niyan ni Renzo sa Cafeteria kung saan kami kumakain nila Riley. Kasama pa niya yung Malvar pati yung si Harry. Kahit ayoko siyang tignan ay wala akong choice. Napapansin ko pa kung makatingin sila sa akin, akala mo mga adik.

Naturingan mga atleta pero mukhang mga sabog. Si Riley naman kilig na kilig habang kausap yung Malvar. Tahimik nga lang kami ni Renjie na nakatingin sa kanila.

Sana lang sa lunes, hindi na sila magpakita ulit. Dahil kapag nagkataon ay hindi na ako sasabay ng tanghalian kala Riley. Hindi na ako kumportable sa presensya ng mga ito.

Nagbago na ang isip ko na ipain ang sarili ko sa kanila. Ang tulong ni Kuya Damon nalang ang inaasahan ko.

Speaking of Kuya Damon. Halos tatlong araw na ang lumipas buhat nang manghingi ako ng tulong. Pero hanggang ngayon ay wala pa akong update na nakukuha sa kanya.

Nang bumukas na ang pinto nitong elevator ay lumabas na ako. Mabilis akong naglakad patungo sa Death Race building. Muli kong tinext si Zodiac para ipaalala na magpapractice kami ngayon. Alam kong hindi talaga siya magrereply pero tinext ko pa din baka sakaling magbago isip.

Nang makarating ako sa Death Race ay tumungo ako sa underground garage. Naabutan ko dun si Marcus na nakatayo sa tabi ng MC20 ko.

"Bagong ligo na ba yan?" Pagtukoy ko sa kotse ko.

Nakangiti siyang tumango.

"Yes, Boss." Sagot niya at iniabot sa akin ang susi.

"Ako na mag tu-tuning."

Agad siyang tumango.

"May gumagamit ba ngayon ng race track?" Naisip kong itanong sabay sulyap sa gate na nakabukas. Ito yung nagko-konekta dito sa garage patungo sa race track.

"Si Boss Zero at Boss Ford. Pero tapos na po sila magpractice."

Tumango ako bilang tugon. Nagpaalam naman na agad siya sa akin kaya pumasok na ako sa kotse ko. Binuhay ko ang makina nito bago pina-andar patungo sa race track. Nang makapasok ay mabilis ko din naman itong pinarada sa gilid. Natanaw ko ang si Zero nakasandal sa kotse niyang nakahinto mismo sa starting line ng race track. Lumabas ako sa kotse ko at naglakad palapit sa kanya. Agad naman niya akong nakita kaya napangisi siya.

"Gagamit ka ng race track?" Tanong niya.

Tumango ako bago itinaklob ang hoodie nitong jacket sa ulo ko.

Expedallion Crusader: MASERATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon