CHAPTER 45

63 10 1
                                    

(Trigger Warning: 18+)

Titig na titig ako sa mukha ni Riley na himbing na natutulog ngayon sa kama. Kung pagmamasdan mo siya, iisipin mong napakabit niya na tipong hindi gagawa ng masama. Mukhang syang anghel. Pero ang totoo, demonyo pala.

Demonyo na tatangalan ko ng sungay ngayong gabi.

Iiling iling na tumayo ako sa kinauupuan ko bago dinukot sa bulsa ng pantalon ang isang patalim. Malit lang ito pero napakatalas.

Pati cellphone ko kinuha ko na din. Binuksan ko ang voice recoder nito tapos pinatanong ko sa lamesang halos nasa tabi lang ng kama kung nasaan si Riley.

Naglakad na ako palapit sa kanya. Umupo ako sa gilid ng kama niya.

Dahil hindi ko na mahihintay pang magising siya. Naisipan ko na siyang gisingin. Marahan kong tinapik-tapik ang noo niya gamit ang kaliwang kamay ko. Habang nasa kanang kamay ko naman ang patalim.

Ilang beses ko siyang tinapik pero hindi siya nagigising. Hanggang sa mabanas na ako. Sinampal sampal ko siya.

Napangisi ako nang dahan-dahan niyang imulat ang kanyang mga mata. Napatingin siya sa kisame bago bumaling ng tingin sa akin. Bahagya akong natawa nang makita ang gulat sa mukha niya.

"Gulat ka 'no? Akala mo si Daisuke ang makikita mo. Pero ako, pala." Bungad ko.

"S-shin? Anong ginagawa ko dito?'' Taka niyang tanong habang walang patid ang pag ikot ng mga mata sa buong silid.

"Nakatulog ka, kaya yan dinala kita dito para magpahinga."

Akmang babangon siya mula sa pagkakahiga nang matigilan siya.

"Bakit ako nakatali?"

Dahil nga nakatali ang mga kamay at paa niya. Medyo nahihirapan siyang kontrolin ang katawan niya para bumangon sa kama.

"Hinostage kita kaya malamang nakatali ka. Ayos lang yan. Ganyan din ginawa sa akin ng mga kaibigan mo kaya makakaya mo yan."

Namilog ang mga mata niya.

"Pakawalan mo ko dito, Shin! Hayup ka! Tulong! Tulong!" Sigaw nito.

Hindi ko mapigilang matawa habang nakatingin sa kanya na walang tigil sa paggalaw para makatakas sa pagkakatali. Dahil masyado siyang malikot. Tumungtong na ako sa kama bago inupuan siya.

Umupo ako mismo sa tiyan niya paharap sa kanya. Tapos tinututok ko sa mukha niya yung patalim na hawak ko. Literal na huminto siya sa paggalaw.

"Huwag kang malikot at maingay kung ayaw mong putulin ko yang dila mo."

Ilang segundo siyang natahimik. Halatang natakot sa banta ko.

"Mag behave ka at huwag kang epal para mabilis tayo matapos dito. Magtatanong lang ako tapos sasagutin mo." Dagdag ko pa.

"Papatayin mo ba ako? Tulad ng ginawa mo kala Renzo?"

Naningkit ang mga mata ko sa narinig. Sa inis ay sinampal ko ulit siya. Napadaing siya dahil dun.

"For your information, bading ka. Hindi ako mamatay tao. Wala akong kinalaman sa nangyari sa mga kaibigan mo. Huwag mong aakusahan. Pero kung ako ang tatanungin, dapat lang yun sa kanila. Dahil mga demonyo sila." Diretsahan kong sabi.

"Eh, anong balak mo sa akin? Bakit mo ko ginaganito? Pakawalan mo ko!"

Nayayamot na sinampal ko na naman siya nang makita kong nagsisimula na siyang umiiyak.

"Huwag mo kong iyakan! Alam kong alam mo ang dahilan bakit ako umabot sa ganito.''

Nagsalubong ang mga kilay niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 4 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Expedallion Crusader: MASERATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon