CHAPTER 1

987 33 4
                                    

Fifteen lang ako noong unang mapadpad ako sa Death Race dahil sa tulong ng kapatid ko. Nagawa niya akong maipasok dito bilang assistant ng isa sa pinaka-magaling na mekaniko na si Alfred Zauruz.

Ang taong yon ang isa sa dahilan kaya natuto akong magmaneho. Siya ang pinaka-itinuring kong mentor pagdating sa pangangarera.

Hindi naman nagtagal ay nakitaan ako ng galing ni Boss Cosimo kaya agad niya akong isinama sa grupong Expedallion Crusader.

Sa paglipas ng mga taon. Eighteen na ako ngayon. Mas lalo kong pinag iigihan ang trabaho ko para hindi magsisi si Kuya na pumayag siyang maging underground racer ako.

Napaka-supportive niya sa akin. Ayos lang sa kanya kung ano man ang gusto ko sa buhay. Sa kanya nga galing ang kauna-unahan kong kotse dahil wala pa akong pambili noon. Palibhasa, dalawa nalang kami sa pamilya kaya mahal na mahal niya ako.

Ganun din naman ako sa kanya.

Sa ngayon ay bihira na kami magkita. Busy kasi ako sa Death Race tapos kasisimula palang ng panibagong school year. Kaya nahahati ang oras ko sa dalawang obligasyon na dapat kong gawin.

Kasabay ng suporta ni Kuya sa pangangarera ko sa Death Race ay nangako ako sa kanya hindi ko pababayaan ang pag aaral ko kahit pa literal na tamad ako mag aral.

Graduating na ako this year sa highschool at wala pa akong ideya kung anong kukunin ko sa College. Tinatamad kasi akong mag isip.

Tulad ngayon.

Panay ang hikab ko habang naglalakad patungo sa pribadong garahe namin dito sa HQ. Ito ang head quarters naming mga miyembro ng Expedallion Crusaders dito sa Death Race. Dito kami nakatira. Isa itong mataas na gusali na may kumpletong nga pasilidad.

Ngayon nga ay papasok ako sa school kahit tinatamad ako. Kasisimula palang kasi ng panibagong school year kaya hindi pwedeng umabsent ako agad. Saka na ako aabsent kapag nasa kalagitnaan na ng taon. Sa ngayon, hindi muna.

Pala-absent pa naman ako.

Nang makarating sa garahe ay agad kong nilapitan ang motor ko. Nakaparada ito sa tabi ng iba pang motor na nandito. Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang motor na ipinahiram ko kay Bugatti na babayaran daw niya.

Nakalimutan kong sabihin sa kanya na may ketek ang makina nun. Sana lang huwag niya akong sisihin kapag tumigil yon bigla.

Iiling iling na sumampa na ako sa motor ko at binuhay ang makina kaya naglikha ito ng ingay. Bago ko pa makalimutan ay isinuot ko na ang helmet sa ulo ko.

Akmang papatakbuhin ko na ang motor ko nang matanaw ng mga mata ko si Mazda na naglalakad palapit.

"Aalis ka na?" Tanong niya.

"Hindi. Aalis palang." Sarkastiko kong sabi na nanatiling blangko ang ekspresyon.

Napahalakhak siya bago tinapik tapik ang kanang braso ko.

"May itsi-tsismis pala ako sayo."

Hindi ako umimik sa narinig. Hindi na ako nagulat na may panibago na naman siyang itsi-tsismis. Sanay na ako sa pagiging tsismoso niya.

"Yung racer na tumalo sayo kahapon kaya nagkagalos ka. Alam mo bang dinala sa hospital? Ayon sa nakalap kong tsismis. Binugbog daw nila Zodiac."

Naningkit ang mga mata ko sa narinig.

"Kaunti nalang maniniwala na akong nagpapa-pansin yon sayo." Umiiling na komento pa niya.

Hindi ako nagsalita. Naalala ko lang na last week pa pala nangyari ang pagkikita namin ng personal ng taong yon. Pagtapos nun ay hindi ko na siya nakita ulit. Pwera nalang kapag lalaban siya sa Death Race. Napapanuood ko siya sa screen dahil curious nga sa galing niya si Mclaren at itong si Mazda kaya nakikinuod ako.

Expedallion Crusader: MASERATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon