CHAPTER 40

207 10 1
                                    


(Trigger warning)

Kung ire-rate ko ang closeness namin ng kapatid ko. Baka 6/10 lang ito. Mababa, diba? Bakit? Siguro dahil hindi kami matagal na nagsama nung mga bata pa kami. Nag stay kasi ako ng matagal sa poder ni Auntie. Habang siya nasa malayo at mag isang nagsasanay para pamahalaan ang negosyong naiwan ng magulang namin.

Ngayon namang pareho na kaming nasa tamang edad. Wala na kaming time masyado pa makapag-bonding dahil parehas kaming busy. Although may contact kami sa isa't isa para magtawagan. Bihira naman magtugma ang schedule namin pareho.

Gayunpaman, mahal ko si Kuya dahil kapatid ko siya at siya nalang ang nag iisa kong pamilya. Kaya mahalaga sa akin ang kahit ano mang opinyon o sasabihin niya tungkol kay Zodiac.

Akala ko matagal pa mangyayari yun. Pero hindi pala. Dahil sa mga oras na ito ay kaharap ko na siya. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan. 

Kasalukuyan kaming nasa kwarto ko dito sa HQ. Matapos niya kaming makita ni Zodiac na magkasama ay agad ko siyang inaya dito para mag usap. Alam kong may kailangan siya sa akin. Dahil hindi yan mag aaksaya ng oras pumunta dito sa Death Race kung hindi importante.

"Bukas sana kita balak puntahan. Nakakagulat na ikaw na ang pumunta sa akin." Panimula ko.

Tuwid siyang nakatayo habang nakadungaw sa bintana. Ako naman ay prenteng nakaupo dito sa kama ko.

"May nangyari ba at sinadya mo pa ako dito?" Dagdag kong tanong.

Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nasa tapat ng bintana na tila wala siyang naririnig.

"Kuya?" Tawag ko.

"May dinaanan akong kaibigan sa malapit. Tapos naisip kitang puntahan." Sagot niya.

Peke akong napangiti dahil dun.

"Diretsahin mo na ako. Alam kong may sadya ka sa akin."

Damang dama ko nga ang kakaibang aura niya ngayon. Para siyang galit.

"Anong meron sa inyo ni Zodiac?"

Bahagya akong natawa sa narinig. Sabi ko na nga ba tungkol kay Zodiac ang pag uusapan namin.

"Totoo bang nagkakamabutihan kayo ng lalaking 'yon?" Sige pa niyang tanong.

Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa kanya dahilan para tuluyan siyang humarap at diretsong tumingan sa akin.

"Sumagot ka!" Sigaw niya na medyo ikinagulat ko.

Galit nga.

"Mahal ko siya, Kuya." Walang pag aalinlangan kong sagot.

Nagsalubong ang mga kilay niya.

"Nababaliw ka na ba? Lalaki siya, Zeke. Lalaki ka din? Ano ka, Bakla?"

Ramdam ko ang iritasyon sa mukha niya kaya nakukutuban ko nang hindi siya magiging pabor sa nararamdaman ko para kay Zodiac.

"Eh, ano ngayon? Wala namang masama na magkagusto sa lalaki. May batas ba nagbabawal dun?" Matapang kong sabi.

Nanlisik ang mga mata ng kapatid ko.

"Baliw ka na, Zeke. Alam mong mahalaga sa pamilya natin ang magkaroon ng anak. Kailangan natin mag asawa pareho para maipagpatuloy ang na simulan ng magulang natin. Ikaw nalang ang inaasahan ko dahil kahit kailan hindi ako magkaka-anak. Tapos sasabihin mo sa akin, Bakla ka? Nagpapatawa ka ba?"

Pakiramdam ko may tumusok na karayom sa puso ko matapos niyang sabihin yun.

"Ah...dahil baog ka. Sa akin mo ipapasa ang responsibilidad mo?"

Expedallion Crusader: MASERATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon