Tulad ng inaasahan ko. Natalo kami ni Zodiac dahil sa maraming dahilan. Pero ako talaga ang may kasalanan. Actually, may pag asa sana kaming manalo dahil nangunguna sa karera si Zodiac habang pinagtutulungan siya ng mga kalaban namin. Ginitgit ba naman siya ng puting Audi R8 at asul na Bugatti Divo.
Kaya naman sana niyang maka-kawala sa mga ito habang nakasunod ako sa kanila. Pero hindi niya nagawa dahil biglang nawalan ng kontrol ang kotse ko. Ang ending, nagpaikot-ikot ako at bumangga sa matigas na railings doon sa race track.
Nag a-alala yata ang Ungas sa akin. Hayun, umatras pabalik sa akin. Ang ending, natalo kami. Dahil yung dalawang miyembro ng Tiago Rios ay umabante na hanggang sa makarating sa finish line.
Agad akong dinala sa clinic kahit hindi naman grabe ang tinamo ko. Puro gasgas lang. Kaso, yung kotse ko. May tama sa bandang harapan kaya diretso na naman sa pagawaan namin dito sa Death Race. Habang nasa clinic ako. Hindi ko alam kung nasaan si Zodiac. Pagkahatid kasi sa akin dito ay hindi na siya nagpakita pa. Nanatili na lamang ako sa clinic para magpahinga. Tutal, pagod na ako.
Lumipas ang ilang oras at natapos din ang laban namin sa Tiago Rios. Ang kinalabasan, talo kami. Dahil sa pitong match na naganap. Dalawa lang ang na ipanalo namin. Tanging grupo ni Lambo, Cyber, Mclaren at Yohan lang ang nanalo.
Dahil dun ay nagpatawag ng meeting si Boss Cosimo. Lahat kami tahimik syempre dumalo. Halos tahimik nga lang kaming nakatitig sa kanya. Mukha naman siyang hindi galit sa kinalabasan ng nangyaring laban kanina. Very inspirational pa nga ang sinabi niya.
"Hindi pa naman ito ang huli. Umpisa palang ito ng pagdagsa ng mga grupong gusto kayong kalabanin. Kaya sana, next time ay manalo na kayo."
Although nababakas kong medyo dissapointed siya. Ayaw niyang makaramdam kami ng lungkot. Kaya next time kapag may ganito kaming event ulit dito sa Death Race. Ipinapangako kong magseseryoso na ako at gagawin ko lahat para manalo.
Pagtapos ng meeting kay Boss Cosimo. Kaming mga miyembro ng Expedallion ay nagkaroon din ng meeting kay Miss Karin.
"Ayos lang yan. Hindi ninyo kailangang malungkot. Hindi kabawasan yun sa skills na meron kayo. Marami pang chance para bumawi." Pagpapagaan niya ng loob namin.
Kahit hindi din halata na dissapointed siya. Pinagaan niya din ang loob namin lalo na at halos lahat kami tahimik na tila tulala. Tulad ni Boss Cosimo, saglit lang naman niya kami kinausap. Nang maka-alis nga siya ay naiwan kami ng mga kasamahan ko na seryosong nakatitig sa isa't isa.
"Nagtataka ako kay Zodiac, 'eh. Bakit natalo ang isang 'yon? Samantalang, sobrang galing nun." Sabi ni Lotus dahilan para mapatingin sa akin si Mazda at Lambo.
"Oh, bakit ako?" Taka kong tanong.
Ngumisi si Lambo.
"Last week ko pa napapansin na may nagbago sa inyo ni Zodiac. Nag away kayo?"
Napairap ako sa tanong nito.
"Inaway niya yata si Zodiac. Kaya distracted 'yon." Sabat ni Ford na halata mong nangangasar.
Agad naningkit ang mga mata ko sa kanya.
"Hindi, 'no. Siya ang nangunguna. Hindi siya nakikinig sa mga paliwanag ko. Bahala siya." Depensa ko.
Bahala siya?
Talaga ba? Samantalang, na kokonsensya nga ako kanina pa.
"So, nag away nga kayo?" Si Bugatti na nakikisali pa.
Medyo naiirita na ako sa napakarami nilang tanong kaya imbes na sumagot ay padabog akong tumayo sa kinauupuan ko. Walang paalam akong lumabas ng silid.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader: MASERATI
Teen Fiction"Nonchalant" Yan ang madalas na tingin ni Lotus kay Maserati. Dahil kahit magunaw na ang mundo ay hindi ito magpapakita ng kahit anong ekpresyon. Mananatiling blangko at walang emosyon ang mukha nito. Bukod dun ay napakatahimik nito. Hindi ito magsa...