CHAPTER 27

370 17 3
                                    

Talo kami ni Liam. Talo din si Riley at Renjie. Ang nanalo si Zodiac kasama yung partner niya. Sa kabuuan ay wala pa ding panalo ang section namin sa mga oras na ito.

Bumalik kami sa classroom para magpahinga dahil kailangang maghanda nila Riley para sa basketball game mamaya. Ito ang huling games na sasalihan namin sa araw na ito.

Masarap na sanang umuwi para makatulog kaso hindi pa pwede dahil kailangan kong suportahan sila Riley.

Napasandal ako dito sa upuan ko. Tahimik akong nakatitig kay Riley habang kausap yung mga kaklase naming magiging kakampi niya sa basketball mamaya. Pare-pareho na silang naka-jersey dahil ilang minuto nalang ay tutungo na kami sa basketball gym.

"Lalaking lalaki na si Insan." Rinig kong komento ni Renjie na nasa tabi ko.

Kasalukuyan siyang nakaupo sa dating upuan na iniwan ni Zodiac.

"Lalaki naman talaga kasi siya." Sabi ko na ikinatawa niya lang.

"Shin, ano na? Sasama ka sa amin, next week?" Pag aaya nito.

Kita ko sa mukha niya ang paghihintay sa isasagot ko.

"Sure. Sasama ako." Pagpayag ko.

Agad siyang napangiti.

"Ayoko kasing ma-out of place dun kapag nag meet na sila. Kaya gusto ko din kasama ka."

"Okay no prob. Basta sagot ni Riley ang pagkain."

Napatango tango siya.

"Tama. Libre niya talaga yun." Natatawang sang ayon niya.

Sabay kaming napatingin ulit kay Riley. Patuloy pa din itong nakikipag usap sa mga kaklase namin. Mukhang seryoso silang nagpaplano para sa game mamaya.

Nadako ang tingin ko kay Liam nang bigla itong lumapit sa kinaroroonan namin ni Renjie.

"Shin, para sayo nga pala."

Iniabot nito sa akin ang isang bottled water na malamig pa.

"Thanks."

"Ako, wala?" Tanong ni Renjie dito.

Ngumiwi si Liam.

"Wala na, 'eh." Sagot nito bago naglakad na pabalik sa kinauupuan niya.

Agad kong tinanggalan ng takip yung tubig na bigay ni Liam tapos tinungga ko para inumin.

"Ang bait yata sayo ni Liam?" Puna ni Renjie.

Nang ma-kalahati ko ang tubig ay muli ko itong tinakpan.

"Nagpapasalamat lang siya dahil magkapartner kami kanina."

Pagtapos ng game na yun ay nag sorry siya sa akin. Kung hindi daw siya mabagal. Sana kahit paano ay hindi kami ang kulelat sa race. Kaso, kami ang huling nakabalik sa starting line.

"Sayang lang at na-distract ka kay Daisuke kaya natalo kayo." Pagdidiinan pa ni Renjie.

Tama siya dun. Masyado akong nag focus sa Ungas na si Zodiac. Ang ending tuloy, talo kami ni Liam. Pero hindi naman na masama dahil ang mahalaga ay nakapag-participate kami.

Pasado alas tres ay nagpunta na kami sa basketball gym. Patapos na kasi ang laban ng section 4B at 4A kaya dapat naka-stand by na dun ang susunod na teams. Which is kami nga na 4E laban naman sa 4C.

Sa bandang dulo na kami nakahanap ng pwesto ni Renjie kasama yung iba naming kaklase. Kung maingay kanina sa track and field. Hindi naman hamak na mas maingay ngayon dito sa basketball. Bukod dun, mas madami din tao ngayon. Sabagay, hindi kataka-taka dahil limang estudyante mula sa section 4A ang lumalaban.

Expedallion Crusader: MASERATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon